Chapter 66

783 56 24
                                    

Hi guys sorry ngayon lang nakapag-update,medyo busy..hehe tapos saklap pang nadelete ko yung una kong ginawa para sa chapter na to,tatanga-tanga kasi,,haist!sige na eto na!enjoy...uy salamat din sa inyong lahat..sa support nyo sa story,,sad to say pero malapit na naman tayo sa ending hehe...

********



Yasmin's  P.O.V.


Bumangon ako sa kama ko kinaumagahan.Medyo nahihirapan na naman akong huminga.Kailangan ko na munang makakain bago ako uminom ng gamot.Inayos ko ang sarili ko at sinipat ko sa bintana ang kabilang bahay.Mukhang tulog pa sila.Kungsabagay alas sais palang ng umaga.Knowing Kaye tanghali na nagigising yon.


Narecieve ko naman yung text nya kagabi.Kaso di na ko nagreply.Kahit naman gusto kong sumama sa kanila hindi naman pwede.Kasi hindi naman ako pwedeng bumyahe ng malayo,baka atakihin ako.Isa pa araw ng pagpunta ko ngayon sa hospital.Sabi ni Nykieh susunduin nya ko,text nya sa kin kagabi din.Umuo nalang ako at hihintayin ko sya.


Tinungo ko na ang kusina nang mapansin kong parang may tao sa labas.Nakita ko nang mahagip ng mga mata ko ang bintana.Sinilip ko at si Yassi ang nakita ko.Nasa harapan sya ng bahay ko at nakatitig sa bahay.Nagtataka akong tinungo ang pinto.


"Yassi..hey ayos ka lang.." Tanong ko nang makalabas na ako at makalapit na ko sa kanya.

Tiningnan nya ko at para bang naguguluhan sya.Hindi maipinta ang mukha nya.Parang maiiyak na hindi ko mawari.


"Sino ka?at anong ginagawa mo sa bahay ko?" Sabi nya.

Nanlaki ang mata ko.Anong nangyari?bakit naalala nyang bahay nya ito.Sa pagkabigla ko ay nagawa ko pa ring ayain syang pumasok sa loob.

Natigilan sya at tinitigan ang kabuuan ng bahay.Umiyak sya pagkatapos.Ako man ay nanatiling nakamasid.Naguguluhan din ako.Magaling na ba sya?

Dahan dahan syang naglakad sa kabuuan ng sala,bawat muwebles na naroon ay masuyo nyang hinahawakan.Habang pumapatak ang luha nya.Tapos sa kusina.Hanggang sa makarating kami sa kwarto ko na dati nyang kwarto.Pinabayaan ko lang sya.Hindi kasi sya nagsasalita at umiiyak lang.Hinawakan nya lahat kahit ang mga dingding.

"Mama..Papa...Lola...huhuhu,isama nyo na ko,pagod na pagod na ko,mahirap magisa..." Umiiyak na sabi nya.Habang napaluhod na sya sa sahig.Nahabag ako sa kanya.Kaya naman nilapitan ko sya.Kaso niyakap nya ko bigla at nagtangis sya sa mga balikat ko.Yung puso ko naman dumoble ng limang beses ang pagtibok,nahihirapan na talaga akong huminga kaso pinipigilan ko kasi yakap ko si Yassi,napapapikit ako sa sakit...


Nang hindi ko na matagalan ay kinuha ko ang mga gamot ko sa drawer ko at ininom ang mga yon.Nakatingin lang sa kin si Yassi.Hindi ko na kasi talaga kaya,kailangan kong kumalma.Naupo sya sa tabi ko sa kama.


"Sino ka?" Tanong ulit nya,tanong nyang hindi ko nasagot kanina.

"Ako..si Y-Yasmin.." sagot ko pagkainom ko ng tubig."ako ang nakabili ng bahay na to.."

"Maysakit ka?" Nagaalalang tanong nya,habang nakatingin sa mga gamot na nakalatag sa kama.Tumango ako.
"Anong sakit mo?"

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now