Chapter 32

871 55 22
                                    

😊😊😊😊

Kaye 's P.o.V

Malakas ang buhos ng ulan kinabukasan.Sasabayan pa ito ng traffic, sa kalsada. Pero hindi ko alintana ang traffic kapag ganito na ang pinagdadaanan ko ay nag sa-soundtrip nalang ako. Para hindi ako mainip. O mabagot o di naman kaya ay uminit ang ulo. Dapat kalma lang. Kasalukuyan akong nagpapatugtog nang mapalingon ako sa ospital sa di kalayuan kung saan na-stuck ako sa traffic. Nahagip ng paningin ko si Yassi, sa bungad ng ospital kausap ang isang babaeng doktor. Maya-maya lang ay niyakap siya ng babaeng doktor bago ito bumalik sa loob ng ospital. Napakunot nalang ako ng noo. Anong ginagawa niya sa ospital? Baka kamag-anak o kaibigan niya ang doktor? Nang makausad ako sa traffic ay inihinto ko sa tabi ng ospital ang kotse ko. Bago ako bumaba ay pinag-isipan ko munang mabuti kung pupuntahan ko ba siya o hayaan nalang. Naalala ko rin kasi ang nangyari kahapon na nagpanggap siya harap-harapan na hindi niya ako kilala. Sa haba ng pinag-isipan ko ay namalayan ko nalang ang sarili ko na sumusugod sa ulan bitbit ang di kalakihang payong. Tinungo ko na ang kinaroroonan ni Yassi.

Yassi..! Alinlangan kong tawag. Napalingon naman siya sa gawi ko. Mukhang nagulat siya nang makita ako.

Kaye?! Anong ginagawa mo dito? Nagaalala ang himig ng boses niya. Napangiti nalang ako dahil parang kahapon lang kunwari hindi niya ako kilala, tapos ngayon ay kaysarap pakinggan sa tenga kapag sinasambit niya ang pangalan ko.

Napadaan lang ako nang makita kita dito, ikaw anong ginagawa mo dito? Tanong ko.

Ha? Ah wala nagpapatila lang ako ng ulan. Sagot niya. Napaisip naman ako base sa nakita ko kanina parang hindi naman siya basta nagpapatila lang ng ulan. May kausap siyang doktor at niyakap pa nga siya bago ito muling pumasok sa loob ng ospital. Nagtataka man ako na hindi siya nagsabi ng totoo ay ngumiti nalang ako sa kanya.

Sumukob ka na! Sabay ka na sa akin... Pagkuway sabi ko.

Hindi naman tumanggi si Yassi at sumukob na siya sa payong ko. Dahil sa maliit lang ang payong ay hindi maiwasang magkadikit kami ng husto. Napakabango ng samyo ng buhok ni Yassi nang tumama ito sa pisngi ko. Napakainit din ang pandama ko sa kanya. Habang nagkakadikit ang mga siko namin. At konti nalang ang pagitan ng mukha namin sa isat-isa. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nagkakatitigan kaming dalawa. Ngayon ko lang napansin na napakaganda pala ng mata niya sa malapitan, kulay gray, natural na gray na medyo brown ewan basta yon. Para bang may mga daga sa loob ng puso ko na nagbubunyi sa sobrang kilig ko nang unang magbaba ng tingin si Yassi. Ano ba yon? Slow Motion? Kakilig naman.. Napangiti ako. Hinapit ko siya sa balikat para dumikit pa siya sa akin, dahil bahagya siyang nababasa ng ulan. Ooopps hindi ito galawang hokage ah, gentleman lang talaga ako 😊.Ok na sana ang paglalakad namin nang biglang humangin ng malakas na may kasamang buhos ng ulan. Ano ba naman ang laban ng maliit na payong sa malakas na ulan. Nagkatawanan kami nang masira ang payong at nilipad ito ng hangin palayo sa amin. Basang basa kaming dalawa sa ulan bago pa kami makarating sa kinaroroonan ng kotse ko.

Sorry, Yassi, nabasa ka tuloy.. Hingi ko ng paumanhin. Habang habol ng tingin ang nilipad na payong.

Ok lang.. Ok lang Kaye. Masuyo ang mga titig niya sa akin nang sabihin niya iyon. Para bang dumoble ang pagtibok ng puso ko. Napangiti siya sa akin, at hinawakan ang kamay ko.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now