Chapter 51

765 64 19
                                    

😊😊😊😊

"Hello Mr.Cal!Sorry I'm late"

Nag-angat ng ulo si Kaye, tapos ngumiti sa bagong dating.

"Hi Attorney!" nakangiting bati niya, "Have a seat.. " alok niya sa abogado na si Atty. Antonio Ruiz. Sabay isinara ang diary ni Yassi na paulit-ulit na niyang nabasa, sa nakalipas na mga taon. Ngumiti naman ang abogado at naupo sa harapan niya. Nasa isang Italian Restaurant  sila. Dito niya talaga sinadya ang pakikipagkita rito.

"Nagulat ako sa email mo, na hindi mo na itutuloy ang kaso para kay Ms. Sarmiento,, bakit naman nagbago ang isip mo? "

"Wala naman talaga akong balak na kasuhan siya, tinatakot ko lang yon .." seryosong sagot ni Kaye. Nagisip naman ang abogado bago muling nagsalita.

"Paano naman yung kotse mo? Malaki-laki rin sana ang babayaran niya sayo.. "

"Hwag mo na intindihin yon Attorney,, ako na ang bahala magpaayos non,, basta ikaw nalang ang magsadya sa kanya na iniurong ko na ang kaso.. heto ang address niya."

Tinanggap ng Attorney ang kapirasong papel. Hindi na rin ito nangulit pa sa kanya. Nagtataka man kung bakit nakapagdesisyon siyang iurong ang kaso laban sa babae ay nangako pa rin itong makakarating kay Yasmin ang balita. Ayaw na niya kasing magkaroon pa sila ng ugnayan ng babae. Sa hindi kasi malamang dahilan ay nagulo ni Yasmin ang nanahimik niyang mundo. Nagulo nito ang pusot-isip niya. Marahil dahil nga may pagkakahawig ito kay Yassi kaya siya nagkakaganoon. Kaya naman habang maaga pa o hanggat maaari ay ayaw na niya itong makita pa. O makipagkaibigan man lang dito. Pakiramdam niya kasi nagtataksil siya sa pangako niya kay Yassi na maghihintay siya at kailanman ay hindi niya ito makakalimutan. Ayaw niyang mangyari na may iba ng babae ang magmamay-ari ng puso niya.Kaya habang maaga pa ay tatapusin na niya ang ugnayan nila na dapat noong una palang ay hindi na dapat nasimulan pa.
Magkasabay na rin sila ni Atty. Ruiz na nilisan ang Restaurant. Pagkasakay sa kotse ay saka niya chineck ang cellphone niya, tinungo ng mga daliri niya ang contacts, at hinanap ng mga mata niya ang pangalan ni Yasmin. Nang makita ito ay matagal niya itong tinitigan bago pinindot ang delete button.Pagkuway isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya. Para kasing labag sa kalooban niya ang pagdelete niya sa number nito. Ngunit agad rin namang pumasok sa isip niya na tama lang yong ginawa niya. Pagkuway binuksan niya ang pendant ng kwintas na nakalagay lang palagi sa bulsa niya. At naroon ang litrato ni Yassi. Malungkot na ngiti ang pinawalan niya.

-
-
-
-

Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Yasmin, habang nasa loob siya ng opisina ni Ms. Yhenjulien, paano'y nagustuhan nito ang article niya tungkol kay Nykieh Lao.

"Good job, Ms. Sarmiento,, nakaabot ka sa due date! Congrats! " nakangiti pang sabi nito. Minsan lang siya mapuri nito at ito ang unang pagkakataon na nakarinig siya ng mga magagandang salita mula rito.Madalas kasi nakakababa ng pagkatao ang mga salitang madalas nitong ipagsigawan sa lahat.Kaya sobrang saya niya. Nagpasalamat nalang siya bago lumabas ng opisina. Pagkalabas ay agad niyang pinuntahan ang mesa ng kaibigang si Jhane. Nang mapatingin siya sa pumasok.Ang kaopisina niyang si Jackie at may kasunod itong lalaki na pormal ang suot at tipong nasa singkwenta na ang edad.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now