Chapter 64

754 66 27
                                    

Kaye's P.O.V.

Magkayakap pa rin kami ni Yassi sa ilalim ng ulan.Madami akong tanong kung bakit sya nandito?sino kasama nya?at kailan sya dumating?mga tanong ko na alam kong hindi nya kayang sagutin.

"Bakit ka ba umiiyak?saka bakit mo ba ako niyayakap?sino ka ba?" tanong nya.

Napatda ako saka ko niluwagan ang pagkakayakap ko sa kanya.Tinitigan ko sya,basang basa na ang mukha nya sa ulan pero nakikita ko ang pag-agos din ng luha nya.Parang gusto kong halikan kahit ang mga luha nya upang mapawi ang lahat ng mga alalahanin nya.Ang pag-aalala sa mukha nya habang nakatitig sa akin.

"Sorry..ako si Kaye" pagpapakilala ko.

Nakita ko ang pinong ngiti nya.Hinaplos nya ang mukha ko.

"Kilala mo ba ako?"

Naiyak ako sa tanong nya.Tumango ako.

"Kung ganon,sino ako?"

Impit ang ginawa kong pagiyak.Pigil ang hikbi ko.

"I-Ikaw si Yassi.." nauutal na sabi ko.

Hindi na sya umimik at inilinga ang paningin sa paligid.

"Yassi!!!!"

Malakas ang pagtawag sa pangalan nya mula sa likuran ko.Nakita ko si Sheena at si Andrei bumaba ng kotse at patakbong lumapit sa kinaroroonan namin.Wala silang pakialam kahit nababasa na din sa ulan.Labis ang pag-aalala nila kay Yassi.Ni hindi nila napansing naroon ako.

Niyakap ni Sheena si Yassi.

"Oh my God,nag-alala kami sayo!bakit bigla kang nawala sa room mo?kung saan-saan ka namin hinanap!" Naiiyak na wika ni Sheena.Habang hawak ang magkabilang pisngi ni Yassi.

Pagkatapos ay tumingin sa gawi ko si Sheena.Lumapit sya sa kin at niyakap ako.

"Im sorry Kaye.." Umiiyak na sabi nya.Napayakap na rin ako sa kanya.Umiiyak din ako.Hanggang sa nagkaiyakan na kaming tatlo nila Andrei.

"Marami kang ipapaliwanag sa kin.." sabi ko kay Sheena.Tumango sya.

Dahil basang basa na kami sa ulan ay inaya ko sila sa loob ng bahay ko.Sakto namang dumating ang kotse ni Nykieh,kasabay nyang bumaba si Yasmin.

Ewan ko pero,nalungkot ako na makita ko si Yasmin na malungkot na nakatingin sa amin.Napagawi ang tingin nya kay Yassi sa tabi ko.Napatingin naman si Nykieh sa gawi ni Yasmin.Nakita kong ipinantakip nya ang payong na hawak nya sa mukha nya.At parang nagpahid ng luha.

Saglit lang natigilan ang lahat bago kami tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay ko.Inasikaso ko sila at pinahiram ng damit na pamalit.

Pansamantala ay pinagpahinga ko muna si Yassi sa kwarto ko.Hinayaan muna namin syang makatulog.

Nasa sala naman kaming tatlo.Nangangapa kami pareho sa mga sasabihin sa bawat isa.Dami ko ring tanong.Mga tanong na gusto kong masagot na ni Sheena at Andrei.

"Sorry Kaye.." basag ni Sheena sa katahimikan namin.

Nagumpisa na syang magkwento.Nalaman ko na kahapon lang pala sila dumating.At kaninang umaga nawala si Yassi.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now