Chapter 18

1.5K 70 1
                                    

Jean Kaye Emerson


Nong papalubog na ang araw saka ko niyaya si Mira Jane.

"Tara maglakad-lakad muna tayo?"

Tumango siya.

Hinawakan ko na ang kamay niya at naglakad kami papunta sa pampang.

Tumigil muna kami at inakbayan ko siya habang pinapanood namin ang sunset.

"Happy?"tanong ko sa kanya.

"Happy!"sagot niya saka siya tumingala kaya dinampian ko siya ng halik sa labi.

Masarap ang pakiramdam na nakakabawi ako sa kanya at masarap na makasama siya sa ganitong klase ng lugar.

Kahit ganitong oras ay may mga naliligo pa rin dito sa dagat.

"Mira Jane, gusto mo bang maligo? Sakto hindi na mainit."

Hinila-hila ko siya.

"Jean! Baliw ka talaga!"reklamo niya.

"Yes I know! I love you Mira Jane!!!!!!"sigaw ko at agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ang lakas ng trip mo! Pinagtitinginan tayo."

"Hayaan mo sila. Basta isisigaw ko kung gaano kita kamahal."

Andito kami sa mababaw na parte ng dagat habang nakaupo.

Nababasa pa rin naman ang buong katawan namin dahil sa hampas ng alon.

Dito ako pumwesto sa likuran niya at naka-buka ang mga legs ko dahil nasa pagitan ko siya.

"Maganda pala maligo kapag ganitong oras Jean. Kahit hindi na ako maglagay ng sunblock."

Sarap na sarap kaming magbabad.

"Tama ka kaso medyo malamig na kapag ganitong oras."

"Oo nga eh. Tara na sa cottage?

Tumango ako at umahon na kami.

Nauna siyang maglakad, nakasunod ako sa kanya habang pinagmamasdan siya.

"Mira Jane! Hintayin mo ako."

"Mhm?"napalingon siya at tumigil sa paglalakd hanggang sa maabutan ko siya.

"Papayag ka ba na magpakasal tayo next year 1st or second quarter?"

Ngumiti siya.

"Basta pumayag ang nanay at kuya ko na ikasal ako sayo, walang problema sakin."

"Oh c'mon, nasa legal age ka na."

"Alam ko Jean, pero bilang respeto rin naman sa kanila. Basta ipaalam mo ako. Handa naman akong magpakasal sayo anytime, anywhere!"

Napangiti ako.

"Okay, kung yon lang pala ang condition mo. Sige, ipagpapaalam na kita. And of course, sa parents ko para wala tayong iisipin prior to our marriage."

Yumakap si Mira Jane sa bewang ko, uminit tuloy ang pakiramdam ko. Ang lamig kasi kanina dahil basa ang damit ko tapos humahangin pa. Baka nilalamig din siya.

Pagdating namin dito sa cottage ay nauna na siyang maligo.

Ako naman kinuha ko lang yong towel at itinakip ko ito sa likod ko.

Binuksan ko muna ang rechargable lamp na dala ko at isinabit ito dito sa gilid ng cottage. naisip kong kumuha ng tuyong sanga para gawin na maliit na bonefire dito sa mabatong part, halos katabi lang ng table.

Bakit kaya hindi pa lumalabas si Mira Jane?

Pumasok ako ng cottage at sinilip ito pero bakit naka off ang ilaw?

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora