Chapter 33

1.4K 52 1
                                    


Jean Kaye Emerson

Tinakasan ako ni Mira Jane kanina at pinuntahan niya sina Jo at Samantha. Sobrang pag-aalala ko habang wala siya sa tabi ko.

Nagdududa siya na may iba akong babae na iniwan ko sa States. Pero imposibleng mangyari iyon, dahil siya lang ang babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko.

Pero ang cute magselos ni banyo queen. Nilalayasan ako! Huwag na sanang lumala pa ang inis o galit niya sa akin.

Seryoso siya habang nagpapalit ng damit pantulog, katatapos niyang maligo. Tingin ko kailangan kong magdoble ng effort sa panunuyo at patunayan sa kanya na siya lang ang mahal ko.

Kung bakit naman kasi ang cute ko, habulin talaga ako ng babae. Hindi ko naman maiiwasan yan dahil sobrang lakas ng sex appeal ko ahaha!

Kaso napapakamot ako ng ulo dahil hindi gagana kay Mira Jane ang sex appeal ko. Sa aming dalawa mas nakakatakot siya kahit mas malaki ako sa kanya. Oo siya ang masusunod sa aming dalawa at handa akong gawin lahat ng gusto niya. Ganon siya kalakas sa akin.

Hay paano ba ito? Kahit sobrang ganda ko di uubra kay Mira Jane ang pagpapa-cute ko.

"Mahal ko."

"Bakit?"napakaseryoso naman niya.

"Huwag ka na magalit. Wala naman akong iba, eh. Habulin lang talaga ako ng babae, pero kita mo naman, umiiwas talaga ako kaso ewan ko.... yummy lang siguro talaga ako."

Ayon lang! Sabi na, eh. Di siya nagreact. Ang cute kaya ng linyahan ko.

Paano ko ba siya sinusuyo noon? Dahil mas marami pang babae ang nakapaligid sakin noong nag-aaral pa kami pero nagkakaayos naman kami agad.

Kasi sobrang love niya ako noong college kami. Ngayon, baka hindi na niya ako masyadong love. Hay! Nakakaparanoid naman.

"Mira Jane, hindi mo na ba ako ganon ka-mahal? Bakit ba ayaw mong maniwala sakin na wala akong iba? Yong babaeng tumawag noong nakaraan, si Cherry! Baka crush lang ako. Naghahabol siya pero wala naman kaming past."

"Bahala ka, sigurado namang maganda yang si Cherry mo. Sa kanya ka nalang, ibalik mo nalang ako sa Nanay ko."

Ano raw?!

"Pinagsasabi mo! Hinding hindi kita ibabalik! Akin ka! Kita mo naman araw araw tayong magkasama, sa tingin mo ba may oras pa akong mangbabae, busy ako sa trabaho at hindi naman kita iniiwan. Ayan ang cellphone ko buksan mo anytime you want. Wala kang makikita na kahit anong kalokohan diyan."

"Jean ang babaero nakakagawa ng paraan kapag gusto niya, kagaya nang napanood ko sa Kdrama, may cellphone pala siya sa office niya na hindi niya inuuwi, yong isa nasa kotse niya! Kaya nakakausap nila ang mga kabit nila!"

Eh?! Seryoso? Lintik na kdrama yan! Anong kinalaman ko sa bwisit na palabas na iyon?! Haist!

"Hindi ko ginagawa yon! Kahit halughugin mo pa ang kotse ko at opisina ko wala akong itinatago na ibang cellphone."

Hindi na niya ako pinansin. Nakadapa na siya sa kama.

Hay bakit ba ang cute ng banyo queen ko. Parang naging mas selosa na siya ngayon. Pero minsan gusto kong nagseselos siya, kasi ramdam ko na ayaw niya akong mapunta sa iba. Kaso syempre takot din ako na baka iwanan niya ako kapag hindi ko siya nasuyo.

Hinayaan ko muna siyang sumubsob sa kama. Nandito ako sa sofa nakaupo, nang tumahimik siya saka ako tumayo.

Banayad kong isinara ang pintuan. Inaasahan kong tulog na siya, it was almost nine o'clock in the evening.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now