Chapter 5

4.1K 131 25
                                    


Jean Kaye Emerson

Sino ang hindi gaganahan gumising kapag ganitong alam mong makikita mo na naman ang taong mahal mo? Laging mataas ang energy ko kasi makikita ko na naman si Mira Jane!

Syempre kahit busy ako sa trabaho gagawa ako ng paraan para mabigyan siya ng oras ko. Hindi ako papayag na lumipas ang isang araw na hindi ko siya makita. Ayokong sayangin ang pagkakataon lalo na malapit ulit kami sa isa't-isa.

Ganito pala kapag mahal mo ang isang tao, lagi kang nae-excite sa mga mangyayari.

Konting tiis na lang, dadating din ang araw na magkakasama kami ni Mira Jane sa iisang bubong. Ako na siguro ang pinaka masayang tao kapag nangyari iyon.

Kung bakit naman kasi ganito ko siya kamahal. Kahit ilang taon ang lumipas, hindi ko man lang siya nagawang iwaglit sa isip ko. Ganon ang epekto ng isang banyo queen sa buhay ko.

At parang kelan lang noong college kami, lagi akong nakaabang dito sa harap ng bahay nila kapag susunduin ko na siya. Nagbago lang iyon nong pagbawalan kami ng Kuya niya kaya madalas patago kami kung magkita.

Eto ako ngayon, andito ulit ako at napagmamasdan ko siya habang palabas ng bahay nila.

Simple lang siya pero ang totoo hindi talaga siya ordinaryong babae dahil siya lang ang nag iisang bumihag sa puso ko.

Kung hindi ko lang siya mahal, andaming magaganda at hot na babae sa U.S. pero kay Mira Jane pa rin ako bumagsak at paulit ulit akong babalik sa kanya kahit anong mangyari.

Ayan na siya!

"Good morning mahal ko, Mira Jane!"kumaway ako.

Halatang nagulat siya nong sumigaw ako.

Palabas na siya ng gate nila.

"Bwisit ka talaga impakto. Ang aga-aga ang lakas ng boses mo! Nanggugulat ka!"

"Nagulat ka lang ata sa kagandahan ko. Hayaan mo sa susunod hindi na ako magsusuklay. Para hindi ka masilaw."

Natatawa siya.

"Kahit kailan makapal talaga yang pagmumukha mo impakto ka."

"Dali na pasok ka na dito sa loob ng sasakyan. Gusto mo pa ata magpabuhat sakin, eh. Ano buhatin ba kita?"

"He! Papasok na."

Sumakay na siya.

"Ang bango mo talaga mahal ko, amoy harina ka."

"Ah talaga? Paamoy nga yang leeg mo impakto! Baka amoy babae ka!"

"Ano?! Hindi ako nangbabae!"reklamo ko.

"Umayos ka impakto! Kapag nalaman kong nangbabae ka, hindi ako natatakot na iwanan ka kahit binigyan mo pa ako ng engagement ring. Ipapalunok ko to sayo."

Aba seryoso ata siya sa sinabi niya!

"Grabe ka Mira Jane, hindi mo ata ako mahal."

Lumabi ako.

"Impakto naman eh yang itsura mo. Mahal kita syempre. Huwag mo lang akong lolokohin baka mamaya porke amoy harina ako ipagpalit mo na ako sa iba na mas mabango sakin."

Ngumiti ako.

"Joke lang na amoy harina ka. Amoy tinapay ka, yong pinaka-masarap na tinapay sa buong mundo."

"Bakit? Nakatikim ka na ba ng pinakamasarap na tinapay?"

"Oo naman yong tinapay mo..."

"Tinapay ko? Bakit parang malaswa yang pagkakasabi mo?"pinisil niya ang pisngi ko.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora