Chapter 48

799 56 20
                                    

😊😊😊😊

Naabutan ni Yasmin ang ama sa hardin pagkauwi niya. Nagdidilig ito ng halaman ng hapong iyon. Inibis niya sa garahe ang sasakyan. Sumunod naman ang kanyang ama sa garahian nang ipasok niya roon ang sasakyan. Kapagdaka ay bumaba na siya ng kotse at nagmano dito. Niyakap ito ng pahapyaw habang hawak pa rin ang hose na ginamit nito sa pagdidilig.

Sinipat ng maigi ni Mang Adolfo ang sasakyan at humarap kay Yasmin.

"Anong nangyari sa kotse mo?" takang tanong niya sa dalaga, na napapakamot nalang.

"Naku Tay, nakabangga ho ako!" turan ni Yasmin. Rumihestro naman ang pag-alala sa mukha ng matanda, at chineck ang anak kung may sugat.

"Hindi ka ba nasaktan?"

"Hindi naman ho.."

Naglakad sila papunta sa bench at naupo roon. Hindi malaman ng dalaga kung paano niya sasabihin sa ama na pinapabayaran sa kanya ang sasakyan o pinapapalitan. Naku may sakit pa naman sa puso ang ama baka mag-alala pa ito at malula masyado sa presyo noong sasakyan na nawasak niya. Baka mamaya atakihin pa ito.

"Eh yung nabangga mo hindi ba nasaktan? Buti hindi ka pinapulis? "

"Hindi naman ho nasaktan, at hindi rin naman po ako pinapulis.. "

"O di mabait pala, mabuti naman kung ganoon! "

"Oo nga ho, eh! Mabuti nalang talaga! "

Napabuntong-hininga si Yasmin. Hindi niya kayang sabihin ang totoo sa ama ang tunay na problema. Bahala na nga! Gawan ko nalang ng paraan mag-isa! " sa loob-loob niya. Niyakap ni Yasmin ang ama, at tinapik tapik naman siya nito sa braso.

"Ano ba yung nabangga mo, anghel? Sobrang bait naman niya at di pinabayaran sayo yung damage,, kung ganyan kasi ang hitsura ng kotse mo malamang lalo na siguro yung sa kanya.. " patuloy naman ni Adolfo.

Naku sobrang sira nga ho, kaya nga ho pinapapalitan sa akin yung kotse na nabangga ko!

Sa loob-loob pa rin ni Yasmin. Ngunit ayaw niyang ikwento pa sa ama ang nangyari.Ayaw niya itong mag-alala pa.

"Tay? Bili kaya ako ng bagong kotse, medyo luma na rin kasi yang kotse ko na yan! Tapos ilang beses na akong naaaksidente dyan, mapapahiram nyo po ba ako ng pera? " segway niya.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now