Chapter 50

781 47 7
                                    

😊😊😊😊

Dumating si Yasmin sa meeting place nila ni Mr. Lao isang oras bago ang eksaktong oras ng pagkikita nila. Excited siyang bumaba ng taxi at nginitian pa ang may katandaan nang driver ng taxi. Dahil maaga siya magaan ang pakiramdam niya at nagbigay pa ng extrang tip sa driver na ikinatuwa naman ni manong.

Naglakad siya papasok ng restaurant nang madaanan niya sa parking lot si Mr. Lao, nakasandal ito sa unahan ng kotse niya. Tahimik na nakapamulsa, at matamang nakatitig sa kanya. Seryoso ang mukha nito pero parang nakangiti pa rin.

"O? Mr. Lao? Ang aga mo naman! " gulat na bati ni Yasmin. Akala kasi niya eh mas mauuna pa siya rito ngunit ngayo'y mas maaga pa pala ito sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon nalate na naman siya, pero teka hindi pa siya late ah! Dahil maaga pa sa eksaktong oras na dapat na meeting nila.

"Don't worry, maaga ka pa kaysa kahapon.." sabi nito, tapos nagflip pa ng buhok.
Ohhh!! 😍 😍 😍!!

Ewan pero napatanga si Yasmin at hindi na nakapagsalita bahagya pa siyang nakanganga. Habang nakatitig kay Nykieh Lao. Nagbalik lang siya sa ulirat nang pitikin siya nito sa hangin.

" Ay! Ay! Sorry Mr. Lao!! What is it again?.. " natatarantang sabi ni Yasmin.

"What? Wala naman akong sinasabi.. " seryosong sabi nito. Napakamot nalang si Yasmin at waring napahiya, pakiramdam niya medyo namula siya don.

"Ay, wala ba? Akala ko may sinasabi ka,, anyway lets go inside para makapagsimula na tayo.. " sabi nalang niya at pilit ang ngiti dahil sa pagkapahiya niya. Nang humakbang na siya ay hindi nila malaman kung sino ang mauunang maglakad.Kaya nagkabanggaan pa sila.

"Sige ikaw na mauna.. " ani Nykieh, nangiti siya ng bahagya dahil nasamyo niya ang fresh scent na buhok ni Yasmin. Hindi rin niya maintindihan pero kinikilig siya.

"Hindi ikaw na po.. mauna ka na po.. " ani Yasmin. "Ano ba yan? Bakit ba ako nauutal? " sa loob-loob niya. Bakit ba parang medyo na-awkward siya ng konti don?

Hindi na rin nakipagtalo si Nykieh at nauna na siyang maglakad papasok nakasunod lang din naman sa kanya si Yasmin na para bang naglalakad na hindi nakatapak ang paa sa lupa. Lumulutang ang pakiramdam niya.

Sa loob ay agad silang nakahanap ng pwesto. Nagorder na rin sila ng makakain, pero kape lang ang inorder ni Yasmin. Pampakalma sa kabang nararamdaman niya. Ilang minuto rin ang itinagal ng pagdating ng order nila. Kaya naman nang dumating ito ay agad namang ininom ni Yasmin ang kape niya, paano'y napakaseryoso ng kaharap niya. Mas mainit pa sa kape kung makatitig ito sa kanya.

Agad namang nagbukas ng usapin si Yasmin. At sinimulan na niya ang trabaho na dapat nang simulan. Lahat ng itinatanong niya ay sinasagot naman nito. Nalaman din niyang magkaedad pala sila. Sa dami ng itinanong niya ay check na check na walang kagatol-kagatol na sinagot naman nito ng diretso.Liban lamang sa huli niyang tinanong.

"Do you have a girlfriend?" wala sa loob na tanong ng dalaga. Napatingin naman sa kanya si Nykieh,at para bang sinusukat kung seryoso ang itinanong niya..

"...I mean you dont have to answer if... ------"

"Wala... " simpleng sagot ni Nykieh. Napatanga naman ang dalaga at hindi agad nakapagsalita. Pagkuway natawa at hinampas ng bahagya ang braso ni Nykieh. Nagulat naman si Nykieh sa naging reaksiyon ni Yasmin.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن