Chapter 34

1.4K 58 0
                                    

Mira Jane Garcia

Two weeks before the wedding.

Ngayon ang flight namin papuntang Las Vegas, kasama ang buong pamilya ko. Iniwan ko ang negosyo sa Assistant ko at siya muna ang bahalang mag-manage ng dalawang shop, si Kuya Seg nagfile din ng vacation leave, ang Mama at ibang mga kapatid ko ay kasama rin namin.

Habang nakaupo kami ay hawak ni Jean ang bewang ko.

"Calling all passenger's of flight five-o-four."

Narinig na namin ang announcement at nagready na kami.

"Halika na, mahal ko."hinawakan niya ang kamay ko at tumayo na kami. Nakasunod sa aming dalawa ang lahat ng kasama namin.

Nakapasok na kami dito sa loob ng eroplano, business class ang kinuha niya para sa aming lahat. Magkatabi kaming dalawa, si Mama at si Ico ang magkatabi, si Icel ang katabi ay si Gino, nahiwalay ang Kuya Seg.

"Komportable ka naman ba Mira Jane, mahal ko?"

"Yep."

"Good."

Paanong hindi ako magiging komportable katabi ko ang impaktong ito na mayat-maya ay kinakamusta niya ako.

Excited tuloy ako sa susunod na kabanata ng buhay naming dalawa. Kulang ang salitang kaligayahan para maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hawak niya ang kamay ko na para bang ito ang kabuuan ng kaligayahan niya.

Mahaba ang magiging byahe namin. Sana maging okay lang ang mga kapatid ko at si Mama, ito ang unang flight namin na talagang malayo.

Halos buong araw ang naging byahe namin patungong U.S.

At nang makarating kami dito sa Las Vegas ay may sumundo sa amin na Van.

Lahat ata ng buto ko sa katawan kailangan kong igalaw-galaw dahil medyo masakit at nangalay sa byahe.

Papunta na kami sa bahay na tutuluyan namin. Nagkasya kaming lahat at pati na ang mga gamit namin dito sa sasakyan.

Buti nalang hindi gaanong malamig. Sapat na ang hoody jacket para maging komportable ang pakiramdam namin.

Pagdating namin dito sa tutuluyan namin ay napamangha ako.

Napakalaking mansyon.

"Bayaw Jean, kanino ang bahay na ito sa iyo ba? Ang laki ah!"si Kuya Seg.

"Pag-aari ito ng parents ko. May iba't-ibang properties ang pamilya ko na nandito sa U.S. isa na doon yong nasa New York pero dito ko pinili na ikasal kami ni Mira Jane kaya dito muna tayo mag stay."

"Wow! Hanep."

Natatawa ako sa Kuya ko. Parang hindi siya makapaniwala na ganito kayaman ang mapapangasawa ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Ico. "Okay ka lang ba bunso?"

"Opo Ate. Ang sakit ng pwet ko."naiiyak na sabi ni Ico.

"Come here, kargahin na kita. Kawawa naman ang baby namin. Masakit na ang pwet dahil sa tagal ng byahe namin."si Jean.

Malambing siya sa mga bata kaya mahal na mahal siya ng mga kapatid ko. Karga niya si Ico, si Gino naman ang inaakbayan ni Kuya. Papasok na kami ng bahay, kasama ko si Icel at si Mama.

"Ma okay ka lang ba?"

"Oo, pareho kami ni Ico. Masakit na ang katawan ko sa tagal ng byahe."

"Ikaw Icel?"

"Ate muntik akong masuka kanina sa Van. Pinipigil ko lang. Nahihilo na ako sa tagal ng byahe natin."

"Di bale makakapahinga naman kayo ngayon."

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora