Chapter 44

755 55 42
                                    

😊😊😊😊

Kaye's P. o.v.

Sa nakalipas na anim na buwan ay naging mabilis ang progreso ng sakit ni Yassi. Lumala na ito ng husto. Dumating na ito sa puntong naiihi na siya sa sarili niyang kama, o di naman kaya ay nadudumi nalang.Naging bugnutin at paiba-iba ng paguugali. Minsan sobrang galit, minsan masaya, minsan din malungkot. At bukod don hindi na niya talaga kami nakikilala kahit na nga ang sarili niya. Nahirapan na rin si Sheena sa pagaalaga sa kanya, bukod kasi sa pagaasikaso kay Yassi ay inaasikaso din niya ang naiwan nitong photo shop. Kaya naman kahit ayaw niya ay napilitan siyang kumuha ng mga dedikadong caregiver na magaalaga at magbabantay kay Yassi.At ako.. dinadalaw ko siya palagi noong una, kaso dahil sa kabusyhan ko din sa trabaho ko ay dumalang na sa dalawang beses sa isang buwan. At naiintindihan naman ni Sheena.

Sa anim na buwang nagdaan ay masakit pa rin sa pakiramdam. Hirap na hirap akong tanggapin na ni katiting ay wala ng maalala si Yassi sa akin. Sa tuwing dumadalaw ako,ay palagi akong nakikipagkilala sa kanya. Kung bakit kasi naging huli na ang lahat para sa amin? Kung bakit kasi hindi ko pa sinabi noon? Andami tuloy nasayang na panahon.?

Sir? untag ng isang boses sa likuran ko,pinahid ko ang luha sa pisngi pagkuway humarap dito...andito na po si Ms. Yassi..

Si May, ang caregiver ni Yassi. Inihatid niya si Yassi sa harap ko habang nakasakay sa wheelchair at tulala. Mataman lang nakatingin sa akin. Muli ay bumalong na naman ang luha sa mga mata ko. Tuwing magkikita kami laging ganito ang pakiramdam ko.Ang lungkot at ang sakit. Hindi ko man lang siya naipakilala sa pamilya ko.

Salamat May.. ako na bahala sa kanya.. sabi ko, ngumiti naman si May.

Sige po, tawagin nyo nalang po ako, kung iaakyat ko na po siya sa kwarto niya.. Tumango ako. Sabay tumalikod na din ang butihing taga-pagalaga ni Yassi.

Isang malalim na paghinga ang pinawalan ko, pagkuway umupo ako para pumantay ako sa matamlay na si Yassi. Hinawi ko ang buhok niya na nakakasagabal sa pagtitig niya sa akin. Ngiting parang maiiyak ang itsura ko. Sobrang laki na ng ipinagbago niya. Hindi na siya katulad ng Yassi na lagi kong kaasarin noon. Yong Yassi na galit na galit na sumusugod sa bahay ko dahil naiingayan sa tunog ng drums.Mapait ang ngiti ko na inabot ang palad ko sa kanya.

Hi! Ako si Kaye.. panimula ko, hindi niya tinanggap ang kamay ko, kaya naman ako na ang kumuha ng kamay niya at mahigpit na hinawakan. Maputla na siya, siguro sa oras oras na therapy niya kaya para bang natutuyo ang buong katawan niya. Nakakahabag.

Kaye? Ikaw si Kaye?.. mahinang saad niya. Sa hindi malamang dahilan ay tumulo ang luha ni Yassi. Para bang sasabog ang puso ko sa naging reaksiyon niya. Bigla umasa ako na baka kahit papaano ay naaalala pa niya ako.

Kaye..? ....Kaye...? bumubulong na bigkas niya. Paulit-ulit niyang ginagawa yon sa tuwing dinadalaw ko siya. Pero hanggang don lang bukod don wala na. Pero ayos lang ang importante nabibigkas pa niya ang pangalan ko.

Sino ako?

Ikaw si Yassi..

Yassi???.. ako si Yassi..
Ikaw?.. sino ka?..

Ako si Kaye...

Kaye... tumango tango siya. Pagkuway ngumiti. Hinawakan ang pisngi ko. At ang bawat parte ng mukha ko. Napakunot ang noo niya nang mahawakan ang mga mata ko na basa ng luha.

Ulan? sabi niya. Umiling ako. Kahit ang luha ay hindi na rin niya alam. Ang tanging natatandaan nalang niya ay ang ulan. Alam niya kapag umuulan sa labas ,nag-iiba ulit ang ugali niya at para bang kaysaya niya. Niyakap ko nalang siya.Paano'y pabagsak na naman ang mga luha ko. Isa rin sa mga dahilan kung bakit madalang akong dumalaw ay dahil sa ganito lagi ang pakiramdam ko. Parang sasabog ang puso ko sa sakit at sa sobrang pagkahabag sa kanya.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now