When Angels Fall - 040 - Ending

977 17 11
                                    

Chapter 040

Kath's POV

Days have been passing so fast. Yung halos hindi mo na namamalayan ang mga araw. Nakakalimutan mo na kung anong date naba ngayon.. o kung kailan ka huling natulog o nagtoothbrush.. Ewan ko nga ba. Hindi pa man masyadong nakakamove on ang katawan ko sa aksidenteng nangyari nito lang, eh parang yung utak ko sobrang nakamove on na. Iniisip ko nalang kasi ngayon puro school works.. school works.. school works..

Ngayon ko napatunayan na mas mahirap pala talagang mag aral dito sa Pilipinas. Bukod sa madaming gwapo.. este madaming lamok, sobrang dami pang homeworks at projects na akala naman yata ng mga profs ay magpapasigla ng utak ng mga batang pinoy. Ay ewan!

Minsan tuloy, iniisip ko nalang, siguro.. mas masaya maging anghel sa langit. Malayang nakakalipad sa heaven. Nakikita ang mga tao sa tuktok ng ulap. Hindi nauulanan dahil nakaapak sila sa malambot na ulap. Masaya.. walang problema.. walang school works..

"sana angel nalang ako." bigla kong nabulong bago maupo. Thursday na agad. Nakapasok na pala si Daniel John. Ang aga nya pumasok tuwing thursday, ano kayang meron? Pagkaupo ko sa upuan ko, nagtanong sya kung exams na daw ba, kinuha ko muna yung necklace ko sa bag bago sumagot kaso sa katangahan ko, nahulog yun. Pupulutin sana ni Daniel John pero, pinulot ko nadin, at sinuot yun tapos sinagot sya. Next week pa ang exams pero puro pahirap na agad ang dinadanas namin. Buti sya excuse sa homeworks! urgh!

Nangilabot ako nung napakunot ang noo ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may espiritung dumaan sa harapan naming dalawa. Espiritu ba yun o ano? Ay ewan.. Basta alam ko lang antagal ni Mr Sandoval. Ang cutie pie na prof namin sa constitution yay!

"Naramdaman mo?" tanong ko kay Daniel John. Baka.. naramdaman nya din yung kakaibang hangin pero sabi nya hindi daw. So ako, wala, soundtrip nalang sa ipod. Bigla namang nagtanong si Daniel John, Kung hindi daw ba ako nawiwierduhan. Sa totoo lang.. oo nawiweirduhan ako. Naweiweirduhan ako sa kanya umpisa ko palang sya makilala.

Pero sa totoo lang din, ang weird din ng pakiramdam ko tuwing kasama sya kasi, first time ko magkaron ng 'guy bestfriend' yun ay kung best friend din turing nya sa akin..

Bigla kong naalala yung araw na dinalaw ko sa hospital si Daniel John. Naalala ko yung girlfriend nya. Kahapon kasi, nakita ko may kasamang ibang lalaki. Pero baka mali lang ako. Nung dumating na si Mr Sandoval, napalingon ako kay Daniel John, napaisip ako kung sasabihin koba o hindi, tapos bigla akong nagulat kasi tinawag ako ni cutie pie, este ni sir.

"Katherine, do you have your assignment?" natulala ako nung sinabi ni sir yun. Grabe ang gwapo nya, tumango ako at sabi ko opo.

Ngumiti si sir na parang ewan. Naku if I know crush ako ni sir..

3 hours kaming nagkatitigan ni cutie pie. 2 hours naman kaming naghintay kay Mam Roces para sa English class pero walang mam roces na dumating. Tinext ako ni Daniel John na magkita kami sa cafeteria since iba ang English nya sa nakuha kong English. So magkaiba kami ng class.

Sa cafeteria, pasta inorder naming dalawa. Bigla akong kinabahan nung nakita ko yung jowa niya na papalapit sa amin. Napalunok laway ako, sinabi ko nalang, na papalapit gf nya samin. Ewan konga ba, sa totoo lang, dapat naman wala akong paki sa kanila. Pero bakit ganito sobrang curious ako.

Hay! Naiinis ako. Sana nalang talaga angel nalang ako. Para di ako namomroblema sa problema ng ibang tao. Sinunggaban ko nalang yung carbonara ko sa plate. tapos nagulat ako nung bigla akong dilaan (literally) ni Daniel John sa mukha ko. Nung una naisip kong sampalin sya pero, natawa nalang ako kasi, best friend naman turing ko sa kanya. And.. wala lang siguro yun adik lang talaga sya. at sobrang wirdo.

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now