Chapter 62

799 61 21
                                    

😊😊😊😊

Yasmin's P. O. V.

Kagaya nga ng sinabi ni Kaye kahapon na kailangan kong makihalubilo naman sa ibang kapitbahay ay sakto namang nakatanggap ako ng imbitasyon, na iniabot mismo sa akin ng presidente ng homeowners ng subdivision. Magkakaroon daw ng kaunting kasiyahan sa bulwagan. Selebrasyon ng anibersayo ng pagkakabuo ng samahan ng mga homeowners.

Pinasadahan ko ng basa ang imbitasyon. Naroon ang pangalan ni Kaye at Yassi. Nasa dulo naman ng card ang pangalan ko. Siguro kasi bagong salta lang naman ako. Para bang may kirot sa puso ko na kahit ang mga tao sa lugar na to, ay hindi pa tuluyang nakakalimot sa love team ni Kaye at Yassi.Wala na si Yassi pero kasama pa rin siya sa imbitasyon. Inisip ko nalang na baka dito siya talaga lumaki at nagkaisip. Napabuntong hininga nalang ako at inasikaso ko ang sarili.

Isang simpleng palda lang at blusa ang suot ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Ganito ang gusto ni Kaye, yung simple lang. Napangiti ako. Bago ako umalis sa harapan ng salamin, ay kinindatan ko pa ang sarili ko.

Atubili akong kakatok o pipindot sa doorbell ng bahay ni Kaye. Nandito na naman yung pakiramdam na hindi na naman ako mapakali. Kaya naman katok nalang ang ginawa ko. Hindi rin naman nagtagal ay nagbukas na ang dahon ng pinto at si Kaye ang tumambad sa aking harapan.

Halos parang sasabog ang puso ko sa kaba at excitement. Kung makapigil hininga ang get -up niya kahapon sa kupasing maong pants at sports white shirt ay lalo na ngayon. Sa suot niyang white poloshirt was carelessly rolled halfway to her elbows,nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang pagkaka-ayos ng buhok. And no one would ever mistake her for a lesbian. Lalaking-lalaki ang porma kaya nga bahagya pang nakaawang ang bibig ko.Kita sa mukha ko ang labis na paghanga sa kanya. Kumakabog ng husto ang puso ko. Eksaheradong napahawak ako sa dibdib ko sa labis na paghanga ko sa kanya.

Nagbalik lang ako sa katinuan ko ng pitikin niya ang noo ko.

"Aray ko naman!" Angil ko.

"Ano ba kasing tinatanga-tanga mo dyan?!"

Napakamot ako sa ulo at napangisi. Oo nga mukhang tanga nga pala ako kanin dahil sa pagkamangha ko sa kagwapuhan niya.

"Gusto ko sanang sabay na tayo, sa pagpunta sa party. " nakangiting sabi ko.

"Sure basta ba ayusin mo yang sarili mo,hindi pwede ang tatanga-tanga don!" nakatawang sabi nito.

Nagpatiuna na ito sa paglalakad at nakasunod lang ako. Sumakay ako ng kotse niya nang walang imik. Sobrang kabado ako. At para bang naumid ang dila ko at wala akong masabing anumang salita. Sobrang gwapo niya kasi. Hanggang sa makarating kami sa court. Bakit kaya kailangan pang magkotse eh kaylapit-lapit lang pala ng lugar. Pagkababa niya ng kotse ay dire-diretso na ito sa pagbati sa mga taong naroon.

Nakaramdam ako ng inis dahil hindi man lang niya ako hinintay.Padabog kong isinara ang pintuan ng sasakyan pagkababa ko. Sa lakas ng tunog ay napalingon si Kaye sa gawi ko. Kausap niya ang isang matandang lalaki. Nangiti ito nang makita akong papalapit.

"Welcome sa Home Owners Association, I am Alfred Sandejas... " lahad niya ang kanyang mga kamay na malugod ko namang tinanggap.

"Please to meet you Sir! " nakangiting turan ko.

"Tama nga ang mga kapitbahay kamukhang kamukha mo nga si Ms. Yassi Cuatco, anyways, enjoy your selves Kaye, bahala ka na kay Ms. Sarmiento, eestimahin ko pa ang iba pang bisita... " anito at tuluyan na kaming iniwan.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now