Chapter 47

795 52 14
                                    

😊😊😊😊

Pagkababa ni Yasmin sa kotse niya ay agad siyang pumasok sa restaurant kung saan sila magkikita ni Mr. Lao. Sobrang stress ng hitsura niya at nagulo na rin ang buhok niyang ayos na ayos kanina bago ang aksidente.

Habang naglalakad papasok ay tinext niya ang kaibigang si Jhane, paano'y wala siyang picture ng Mr. Lao na yon. At aaminin niyang hindi siya nagrevise bago siya umalis ng bahay at makipagkita rito.

Pagkapasok sa loob ay wala sa loob niyang naupo siya sa isang silya, ni hindi niya napansin kung may nakaupo doon. Abala ang isip niya sa pagtetext at balak din niyang magretouch dahil Hagardo Versosa na ang itsura niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang inis niya sa lalaki kanina. Dahil dun sumulak ang dugo niya. Napakayabang! Volvohin kong mukha niya! Asar na sambit pa niya.

"Excuse me..? " untag ni Nykieh sa babae, na labis niyang ikinagulat na bigla nalang itong naupo sa harap niya. Nagkataon namang magisa lang siya sa table dahil ang kameeting niyang taga Lifestyle Magazine ay hindi pa dumadating.

Humarap naman si Yasmin sa taong biglang nagsalita at inabala ang pagmomonologue niya. Tiningnan niya ito.

"Naranasan mo na ba ang pinakamalas na araw mo? " tanong niya rito, mataman lang itong nakatingin sa kanya ..."haynaku! Alam mo yung nakipagbreak sayo yung boyfriend mo ng walang dahilan! Tapos naaksidente ka pa! Tapos nakameet ka pa ng lalaking ubod ng yabang dahil Volvo raw ang kotse niya! Tapos pagbabayarin pa niya ko doon sa nasira ko! Tapos ngayon eto, late na ako sa meeting ko! At ganito na ang itsura ko!.. para ng tanga!..haaaay!!!! " inis na litanya ni Yasmin.

Natigilan naman si Nykieh sa mga pinagsasabi ng babae. Anong pakialam ko!  Sa loob-loob niya. Ibinaba niya ang hawak na librong binabasa at hinarap ang babae.

"Excuse me lang Miss, ha, pero may inaantay kasi akong kameeting, at okupado ko ang mesang to! " madiing sabi ni Nykieh.

Para namang natauhan si Yasmin sa narinig. Inilinga niya ang paningin sa paligid. Napatingin sa gawi niya ang iba pang taong naroon sa restaurant.Napalakas ata ang boses niya at bukod don malakas din ang pagkakasalita ng lalaking kaharap niya. Hay! Oo nga, jusko! Sorry! Hehe! Natatawang sabi sa sarili.

"Naku, sorry po.. akala ko po kasi walang tao dito. " aniya at tumayo na bitbit ang dala-dala niyang mga folders. Lumipat siya sa kabilang mesa.At sinulyapan ang lalaki na mataman ding nakatingin sa kanya. Ang gwapo naman! Nakangiti siyang palihim.Gusto niya talaga ang mga lalaking long hair.

Maya-maya lang ay tumunog ang ringtone ng phone ni Yasmin. Sa lakas ng volume non ay napalingon ang iba pang costumer sa gawi na naman niya. Habang hinahanap ng dalaga sa mga gamit niya ang cellphone. Natataranta na siya dahil hindi niya makita pero naririnig niyang tumutunog. Nakakahiya na! Nasan na ba yon?!  Bulong niya sa sarili.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon