Chapter 61

816 57 16
                                    

😊😊😊😊

Yasmin's P. O. V.

Hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Kanina pang madaling araw ako gising pero ngayon ko lang naisipang bumangon. Sinipat ko ang relo ko. Alas nuebe na ng umaga, pero tamad na tamad akong bumangon.

Nakatingin lang ako sa kisame. Gumugulo sa isip ko kung paano ko haharapin ngayon si Kaye. Pagkatapos ng nangyari kagabi. Napapikit ako.Sobra na akong naii-stress sa kakaisip ko kung ano ba ang dapat kung gawin. Haynaku siguro magsosorry nalang ako, kahit na para akong matutunaw sa hiya kapag nakaharap kong muli ito.

Pagkatapos ko mag-almusal ay naglista na ako ng mga kailangan kong bilhin sa supermarket. Habang nagsusulat ay pahapyaw kong sinisilip sa bintana ang kabilang bahay. Mukhang tahimik sa kabila. Mukhang walang tao. Sana naman dahil kanina ko pa iniisip ang plano ko kung paano ako dadaan sa harapan ng bahay ni Kaye na hindi niya ako makikita o mapapansin.

Pagkaligo, ay nagbihis ako ng jacket na may Hood, tapos nagsuot pa ako ng shades. Nakakatawa man ang outfit ko ngayon pero di bale na may purpose naman kung bakit ganito ang get up ko. Ayoko kasing makita ako ni Kaye o makita ko siya. Basta. Kahit na para akong tanga sa suot ko. Tirik na tirik ang araw tapos nakajacket ako. Kahit mainit titiisin ko. Bahala na.

Kung bakit ba kasi nangyari yon kagabi di sana wala akong problema ngayon.

Napangiti ako sa pagpasok ng nangyari kagabi sa amin ni Kaye, sa isip ko. Hindi iyon ang first kiss ko pero feeling ko the best iyon. Oh, I think habang buhay kong hindi makakalimutan iyon. Kahit kailanman ay hindi ko naisip na mahahagkan ko ang isang celebrity at sa labi pa. Oo nga nakakahiya na ang katotohanang ako ang humalik sa kanya pero hindi ko naman iyon sinasadya. Kinilig ako ng bahagya nang sumagi sa isip ko ang isang salita.

Destiny.

Ayiee! Paano nga kaya kung si Kaye pala ang destiny ko. Kaya walang nagwowork na relasyon sa akin. Dahil alam ng tadhana ko na hindi ako para sa kanila. kundi para ako kay Kaye. Natawa ako sa harap ng salamin sa mga ilusyong naiisip ko.

At ang nangyari kagabi ay intense sa pakiramdam ko kahit na aksidente lang ang nangyari. Sobrang saglit lang pero nagpabago sa buong pagkatao ko. Lalo na sa puso at isip ko. One word. Crush. Parang crush ko na nga siya agad-agad. Yung parang may chemistry kapag nagkakalapit kami. Yung feeling na una siyang papasok sa isip ko pagkagising ko sa umaga. Tapos mangingiti ako lalo na kapag bibigkasin ko ang pangalan niya. At sa gabi bago ako matulog ay siya ang huling laman ng isip ko bago ko ipikit ang mga mata ko.Kinikilig ako sa mga reyalisasyon ko sa damdamin ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong pakiramdam. Para bang pag-ibig na naguumpisang umusbong sa puso ko. At yayabong sa katagalan. At excited ako. Assuming na kapag trinabaho ko to ng maigi ay siguradong magtatagumpay ako.

Hindi ko malaman kung kakainisan ko ba ang sarili ko o pagtatawanan. Anlayo na kasi ng narating ko sa imahinasyon ko. One crush and a first kiss with Kaye I could hardly remember. Pero inisip ko na agad magiging kami. Tsk! Nakalimutan kong may problema pa nga pala akong kailangan kong harapin.

Binigyan ko ang aking sarili ng isang sulyap sa salamin. Bago ko dinampot ang wallet at listahan ng mga bibilhin ko bago ako lumabas na.

Ilang sandali pa'y nasa harapan na ako ng supermarket. Nakahilera ang mga sasakyan at natigilan ako sa kotse na katabi ng kotse ko.

A Volvo.

Inisip ko agad baka andito rin si Kaye. Pero nagkibit-balikat nalang ako. Hindi lang naman siya ang pwedeng magkaroon ng ganitong sasakyan. Pagkapark ko ay dire-diretso na ako sa loob.

Habang nagiikot ay tulak -tulak ko ang cart ko kung saan naroon ang mga pinamili ko.Inikot ko ang supermarket papuntang condiments nang mahagip ng mata ko si Kaye. Nagulat ako at dali-dali akong umiba ng direksyon. Sabay suot ko ng mabilis ng shades. Sa mga gatas at tinapay ako nagpunta kahit na kagagaling ko lang don.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora