Chapter 26

1.3K 71 3
                                    


Jean Kaye Emerson

DUMATING ang araw na pinakahihintay ko.
Ang humarap ang buong pamilya ko sa pamilya ni Mira Jane. Nakakatuwang isipin na kahit nasa modern era na kami ay conservative pa rin siya.

Anong nararamdaman ko?

Sobrang saya at excited ako!

Sa bahay ng Mama ni Mira Jane gaganapin ang pamamanhikan. Naghanda raw ito ng mga special na mga pagkain, at nandon din daw ang Kuya Seg niya.

Ako, si Ivan at ang parents namin ay kasalukuyang nasa byahe. Si Ivan ang driver at naka-upo ako dito sa passenger seat, si Mom at dad ay nasa backseat.

"Tanda ko pa noon namanhikan din ang dad mo sa akin bago kami ikinasal at isa yon sa pinakamasayang araw sa buhay ko."si Mom.

Lumingon ako sa kanila, tahimik lang si Dad habang naka-upo.

"Mom, araw araw akong masaya dahil kay Mira Jane. Siya ang buhay ko, ikakamatay ko kapag pinaglayo ulit kami ni Dad."

"Rmm!"tumikhim si dad.

Guilty kasi!

Natatawa naman si Ivan.

Pagdating namin dito sa bahay nila Mira Jane. Sumalubong agad ang Mama niya at Kuya Seg niya. Ipinakilala ko ang pamilya ko sa pamilya niya.

Dito sa sala magkaharapan ang dalawang parties. Magkakatabi kami nila Mom, dad at Ivan kaharap namin si Mira Jane, ang Kuya Seg at Mama niya.

Yong tatlong bata ay nasa kwarto dito sa baba. Nanunood sa cellphone. Wala pa silang malay sa ganitong klase ng okasyon.

"Misis Garcia, nandito kami para pormal na hingin ang kamay ng anak mong si Mira para sa kasal nila ng anak namin na si JK."si Mom.

"Nabanggit nga nila sa akin ang plano nilang magpakasal. Wala namang problema sa akin kung kagustuhan na nilang magka-isang dibdib. Pag-usapan na lang natin kung kelan at saan gaganapin ang wedding ceremony."

"Oo at alam naman natin na hindi legal ang magpakasal dito sa bansa ang parehong babae kaya sa ibang bansa gaganapin ang kasal."si Mom.

Sumingit na ako. Hindi na ako mapakali eh.

"Mahal ko po si Mira Jane, I will marry her kahit saang sulok ng mundo. Sagot ko lahat ng expenses sa kasal, ang mahalaga ay makarating kayo sa araw na iyon. Intimate wedding ang magaganap at immediate family at mga malalapit na kaibigan lang ang imbitado. Dad what can you say?"

Tumingin ako kay Dad na kanina pa tahimik.

"Rmm!" Tumikhim siya at umayos ng upo. "You talk too much, JK. Ano pa bang magagawa ko. Kung talagang nagmamahalan kayong dalawa, do what makes you happy. I give you my blessing."

"Thanks, Mr. Emerson."sagot ko at bumaling ako sa Mama ni Mira Jane.

"Mahal ko po ang inyong anak at gagawin ko po lahat para mapasaya siya. Aalagaan ko siya at hinding-hindi ko siya pababayaan."

Tumango ang Mama niya.

"And to you Mira Jane, my future wife. I love you so much."

Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero ngumiti lang siya. Ang unfair! Nahihiya ba siya?

Never mind!

Nagkasundo na ang bawat panig at mukhang si Ivan ay magkakaroon din ng bagong tropa. Masaya silang nagkukwentuhan ni Seg.

It went smoothly, a hearthy meal and great wine was shared by our families. My brother Ivan expressed his gratitude for our visit at pagkatapos ng pamamanhikan ay nilapitan ko si Mira Jane.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon