Chapter 23

1.3K 74 1
                                    


Jean Kaye Emerson

Sinamahan kong maghanda ng breakfast si Mira Jane at gusto raw niyang makita ang mga kapatid niya.

After magluto ng breakfast sinundo niya sa kabilang bahay yong tatlo.

"Jean, sabay-sabay na tayong magbreakfast ng mga kapatid ko. Si Mama mamaya na lang raw siya kakain."si Mira Jane at nakasunod sa kanya ang mga bata.

"Sure!"

Sa ilang araw na pamamalagi ng mga kapatid niya sa bahay ng Mama nila ay medyo nagkalaman na ang mga katawan ng mga ito.

Nakaupo ako rito sa dining habang naghahanda si Mira Jane ng pagkain.

"Gino, anong gusto mong regalo?"

"Bola po, Ate Jean."

"Para sa basket ball?"

"Opo."

"Sige, ibibili kita. Ikaw Ico, anong gusto mo?" Ang bunso.

"Bike po, Ate."

"Aba, marunog ka ba?"

Umiling siya.

Mukhang magtuturo pa kami.

"Ikaw Icel, anong gusto mo?"

"Wala po, Ate Jean."

"Ah di bale. Ako na bahala. Kain na tayo."

Katabi ko si Mira Jane at kaharap namin ang mga kapatid niya.

Kinausap ko siya na bibili ng mga regalo para sa mga bata para naman hindi sila ma-bored sa bahay.

Mula dumating itong tatlo, halos nasa bahay na lang din ang Mama nila dahil nagbabantay ng mga kapatid niya. Malayo pa kasi ang susunod na pasukan.

After kumain nagpunta na sa kabilang bahay ang mga bata, kami naman ni Mira Jane ay naghanda na para sa trabaho.

"Bakit malaking sasakyan ang dadalhin mo Jean?"

"May isasakay ako sa likod mamaya. Bibili ako ng bike."

"Ganon ba? Ang bait naman ng asawa ko."

Napangiti ako. Tinawag lang akong asawa ni Mira Jane kinikilig na ako!

Ang rupok ko talaga pagdating kay banyo queen.

Hinatid ko muna siya sa shop at ako naman ay dumirecho na sa office ko.

10AM na ako nakarating dito sa office.

"Ma'am Jean, I'm sorry to disturb you. But you have a call from Mr. Carlos. Are you going to accept it?"si Ayrin, ang secretary ko.

"I'll accept it."

Inangat ko ang telepono na nandito sa ibabaw ng table ko.

"....yes?"

"Hi. Do you still remember me?"

"Of course, sinong makakalimot sayo, bastard!"

Halatang natatawa ito sa kabilang linya.

Bong Carlos!

"I heard that you are engaged."

"Sinong chismosa o chismosong nagsabi sayo?"

"Honestly, nabanggit sakin ni Ivan nong nagkausap kami."

"Yes, none other than Mira Jane. Ang pinakamamahal ko since college. Ang babaeng tumalo sayo."

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now