Chapter 19

1K 58 10
                                    

Kinaumagahan pagpihit ko ng katawan ko sa kama ay naramdaman kong may nabunggo akong katawan, paglingon ko ay nakita ko si Kaye na nakahiga sa tabi ko at nakatalikod sa akin.

Ano? Nakahiga sa tabi ko?

Napabalikwas ako ng bangon.

Aaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!

Sigaw ko nang magsink-in ang lahat sa ulirat ko na katabi ko matulog si Kaye. Jusko!ano ba ang nangyari kagabi, eh nagkape lang naman kami.

Ay!! Ay!!!! Ano yon?!!! napabalikwas din ng bangon si Kaye nang marinig ang sigaw ko.

Nagulat din ito at nanlaki ang mga mata nang makita ako.

Anong ginagawa mo dito!!! Magkapanabayan naming sabi.

Ha?!!!!!sabay ulit kami.

Ano ba???!!!! sabay na naman.

Natigilan kami. Lagi kaming nagkakasabay. Napakamot ako sa ulo at ganoon din siya.

Nangaasar ata to si Kaye, eh? Sinasadya niya ata, to eh!

Ikaw anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?? Sa wakas ay nauna na siyang magsalita.

Iginala ko ang paningin sa paligid. Saka ko lang napagtanto na hindi nga ito ang kwarto ko. Napasinghap ako at napahawak sa bibig ko. Oh no!!!!

Bakit ako nandito? Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Aba, ewan ko sayo! Nagulat nga din ako sayo,, hindi pa ring makapaniwala na sabi ni Kaye.

Naupo ako sa kama niya, at malalim ang pagiisip ko kung paano nga ba ako napunta dito. Ipinilig ko ang ulo ko, pero wala talaga akong maisip. Wala akong maalala. Nakaupo naman sa silya si Kaye,nakaharap siya sa akin at nakangiti.

Nakatulog ka na kagabi, nagkwekwento ako sayo tinulugan mo ako, nasa tapat tayo ng gate ng bahay mo, nakaupo lang tayo don! Nakatungo ka, tapos nong hindi ka sumasagot nakatulog ka na pala... Mahabang saad ni Kaye. Napatango nalang ako sa kanya.

O bakit dito mo ko dinala.?

Eh, malalim na ang gabi ayaw ko naman katokin si Sheena..

May susi naman ako sa bag,ah!

Ayoko mangialam ng bag mo, no! Kaya dito nalang kita pinatulog.

O, eh bakit nagulat ka pa?

Hello kahit sino magugulat lalo na kapag sanay ka na gumigising magisa, natural lang yon!

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now