Chapter 39

877 62 32
                                    

😊😊😊😊

Kaye's P. o. v

Nakita kong umalis kanina si Yassi sa table nila. Nagtaka lang ako na hindi na siya bumalik hanggang sa matapos ang set namin. Kinindatan ko pa naman siya kanina kaso mukhang hindi niya nagustuhan. Pagkababa ko ng stage ay diretso ako sa mesa nila, hinanap ko kina Sheena si Yassi.

Tinatawagan ko nga eh, kaso hindi sinasagot?? Ani Sheena habang pilit na kinokontak si Yassi.Ako man ay nagaalala din. Napatingin ako kay Antoinette, nagkibit-balikat lang siya. Si Andrei naman ay lumabas saglit para hanapin si Yassi sa labas sa pagasang naroon lang ang dalaga. Kapwa napukaw ang atensyon namin nang magring ang phone ni Sheena, nakiusyoso na rin ako kung sino yong tumatawag.

Si Yassi, tumatawag sabi ni Sheena nang makita ang picture ni Yassi sa screen ng cellphone niya. Bahagya kaming lumayo ng konti sa mga tao dahil maingay bago niya ito sagutin.

Hello, Yass, nasaan ka ba? Bakit hindi ka na bumalik.?

Hindi ito si Yassi, nandito siya sa ospital..

Napatingin sa amin si Sheena para bang gulat na gulat ang mukha niya.

Ano ospital??!!! Na naman!? Teka sino ba 'to? Bulalas niya.
Nang marinig kong nasa ospital si Yassi ay bakas na naman sa mukha ko ang pagalala.

Ano muntik mo na mabundol ang kaibigan ko?! Eh sira ulo ka pala, eh!!! Teka saan bang ospital yan!!!?

Narinig ko ang binnggit na ospital ni Sheena. Doon yong ospital kung saan nagpapatila siya ng ulan noon. Ibinaba na ni Sheena ang tawag at nagsabi na mauna na sila ni Andrei dahil nasa ospital na naman daw si Yassi. Pero nag insist akong sumama. Napatingin muna ako kay Antoinette mabuti nalang at sumangayon siya. Sa tuwa ko ay nayakap ko siya. Pagkatapos ay sabay sabay na kami na lumabas ng bar at tinungo ang parking lot.

Yassi's P. o. V

Salamat dok.. Sabi ko sa doktor kong si Jean Perez. Ito ay pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Sa kanya ko na pinasagot ang tawag ng tawag na si Sheena.

Masakit sa tenga ang boses ng kaibigan mo ha? Tinawag pa akong sira-ulo. Nangingiting sabi niya. Pinakiusapan ko si Dr.Jean na magsinungaling nalang para hindi na magtanong si Sheena kung bakit nasa ospital na naman ako. At nakiusap na rin ako na kahit anong mangyari ay hwag siyang magbabanggit kay Sheena tungkol sa sakit ko.

Pwede kitang bigyan ng recommendation sa ospital sa Germany para sa mga may Alzheimer's,, I suggest mag-undergo ka na ng treatment hindi na kaya ang gamot na iniinom mo..

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now