Chapter 15

912 63 4
                                    

😊😊😊😊

Tulala ako nang mababaan ako ni Sheena sa salas. Nakatitig ako sa dalang kape ni Kaye. Lumamig na ito at ayokong inumin. Para kasing gusto ko itong i-treasure. Baliw! Itreasure ba ang kape.

Babae, anong nangyari sayo?

Kunot noong tanong ni Sheena umupo ito sa tapat ko. Sabay kinilatis ang hitsura ko.

Mukha na bang tanga ang hitsura ko.? Wala sa loob na tanong ko.

Oo, kagabi ka pa tulala eh, may pinagdadaanan ka ba?

Bahagya akong tumango.

I should seek a professional help!

Anong sabi mo?!

May kilala ka bang psychiatrist o kahit psychologist?

Bakit naman?Sinong magpapatingin?

Ako?

Nanlaki ang mga mata ni Sheena. Muntik pa nito maibuga ang tubig na iniinom.

At bakit naman? Ikaw ha, nakakatakot ka na! Umayos ka.

Nahihintakutang sabi ni Sheena.

May problema nga kasi ako.!

Ano nga?!

Tinitigan ko muna siya bago ako nagsimulang magsalita.

Pakiramdam ko kasi nafa-fall na ako kay Kaye.

Sa pangalawang pagkakataon naibuga na nga ni Sheena ang iniinom niyang tubig. Gulat na gulat ito na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

Mabuti nalang at natakpan ko kaagad ang mukha ko ng unan, dahil kung hindi malamang naghilamos ako ng dalawang beses.

Hinaplos niya ang noo ko.

Sure ka? Tsk.! Wala ka namang sakit. Sigurado ka ba? Kailan pa.?

Hindi ko mga alam kung kailan pa eh, naramdaman ko nalang.

Sabi na nga ba may gusto ko don, di ba sinabi ko na nga sayo na kapag sobrang inis ka sa tao, ibig sabihin may gusto ka sa kanya. O kitam totoo ang sinasabi ko.

Nakatingin lang ako habang nagsasalita si Sheena. Oo na! Kinain ko na lahat ng sinabi ko na hindi ako maiinlove kay Kaye. Oo na! Mali na ako!

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now