Chapter 44

1.4K 50 7
                                    

A/N: Doble pala post ko sa chapter 43. Eto talaga laman ng ch. 44.

_________________________________

Jean Kaye Emerson

Sunday Night. Magkakasama kami nila Jo at Jill papunta rito sa bahay nila Frances. Pati yong tatlong alipores na sina Suso, Gurang at Atasha. Nakasakay kami rito sa Van, si Gurang ang nagmamaneho, sinundo niya kaming lahat.

Hindi na namin isinama ang mga asawa namin dahil sa mga bata.

"Nakakamiss rin yong ganitong byahe natin, magkakasama tayo sa iisang sasakyan."si Atasha.

"Oo nga eh. Saglit, Jill bakit wala si Wendy?"tanong ko.

"Ha? Ahh eh ewan ko nga ba. May sariling mundo yong kapatid ko."

Buti at hindi sumama si Wendy, kasi kailangan kong magbago. Ayoko na mang asar pa. Nagagalit na ang asawa ko.

"Oh Jean, yang bibig mo ah. Baka mamaya paghiwalayin mo na naman si Frances at Fiancé niya. Kagaya ng ginagawa mo kay Wendy at sa boyfriend niya."si gurang.

"Hoy gurang, kapag pangit yong boyfriend ni Frances talagang magsasalita ako. Tsaka totoo namang pangit yong boyfriend ni Wendy, di ba Jill?"

Hay ang hirap magpigil.

"Huh? May sinabi ba akong pangit yong boyfriend ni Wendy?"

"Hayop ka, Jill! Nagmamaang-maangan ka ngayon!"sigaw ko kasi nasa passenger seat siya. Dadagukan ko sana si Jill kaso itinulak ako nitong katabi ko.

"Ano ba Jean! Nadudunggol mo tong dibdib ko."si Ellaine na nandito sa kanan ko.

"Jo palit nga tayo ng upuan baka mapatulan ko na naman 'tong si Ellaine, nagbabago na ako. Ayoko nang pumatol."nasa kaliwa ko si Jo.

"Nakadikit yong pwet ko rito sa upuan at natutulog ako. Huwag mo akong istorbohin."

"Ah ganon?!'

Kumandong ako sa kanya.

"Jean naman eh. Ang bigat mo"reklamo niya.

Idiniin ko yong pwet ko sa lap niya kaya napaliyad siya.

"Bwisit!" Umurong siya kaya sila na ang magkatabi ni Ellaine.

Nagbabagong buhay na ako dahil ayoko nang maging bully, ayokong matulad sa akin ang anak ko. Amen. Pagdating dito sa bahay nila Frances, pinatuloy agad niya kami.

"Oh asan na ang boyfriend mo?"tanong ko kay Negra este kay Frances.

Sa isip na lang ako magiging bully, hindi na sa gawa.

"Mamaya lang naririto na siya kasama ang parents niya."

"Itali niyo na yang si Jean at takpan ang bibig niya dahil walang natutuloy na relasyon kapag siya ang tumutol."

"Gurang talaga!------bakit pangit ba yong boyfriend mo Frances?"

"Pogi 'no! Kamukha ni Kuya Ivan."sagot niya.

"Kamukha ni Ivan? Sure? Kung ganon hindi ako tututol."sagot ko.

"Paano kung guapo pero masama ang ugali?"si Jo.

"Hindi mahalaga sakin ang ugali, bumabase lang ako sa mukha. Pag pangit ang mukha at mukhang mabaho, ekis agad kagaya ng boyfriend ni Wendy. Pero kung guapo kahit masama ang ugali okay lang hindi naman ako ang pakikisamahan, eh. Ayoko lang sa pangit dahil naaalibadbaran ako."

"Masama talaga ang ugali ni Jean kaya okay lang sa kanya kapag masama ang ugali ng ibang tao."si Atasha.

Hindi ko siya pinansin, ayokong patulan kasi nagbabago na ako.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Where stories live. Discover now