Chapter 17

942 50 1
                                    

😊😊😊😊

Ibinaba ko na ang brush na hawak ko para rin kasing ilang beses ko na din sinuklay ang buhok ko na kapag hindi ko pa tinigilan ay tiyak na makakalbo na ako.

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Napabuntong-hininga ako wala talaga sa loob ko ang pakikipagdate na to, dangan nga lang at napakakulit ni Sheena.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa sala. Naabutan ko si Sheena na may kausap sa phone. Nang makita na ako ay tinapos na niya ang tawag.

Papunta na daw, si Andrei! My God Ba-e ang ganda mo!

Salamat naman, siguraduhin mo lang na may patutunguhan to ha,,

Nakangiti kong sabi.

Don't worry, Ba-e magkakasundo kayo ni Andrei, guarranted ko yan!!

Ok. Sabi mo, eh.

Maya-maya lang ay mahihinang katok ang narinig namin sa pinto. Kinilig agad si Sheena. At dali-daling nagpunta sa pinto.

Siya na ata, ito. Sabi niya, pumuesto siya sa likod ng pinto.
At sumenyas na siya sa akin na buksan ko na ang pinto. Baliw talaga akala ko pa naman bubuksan niya. Napapailing nalang ako na sumunod sa senyas niya.

Nagulat ako nang mapagbuksan ng pinto si Kaye. Nagulat din ito nang makita niyang nakaayos ako.

Wow! May lakad ka?

Tanong niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos ngumiti. Nailang tuloy ako sa mga tingin niya.

Saan punta?

May date ako.

Ha? Makikipagdate ka?Mabuti naman at may na-attract na din dyan sa kasungitan mo.natatawang sabi ni Kaye.

Inirapan ko siya.

Alam mo kung wala kang matinong sasabihin pwede ba umalis-alis ka na nga, hwag mo naman sirain ang magandang gabi ko sana.. may date pa ako na aasikasuhin..

Angil ko sa kanya. Lumabas na din ng pinto si Sheena at parang tanga na namang nakatitig kay Kaye.

Minsan ka lang magka-date ang yabang mo na agad.. nakangising sabi ni Kaye.

At mukhang nasasagad na naman ang pasensya ko. Feeling ko nahuhulas na agad ang make-up ko hindi pa man ako nakakaalis.

Ano ba kasing ginagawa mo dito?!

Maniningil ako.

Maniningil saan??!!!

Aba yung ininom mong infinity tea kanina, akala mo ba libre yon, babayaran mo yon, hoy!

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon