Chapter 37

821 44 20
                                    

😊😊😊😊

-I hope you will find your happiness with her,what you couldn't find in me. It might hurt to see you look at her that way and realizing she is everything that I wasn't. -

Mga katagang laman ng puso ko na kagabi ko pa kinikimkim. Kaya naman isinulat ko na sa diary ko. Ang plano ko wala akong isusulat sa journal ko na malungkot kaso kailangan para mawala na at nailabas ko na sa pamamagitan ng ballpen at papel. Tiniklop ko na ulit ang diary ko. At nagisip ng malalim. Kapag ganitong magisa lang ako sa bahay, dami kong nararamdaman na lungkot. Maagang umalis si Sheena, siya na daw magbubukas ng shop, wala kasi akong ganang magtrabaho ngayon,dahil sa bigat ng pakiramdam ko, kaya naman ngayon lungkot-lungkutan ang drama ko. Natigil lang ako sa pagiisip nang makarinig ako ng mahihinang katok.May doorbell naman kaya? Himutok ko, dahil sa sobrang hina muntik ko nang hindi mapansin na may kumakatok. Tumayo ako at tinungo ang pinto.

Napangiti ako nang mapagbuksan ko na ang kumakatok. Paanong hindi ako mapapangiti eh nakakahawa ang mga ngiti niya kahit na medyo pinagseselosan ko siya. Si Antoinette.

Hi!! Bungad na bati niya, napangiti nalang ako.

May kailangan ka ba? Tanong ko.Pasok ka muna.. Alok ko. Pumasok naman siya at inaya kong maupo sa sofa.

Coffee?? Alok ko ulit pero umiling siya.

No thank you,, magpapatulong sana ako sayo... Waring nagaalinlangan na sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

Tulong para saan?

Sinabi niya na maaga daw na umalis si Kaye, may rehearsals daw itong gagawin dahil may show ito sa darating na Sabado. Kaya naman nais niyang isorpresa si Kaye mamaya sa paguwi niya. Gusto niya magluto at magayos ng bahay ni Kaye. Naikwento niya rin na siya rin ang nag-ayos ng bahay ni Kaye last year.Kaya pala noong nakapasok ako sa bahay niya noon ay napakaaliwalas ng pagkaka-ayos at mukhang minimaintain lang ni Kaye ang paglilinis.

So tutulungan mo ba ako? Untag na tanong niya sa akin. Napalalim ata ang pagiisip ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na hindi ako nakaimik.

Sure..magpapalit lang ako ng damit.. Pagkuway sabi ko.

Ngumiti siya at abot-abot ang pasasalamat sa akin. Iniwan ko muna siya sa sala at umakyat muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

Antoinette P. o. V.

Sobrang happy ko na umoo si Yassi sa hinihiling kong tulong. Mabait naman pala siya, base kasi sa pagdedescribe ni Kaye. Napakasungit daw niya. Habol ko siya ng tingin habang paakyat siya ng hagdan, napangiti ako dahil maganda rin si Yassi, bukod sa wala pa itong kaarte-arte sa katawan. Natigilan lang ako nang mapansin ang notebook sa ibabaw ng lamesita. Wala sa loob na kinuha ko yon.Nawala ang mga ngiti ko nang mabasa ang mga nakasulat doon. Sa hindi malamang dahilan ay napaluha ako. At napatingin sa hagdan kung saan kanina lang ay umaakyat si Yassi. Nakaramdam ako ng awa. At nagulat sa iba ko pang nabasa tungkol sa pagibig niya kay Kaye. Mabilis kong ibinalik ang notebook sa dati nitong kinalalagyan nang makarinig ako ng mga yabag sa hagdan na pababa. Kunwari wala akong nakita o nalaman

Lets go!!! Sabi ni Yassi nang makaharap na ako. Napatda naman ako dahil ako naman ngayon ang napatanga sa kanya. Hindi ko makita sa mukha niya na may dinaramdam pala siya. Madami. Napabuntong-hininga ako, at inalok ko ang mga palad ko sa kanya. Tinanggap naman niya iyon.

Tara!!! Nakangiti kong sabi at sabay na kaming lumabas ng pintuan ng bahay niya.

Yassi's P. o. V.

Nagumpisa na kaming magluto ni Antoinette.Mga pagkaing pangsosyal na hindi ko maintindihan ang mga pangalan na sinasabi niya. Tumutulong lang ako maghiwa ng mga sangkal at taga-abot ng kung ano pa ang mga kailangan niya. May dessert siyang ginawa at gumawa rin siya ng macaroni salad. Napangiti nalang ako, parang nagluto na din ako ng macaroni salad para kay Kaye noon hindi ko lang matandaan kung kailan nga ba iyon. Natigil lang ako sa pagngiti nang mapansin ko si Antoinette na matamang nakatingin sa akin. Napayuko tuloy ako baka isipin niya, pinagtatawanan ko siya. Napakamot nalang ako nang bigla niyang itanong sa akin ang ganito:

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now