Chapter 46

991 48 15
                                    

😊😊😊😊

Nakatanaw si Kaye, sa harapan ng basag na bintana sa kwarto niya. Ilang taon na bang basag iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapaayos. O sadyang wala siyang balak pang ipaayos iyon dahil ayaw niyang mawala ang alaala ng bintanang iyon na naiwan ni Yassi. Napabuntong-hininga si Kaye, kapagkuway napangiti habang nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya. Marami na ang nabago sa buhay niya, sa nakalipas na dalawang taon simula nang umalis sila Yassi at Sheena at nagpunta ng Germany. Paunti-unti nakakapagmove on na siya. Bukod pa don, medyo may nadagdag na sa karera niya. Ngayoy nakapagtayo na siya ng negosyo ng restaurant business habang ipinagpapatuloy pa rin ang singing career niya. Naisip niyang mahalagang may mainvest naman siya sa ipon niya bilang musician para may napupuntahan lahat ng pinaghirapan niya.

"Hey, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin napapaayos yan?" si Nykieh Lao, ang nagsalita mula sa likuran ni Kaye. Bahagya pa nitong kinatok ang nakabukas na pintuan ng kwarto ni Kaye. Nilingon naman ito ni Kaye, at niyakap ang matalik na kaibigan at kasosyo sa negosyong itinayo nila.

"Pogi natin ngayon ah? May lakad ka? "

Tanong ni Kaye kay Nykieh. Nagkibit-balikat lang ang huli at mayabang na ngumiti. Sanay na si Kaye rito hindi naman ito mayabang sadyang pogi lang din.

"May interview ako sa isang lifestyle magazine,may kikitain akong writer/interviewer.."ani Nykieh.

"Wow, goodluck! Atlast malalagay ka na sa magazine,, malalaman na nila kung gaano ka katalino!! "dagdag naman ni Kaye.

Tumawa ng payak si Nykieh at bahagyang tinapik si Kaye. Isang Architect si Nykieh Lao, sa ibang bansa rin siya nakabase katulad ni Antoinette. Pero mukhang ayaw na niyang bumalik don at nagpatayo nalang ng bussiness. At ngayong araw ang interview niya para sa isang magazine. Ifefeature sa magazine ang pagiging successful niya sa larangang iyon at bukod don, bilang isang kabilang sa LGBT Community nakakaproud nga naman na hindi siya nagpadaig sa mga deskriminasyon ng mundo. Bagkus ay naging matagumpay at ngayo'y makakapagbukas na ng isang restaurant.Katulad din ni Kaye. Parehong successful sa kabila ng pagiging iba sa dapat na makita ng mga mata ng iba.

"Dinaanan lang kita, alam ko kasi na nagkukulong ka muna dito bago ka pumunta sa mga shows mo.. Aalis na ako.. "

Tumango si Kaye, at niyakap muli ang kaibigang si Nykieh.

"Goodluck best, ingat ka.. "

Lumabas na si Nykieh at naiwan muli si Kaye sa kwarto ng magisa. At bahagyang umusal.

"Yassi, kumusta ka na kaya? Miss na miss na kita. "

Noong mga unang taon ay madalas pa kumontak si Sheena sa kanya. Kaya nalalaman niya kung ano-ano ang mga nagyayari dito at mga pagbabagong progreso sa kalagayan nito. Ngunit nitong mga huling taon ay bigla nalang siya nawalan ng komunikasyon dito. Marahil naging abala sila at mukhang may nangyari na hindi na ibinalita pa sa kanya. Nakakalungkot isipin kahit na sina Sheena at Andrei ay nakalimutan na rin siya. Ngunit inisip nalang niya na baka may dahilan ang dalawa kung bakit hindi na nagkaroon pa ng komunikasyon sa kanya. Nagtagal pa si Kaye sa kwartong iyon na nakatanaw lang sa bintana, hindi siya nagsasawang gawin iyon sa nakalipas na mga taon. Pagkuway lumabas na rin sa kwarto at tinungo na ang kotse niya sa baba.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon