Chapter 14

963 50 1
                                    

😊😊😊😊

Mabigat ang katawan ko nang bumangon ako kinaumagahan. Nagtoothbrush at naghilamos ako bago ako lumabas ng kwarto ko. Nadaanan ko ang kwarto ni Sheena, bahagya itong nakabukas kaya sumilip muna ako ng sandali.

Napapailing ako nang makita si Sheena na bulagta pa rin sa kama niya.Tulog na tulog pa rin ito.

Sabagay anong oras na din kami nakauwi ng nagdaang gabi.Mula sa gig ni Kaye.

Hanggang ngayon dinig na dinig ko pa din ang ingay sa bar. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi talaga ako sanay sa maingay na kapaligiran.

Kaya naman kung magiging boyfriend ko si Kaye isa ito sa mga dapat kong makasanayan.

Natawa nalang ako nang maisip ko yon. Nangingiti ako habang pababa ng hagdan. Hindi ko akalaing ilusyunada din pala ako. 😁

Nagtimpla ako ng kape, at naupo sa sofa.Maya-maya narinig ko ang mahihinang katok mula sa pinto.

Tumayo ako para mapagbuksan ang kumakatok.

Namilog ang mga mata ko nang mabungaran sa pinto si Kaye.

Nakangiti ito. At may dala-dalang kape.

Para sayo sana tong isa.. May kape ka na pala.

Sabi niya. Tiningnan ko ang hawak kong mug na may kape.

Tinanggap ko pa rin ang alok niyang kape.

Salamat.

Naiilang na sabi ko.

Anong nangyari sa akin.?

Tumingin akong muli kay Kaye. I totally welcome by her beautiful face and her wonderful smile.

I couldnt help but sigh.

Hwag mo ko tingnan ng ganyan Yass, baka isipin ko na nagkakagusto ka na sa akin.

Pilyo ang ngiti na wika ni Kaye.
Ngalingaling dagukan ko siya sa sinabi niya. Napalunok ako. Aaminin kong may espesyal na damdamin na ako para kay Kaye. Kaya nga parang ayaw ko muna siya makita sa ngayon.

I was used at being irritated with him. At ngayong may iba na akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko na tuloy alam kung paano ako kikilos sa harap niya. Ayaw ko naman magmukha akong tanga. Isa pa ayaw ko naman talaga magmukhang tanga.

Ah ganon ba? Malamang wala pang pumupuri ulit sayo ng ganito kaaga, kaya naman sinadya mo pa ako para mapansin yan.

Napangiti si Kaye.

Ang cute mo talaga kapag naaasar ka..

Sabay pasok sa loob ng bahay ko kahit hindi ko pa naman siya binibigyan ng permiso.

Naupo siya sofa. Umupo na rin ako sa katapat niya.

Tahimik lang kami at walang gustong magsalita.

Tinitingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Para sa akin napaka-perpekto ni Kaye sa mga lesbians na nakikita ko. May height. May mukha.May talent.

Nahagip ng tingin ko ang singsing sa mga kamay niya.

Mukhang may girlfriend na siya?

Sa loob-loob ko.
Matagal ang pagkakatitig ko nang bigla siyang lumingon sa kinauupuan ko.

Ang tahimik mo ata, himala na hindi mo ako sinisigawan o inaangilan ng pamatay mong tiger look. Anyari sayo?

Hindi ako kumibo at hindi rin ako nagreact. Alam kong magtataka si Kaye dahil wala akong counter attack sa sinabi niya, na dapat ay meron dahil ganoon ang pagkakakilala niya sa akin pero bahala na.

Masama ba ang pakiramdam mo?

Tanong niya. Hindi ko inaasahan ang pagaalalang rumehistro sa mukha niya. Napabuntong-hininga nalang ulit ako. Why did she look at me like she cared?
Oh my God!! Erase! Erase!
Parang gusto ko tuloy haplusin ang magandang mukha ni Kaye.

Ok lang ako. pagkuway sabi ko. Ang gwapo mo kasi natatanga tuloy ako. Hmmp.!

Sure?

Oo. simpleng sagot ko at itinuon ko na ang paningin sa kape. Her soothing words just warmed my heart.And I almost wanted to give in that feeling because of her sweet voice. Tsk.

Pagkatapos ay mahabang katahimikan muli ang namagitan sa amin. Sa sobrang katahimikan nga ay naririnig ko pati ang malakas na pagtibok ng puso ko. At isinisigaw ang pangalan ni Kaye.

Hindi ko gusto ito.
Hindi ko ito napaghandaan.
Hindi ko akalain.

Pwede bang umuwi ka na, andami ko pa kasing kailangang gawin. Sabi ko nalang. Hindi ko na kasi kinakaya. Ke aga aga parang hindi ako makahinga.

Sige, kelangan ko na din magpahinga, kelangan ko ding matulog. Nagpunta lang naman talaga ako dito para ibigay yang kape. Pambawi sa pagaalaga mo sa akin.

Hindi na ako kumibo.

Mukhang wala ka nga sa mood. Hindi ko gustong ganyan ka, mas gusto ko pa yong inaaway mo ko.

Nakangusong sabi ni Kaye.Hanggang sa nakalabas na ito. Ay hindi pa rin ako natinag sa kinuupuan ko.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

========================================================

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now