Chapter 8

1K 53 6
                                    

😊😊😊😊

Napalatak ako ng mapansing parang sira ata yong mga na-print kong pictures. Nakakailang ulit na ako ng print pero sira talaga. Andami ng nasasayang.

Pasalampak ako na umupo sa swivel chair, siguro patitingnan ko nalang sa mangagawa ang machine mamaya.

Ms. Yassi, may naghahanap po sa inyo? Napatingin ako kay Rita. Si Rita katu-katulong ko sa bussiness na iniwan sa akin ng mga magulang ko bago sila mawala. Itong photography bussiness nalang kasi ang meron ako at bumubuhay sa akin kaya minamanage ko talaga ng mabuti.

Si Sheena ba? Tanong ko.

Ay hindi po lalaki po eh.

Napatingin ako sa kanya. Sino naman ang maghahanap sa akin na lalaki.?Baka client?

Ah ok sige lalabas ako,, ahmm Rita.. Pakitawagan mo na rin yong mangagawa ng machine mukha kasing nagloloko ang printer..

Ok po Ms. Yassi.

Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Matagal ko ng kasama dito sa studio si Rita, pero ganun pa din nangingilag pa ding kausapin ako. Lumabas na din ako para kitain ang naghahanap sa akin. Napangiti ako nang mapagsino ang naghahanap sa akin naaalala ko kasi ang sinabi ni Rita na lalaki daw ang naghahanap sa akin. Kungsabagay madalas talaga siya mapagkamalang lalaki. Maliit lang naman tong studio ko para hindi ko siya makita agad. Nakatalikod siya pero kahit ganoon kilalang -kilala ko kahit likod lang niya.

At ano naman ang ginagawa niya dito? Dont tell me, pati dito bibwisitin niya ko!

Lumingon na din siya sa gawi ko. Ngumiti agad siya sa akin nang makita niya akong palapit.

Hi, Yass.. Nakangiting bati ni Kaye nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya.

Anong ginagawa mo dito? Tanong ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Ano naman kaya ang pakay niya? Malas pa man din sa negosyo ang makipag-away.

Wala napadaan lang, ito pala pinagkakaabalahan mo ha,, kumusta naman?

Wala ka bang trabaho?

Kaya nga napadaan ako di ba? So ibig sabihin may pinuntahan akong show.

Sagot nito. Bumuntong-hininga ako. Kailangan kong kumalma dahil ayoko naman na pati negosyo ko eh mabwisit ni Kaye.

O ano pa ginagawa mo dito? Eh di umuwi ka na. Magpahinga ka na! Galing ka palang show eh! Sabi ko. Ngumiti lang si Kaye. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng ngiti niyang iyon ay para bang napawi ang iritasyon ko sa kanya ng mahabang panahon.

Wala talaga akong masabi sa kasungitan mo! sagot niya. Kaya hanganga hanga ako sayo eh, parang ikaw lang kasi ang hindi nagagwapuhan sa akin.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now