When Angels Fall - 006

1.4K 31 10
                                    

006

“oo :) “

Oo. Yun lang.

Simpleng oo lang sinagot nya sakin. At isang ngiting ngayon ko lang nakita. Sa sobrang pagtataka ko sa sarili ko ngayong mga oras na ito, napangiti nalang din ako, nakatingin ako sa “anghel” habang kumakagat sa pizza.

“naniniwala kana sakin no? :))  “

Ako? Naniniwala?? syet! Ano bang nangyayari sakin? Hindi padin ako naniniwala sa kanya.Urgh. Bahala sya.

*ding dong*

BInuksan ni yaya ang pintuan. Narinig ko agad ang malaking boses ni Alfred kaya alam kong sya yun. Lagot sakin tong mokong na ito. Akala nya nakalimutan ko na ginawa nya sakin kagabi ha.  Lagot sya sakin.

“Uy, DJ, sabi ng yaya mo nandito ka daw sa dining room so dumiretso na ako, I hope you don’t mind … Uuuuyyy!! Pizza!!”

Kumuha sya ng pizza. Ako, hindi padin sya kinakausap. Umupo sya sa tabi ko.

“Uy pare may bebot ka pala dito, wala na kayo ni Ecka?”

.

.

“Hi. Ako nga pala si Alfred, and you are?..”

Inabutan ni Alfred ng kamay si ketek. Tinitignan ko si ketek kung anong gagawin nya. Ilang Segundo pa ang lumipas bago nya nginitian si Alfred at nagsabi lang sya ng “Hi. Ako si Kath.” Hindi sya nakipagshakehands. Siguro walang shakehands sa planeta nila.

Napahiya si Alfred kaya binaba nya na kamay nya. Nagtanong nalang sya ng maraming bagay kay ketek. Ako, dahil sa pagkabored ko at pagkainis kay Alfred .. tumayo ako at..

“excuse me. Busog na ako.”

Pupunta na sana ako sa garden para praktisin ang kanta na gagawin ko sa prom. Since, lunes na lunes, hindi ako nakapasok dahil sa pagkalasing. Tss..

“Huy DJ, san ka punta? ‘di ka pa nagkkwento sakin ah?! :)) “

Loko talaga tong si Alfred. Kung hindi ko lang sya kaibigan kanina ko pa sya nasapak sa mukha.

“uuh… punta lang akong garden, kung gusto mo sunod ka nalang.”

“ah ganun ba, anong gagawin mo dun?”

‘di ko na sinagot ang tanong nyang yun. Dumiretso na ako sa garden namin. Naupo ako sa duyan na ayon sa mommy ko, gawa ng daddy ko para sa kanya. Nawala na ang daddy pinagbubuntis palang ako ni mommy. Kinuha na ng langit.

Napabuntong hininga nalang ako. Siguro, kung nandito ang daddy, tuturuan nya ako ng iba’t ibang kanta sa gitara. Siguro… hindi ako ganito ngayon. Pariwara. Haaay.

♪ ♫ Nasa 'yo na ang lahat

Minamahal kita 'pagkat

Nasa 'yo na ang lahat

Pati ang puso ko... ♪ ♫

.

.

♪ Oh Oh Oh Ohh Ohhh

Na-nasa 'yo na ang lahat ♫

Heart is accelerating its beat.

Heart is accelerating its beat.

Naramdaman ko nanaman ang kakaibang sensasyong ito. my heart is accelerating its beat….

“alis na daw sya DJ..” si ketek yun.

Kasama ni Alfred si Ketek. “pare, una na ako.” sabi ni Alfred

“sige pare.” Sabi ko nalang.

Tapos, umalis na si Alfred. Hindi ko na naopenup sa kanya yung about sa ginawa nya saking pagabanduna sa bar at pagbibigay nya sakin sa babaeng pokpok. Tss.. hayaan mo na nga.

Inistrum ko uli gitara ko.

♪ Oh Oh Oh Ohh Ohhh

Na-nasa 'yo na ang lahat ♫

“bakit lagi mong kinakanta yan DJ?”

Lumapit sa akin si ketek. Mukha namang mapagkakatiwalaan tong ketek na to. Sige na nga, try kong kausapin ng matino. Try lang ha.

“kakantahin ko sa prom namin. Ginawa ko pa ngang ringtone eh hehe!”

Nice one. Ambait ko sa kanya ngayon.

“Hihi talaga! Prom, anong prom? “

Nakakaloko ang tawa nya pero ang cute.

“party. Junior Senior prom. Gagraduate na kasi kami, so.. kailangan naming makipagsocialize for the last time sa mga juniors na papalit samin.”

“party? … masaya ba yun?”

Wala sigurong party sa planeta nila. Kawawang ketek..

“Masaya din.” Sabi ko nalang at patuloy na tumugtog..

♪ Oh Oh Oh Ohh Ohhh

Na-nasa 'yo na ang lahat

Lahat na nga ay nasa’yo

Ang ganda ang bait ang talino

Inggit lahat sila sayo,

kahit itapat man kanino  ♫

Heart is accelerating its beat.

Heart is accelerating its beat.

Hindi sinasadyang mahawakan ni ketek ang kamay ko na nakahawak sa gitara. Balak nya kasi kuhanin ang gitara, inagaw nya kunwari, sa kamay ko naman humawak. Manyakis talaga to.

“pahiram ako… sige na DJ.. gusto kong matuto.. turuan mo ako.. sige na sige na….”

Tss… kulit ng lahi.

“Sige na nga. Ito oh hawakan mo, turuan kita.”

“yehey!!!”

Umupo ako ng ayos sa duyan, pinaupo ko sa tabi ko si ketek, at nagstart akong turuan sya ng basic chords. Syempre, pinplace ko mga daliri nya sa tamang frets. Wew. hirap nya palang turuan. 

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now