Chapter 2

1.8K 64 2
                                    

😊😊😊😊

Blag!!!!

Pabalibag kong isinara ang pinto sa sobrang inis ko nang makapasok ako ng bahay.

Kawawa naman yong pinto,, mamaya nyan ipapaayos na naman natin yan..

Si Sheena nakaupo ito sa salas habang humihigop ng kape. Napasalampak na din ako ng upo sa sofa. Badtrip na badtrip talaga ako.

Anong nangyari? Akala ko natutulog ka pa sa taas

Tiningnan ko siya. Bakas sa mukha ko ang inis.

'Yang Kaye Cal na yan!akala mo sino? Akala mo gwapo!

Napataas ang kilay ni Sheena mukang hindi siya kumbinsido sa sinabi kong hindi gwapo si Kaye. Nagkibit-balikat nalang ako.

Ok sige na, gwapo na nga siya.. Pero nakakairita siya! Nakakagigil at nakakaubos ng pasensya!

Ano inaway mo na naman siya? Ano na naman ang ginawa niya sayo at nanggagalaiti ka diyan?

Wala ka bang naririnig? Anlakas-lakas ng tugtugan nila eh ang aga-aga pa,, imbes na makapahinga pa ako hindi na dahil nasira na ng mga bwisit na yan.! Lalo na ng Kaye na yan!

Nangiti si Sheena na tinitigan ako. Pakiramdam ko pulang-pula ako sa galit.

Ay friend nakalimutan kong sabihin sayo na humingi sila ng permiso sa akin kagabi, na medyo magiingay sila ng maaga ngayon kasi may tugtugan sila mamaya sa Jill's. Kaya maaga daw ang praktis eh hindi ko masabi sayo kasi anong oras ka na rin kasi nakauwi.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ano bang bago dito kay Sheena? If I know isa rin ito sa mga babaeng patay na patay sa Kaye Cal na yon. Kung papipiliin nga ngayon kung kanino ito kakampi malamang si Kaye Cal ang kakampihan niya imbes na ako na kaibigan niya.

Tumuloy nalang ako ng kusina at uminom ng malamig na tubig kailangan kong mahimasmasan.Parang yung adrenalin ko umakyat hanggang tuktok ko. Hindi na ako makakabalik sa pagtulog nito dahil nawala na ang antok ko sa Kaye Cal na yon.

Sa court kami nagtuloy ni Sheena, hindi ko na din binalak pang matulog ulit dahil parang wala ring balak manahimik ang kapit-bahay kong pasaway na nuknukan pa ng kayabangan sa katawan.

Well atleast dito sa court hindi ko maririnig ang nakakasuya ng tunog ng drums, na siyang dahilan kung bakit ako nagmumukhang zombie sa puyat. Pangalawa, makakapahinga ang eardrums kong basag na basag na dahil sa lakas ng tunog na nagmumula sa bahay ng kapit-bahay kong mokong na para bang sa sobrang lakas hanggang sa panaginip ko dinig na dinig ko pa rin. Bwisit talaga!

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant