Chapter 16

997 51 4
                                    

😊😊😊😊

Nagpapakiramdaman kaming tatlo nila Sheena at Rita sa shop. Panay ang sulyap ng dalawa sa akin habang ako naman ay malalim ang isip ni hindi ko alam talaga kung anong gagawin ko sa buhay ko gulong-gulo ang utak ko. Puro nalang Kaye Cal ang laman ng isip ko.

Naginat ako at nagbago ako ng ayos ng pagkakaupo nang bigla nalang nagsalita si Sheena.

Alam ko na!!! Alam ko na kung anong gagawin natin!!!

Bulalas niya. Napatingin ako sa kanya. At kunot noong tinitigan siya.

Gagawin? Saan? Natin? Ano yon?

Alam kong nababagabag ka sa nararamdaman mo, kaya naman may naisip na akong paraan para maibaling naman yang feelings mo sa ibang bagay...

Ano.?

Nangislap ang mga mata ni Sheena. Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Makipag-date ka!

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako komporme sa sinasabi niyang paraan.

Ayoko nga, no! Baliw ka ba?

Kailangan yon! Puro kasi si Kaye ang nakikita mo, kaya ka nagkakaganyan. Ni hindi ka pa nga nagkakaboyfriend di ba?

Napaisip ako at hindi ko na siya sinagot. Sa totoo lang hindi pa talaga ako nagkaboyfriend o maligawan man lang ng seryoso. Dahil umpisa palang kapag hindi ko na nagustuhan binabara ko na kaagad.Noon pinagdudahan pa ni Sheena ang sexual preference ko,dahil sa tagal na nga naming magkaibigan ay wala pa itong nakikitang lalaki sa buhay ko.
Napagkamalan pa niya akong man-hater o minsan naman napagkamalan niya rin akong tomboy.

Well may mga nanligaw naman sa akin dati. Pero sadyang ganon talaga kapag hindi ukol di bubukol.

Eh sa wala naman talaga akong gusto sa kanila. Alangan namang paasahin ko sila sa wala.Mabuti na yong umpisa palang alam na nila para hindi na masayang ang oras ng bawat isa.

Ano game?

Ayoko nga!

Kaibigan ko naman yon, at katrabho ko siya.. Isa pa Architect siya, hindi naman kita ipapadate sa kung sino sino lang, eh alam ko naman na never been ka pa.. Trust me.

Nakangiti niyang sabi. Napatingin ako kay Rita, nakangiti rin ito at nakathumbs up pa. Napaisip ako.

Naku baka katulad na naman yan sa mga pinadate mo sa akin noon, baka hindi ko magustuhan..

Noon kasi ay marami na ring naiset na blind date sa akin si Sheena. May mukhang tanga. May tanga. May nerd. May madaldal. May ubod ng yabang. May ubod ng gwapo. At may ubod feeling gwapo. Naistress lang ako. At simula noon nadala na ako at ayoko na makipagdate pa kahit kailan sayang lang ang oras ko.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now