Chapter 33

1K 48 7
                                    

😊😊😊😊

Yassi ' s P. o. V.

Ang sarap sa pakiramdam na parang may nagawa akong maganda ngayong araw. Napakasaya ng matanda sa sagot namin ni Kaye. Nakakaantig ng puso ang mga salitang binitiwan niya sa amin. Hindi man ganon kaperpekto ang araw dahil maulan pero pakiramdam ko napakabuo at makabuluhan ang araw ko ngayon. Napasulyap ako kay Kaye, nakangiti siya marahil nararamdaman niya ang nararamdaman kong saya.

Hanggang sa mapatapat na kami sa gate ng bahay ko. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto sa side ko. May ganon ba talaga dapat? Kaya ko namang magbukas ng pinto. Libre sakay na nga ako, ipagbubukas pa ako ng pinto. Gayonpaman kinilig ako.

Kaye, salamat ha,.. Sabi ko. Gusto mo bang pumasok muna sa loob,.kape ulit..

Nakangiti siyang tumango.

Ok lang, kape time part two! Nakapeace sign na sabi niya. Nauna na akong maglakad sa kanya. Pero huminto ako at nilingon ko siya. Hindi pa pala siya nakasunod sa akin. Maya-maya lang ay nangingiti na siyang sumabay sa akin. Bakit kaya may mga taong pinagpala ng magagandang ngiti, mga ngiting nakakadala,nakakabaliw,nakakahawa at nakaka-inlove. Katulad nalang ng mga ngiti ni Kaye. Nahuhulog lalo ang puso ko sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat pa sina Andrei  at Sheena nang mabungadan kami ni Kaye sa pinto. Marahil nagtataka sila kung bakit kami magkasama pero hindi ko na sila alintana.

Naaamoy ko ang masarap na hapunan na niluto ng dalawa. Ano kaya ang meron at may paluto-luto pa sila. Nagbeso ako kay Andrei at yumakap kay Sheena. Si Kaye naman ay tinapik sa balikat ni Andrei. Inaya ko munang maupo si Kaye sa sala. Naupo na rin sila Sheena at Andrei  na para bang may nais silang sabihin. Iba kasi ang ayos ng sala, kanina palang pagpasok namin ni Kaye, may mga petals na nakakalat sa sahig. Nakaayos din ang dining area. Para bang may dinner na magaganap. Iba rin ang mga ngiti ng dalawa. Kaya naman sa sala walang gustong maunang magsalita. Nagkakatigan lang silang dalawa at kami naman ni Kaye, ay nagkakatinginan din.

So what is it, guys!! Sabay na tanong namin ni Kaye. Nagkatawanan pa kami. Hindi naman ito ang unang beses na lagi kaming nagkakasabay. Kaya lang bakit ba palagi nalang?

Kami na!!!!! Sabay din na sabi ng dalawa. Lalo tuloy kaming nagtawanan apat.

Akala ko si Yassi ang nililigawan mo?.. Si Sheena pala.? Hindi makapaniwala na sabi ni Kaye. Oo nga pala hindi ko naikwento. Hindi rin naman kasi nagtanong. At nakalimutan ko din. Nagkatawanan nalang kami at walang sumagot kay Kaye, nagkibit-balikat nalang siya. Para bang kumislap ang mga mata niya sa tingin ko.

Sa bahay na rin naghapunan si Kaye.Habang kumakain ay panay ang kwento ng dalawa sa nangyaring pagsagot ni Sheena ng "oo" kay Andrei. Sobrang saya ng dalawa bakas sa mukha nila na inlove sila. Napatingin ako kay Kaye, sakto namang napatingin din siya sa akin. Mabilis lang ang tingin na iyon pero tagos sa buong pagkatao ko. Bakit naman kasi ganyan siya tumingin, nakakakilig.

Ah, Kaye baka gusto mong sumama magbakasyon sa Tagaytay..pagkuway tanong ni Andrei. Napatingin kaming dalawa sa gawi nila.

Oo nga, two days lang naman yon, sige na para naman may partner si Yassi.. Sabad naman ni Sheena.

Bakit naman magbabakasyon pa kayo, hindi naman summer ngayon? Sagot ko naman. Kung iisipin kasi ang lakas ng ulan sa labas tanga lang ang magbabakasyon ng ganitong panahon. Magsasayang lang ng pera o di naman kaya ng panahon at oras na gugulin sa pagpunta ron.

Ang KJ, ha, bakit sinabi na ba ng PagAsa na uulan bukas? Hindi naman di ba. Saka treat naman namin to, kasi kami na.. Sabi ni Sheena at sumipsip ng juice. Sasagot pa sana ako kaso biglang nagsalita si Kaye.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now