Chapter 31

909 50 17
                                    

😊😊😊😊

Buong gabing pumapasok sa isip ko ang kwento ng first love ni Apo Placido. Natouch ako sa kwento kaso nabitin ako, kalahati palang yong napapakinggan ko pero grabe na yong iniyak ko. Napangiti rin ako nang maalala ko si Kaye, medyo naiyak din siya ayaw lang ipahalata. At dahil sa hindi ako mapakali ay nagpakwento na ako kay Sheena, sa karugtong,kinabukasan.

Kung ganon 50 years minahal ng Lolo mo si Carlita o e bakit naman niya pinakasalan ang Lola mo kung si Carlita pala ang mahal niya..? Sabad na tanong ni Kaye, napatingin kami sa kanya ni Sheena.

Nasa coffee shop kami na malapit lang sa shop ko. Mula pa umaga hanggang inabot na kami ng meryenda sa hapon ay ngayon lang natapos ang kwento ni Sheena. Tong si Kaye naman kanina pa namin kasa-kasama pero ngayon lang siya nagcomment. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa tibay at tatag ng pagmamahal ni Apo Placido kay Carlita,na tumagal ng limampung-taon. Kung ganoon nga naman bakit niya pinakasalan si Ina Mining kung may mahal pala siyang iba.

Kasi si Ina, ang nakatadhana kay Apo, at si Ina Carlita siya ang unang pagibig ni Apo, magkaiba yon. Magkaiba ang nakatadhana sayo at ang unang pag-ibig mo, kasi ang first love ang ganap lang nyan sa buhay natin ay para matuto tayo magmahal.. Sagot naman ni Sheena sa nagtatakang mukha ni Kaye. Minsan na-aamaze talaga ako kay Sheena, napakaraming alam. Kahit sa mga pagibig na yan expert.

Ganon? Sa loob loob ko.

Siguro nga magkaiba ang nakatakda para sayo at ang unang pag-ibig mo. Si Apo, nagmahal ng sobra para sa isang babae pero hindi si Carlita ang nakatadhana para sa kanya. Dahil si Ina Mining ang nakatadhana kay Apo hindi man siya ang unang pag-ibig nito. Ang galing naman. Base sa kwento ni Sheena, nagkita ulit sina Apo at Carlita, sa isang pagkakataon nang mamatay ang asawa ni Carlita at nagkataong si Apo ang embalsamador nong bangkay. Noon lang ulit sila nagkita pero hindi aila nakapagusap ng maayos dahil walang ginawa si Carlita noong araw na yon kundi ang umiyak. At dumaan ulit ang maraming taon nakapag-asawa na si Apo kay Ina Mining saka lang ulit sila nagkita ni Carlita, pero bangkay na si Carlita, namatay sa sakit at dala ng depresyon ng pagkawala ng kanyang kabiyak at si Apo Placido ulit ang kinuhang embalsamador. Nakakaiyak lang yong huling ipinangako ni Apo sa bangkay ni Carlita bago ito tuluyang ilibing. Sinabi ni Apo sa harap ng mga anak at kapamilya ni Carlita at sa harap ni Ina Mining na itutuloy nila ang kanilang naudlot na pagiibigan sa kabilang buhay. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko, mabilis ko itong pinahid.Bago pa ako makita nila Kaye at Sheena.

Napakawagas ng pagibig ni Apo Placido at nakakamanghang sa loob ng limampung taon ay isang babae lang ang minahal niya ng lubos kahit pa nagpakasal siya sa kanyang itinadhana. At nakakamangha ring isipin na tumanda silang magkasama ni Ina Mining.Kung sakali mang mamaalam na rin si Apo sa mundong ito, magkakasama na sila ni Ina Carlita sa kabilang buhay. May ganon talaga siguro, may pagiibigan na hindi nabibigyan ng pagkakataon sa mundong ito. At matutupad lamang ito sa kabilang buhay.

Napatingin ako kay Kaye. Ang saklap naman. Hindi ako ang first love niya. Hindi rin ako ang nakatadhana para sa kanya. Siguro kapag namatay na ako gusto ko magreincarnate tapos si Kaye pa rin ang mamahalin ko. Baka kapag sa panibagong katauhan na ako, mahalin na rin ako ni Kaye.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt