When Angels Fall - 014

1.1K 20 4
                                    

014

"DJ.. DJ anak gising na."

unti unti kong dinilat mga mata ko. biglang sakit din ng batok at likod ko. sa sofa na pala ako nakatulog. nagunat unat muna ako. kumusot ng mga mata. humikab. 

"luto na ang breakfast. mainit nadin ang tubig mo sa banyo ng kwarto mo. ininit na ni kath. maligo kana at kumain."

Sabado na. halos dalawang araw nalang prom na. uhhhaaarm. hikab padin ako ng hikab. inaantok pa ako. 

umakyat ako para maligo. pagpasok ko sa kwarto ko, nandon si ketek. kinukuha yung heater ng tubig.

"Uhm, DJ, mainit na ang iyong tubig."

"sige."

"hmp! di manlang nagpasalamat yung DJ na yun!"

"hayaan mo na sarah.."

napakunot noo ako. "anong sabi mo ketek?" 

humarap uli sya sakin. "ah wala wala DJ.. sige ligo kana!"

naligo na ako. nagsuot ako ng white tshirt at checkered na black short pangalis. tapos naglaro ako ng PS3 saglit. hanggang sa tawagin na ako ulit ni mommy.

mga 10:00am na ako nakababa. dala dala ko ang PSP ko. kumain muna ako. hotdog, rice, ham, typical breakfast. hikab padin ako ng hikab. pagkatapos.. diretso ako sa sala, higa sa sofa at nagPSP

"DJ? .. pwede patabi?" sabi ni ketek. umayos ako ng upo  para makaupo si ketek. diretso padin ako sa pagPPSP. tekken 6. haha

narinig kong binuksan ni ketek ang TV. 

TV nanaman. Mukha na syang TV.

"DJ .. panuorin mo to, maganda nakakaiyak."

"sige sige.." diretso padin ako sa pagpindot ng PSP ko. hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. si ketek, sumisinghot singhot na.

"HUY!" sabi ko sa kanya. Pinause ko muna ang nilalaro ko. Nakakairita yung habang naglalaro ako ay may naririnig akong sumisinghot singhot.

ikinuha ko sya ng tubig sa kusina. "salamat DJ.." sabi niya nang abutan ko sya ng tubig.

tapos nagPSP uli ako. inilapag ko lang yung baso sa center table. hanggang sa makaramdam ako ng sobrang lamig.

nakalow lang ang aircon nung tinignan ko sa kaliwang banda. bigla nanaman akong kinilabutan. 

"HI! ako si sarah patingin nyan!" 

napalunok laway ako. napatingin ako sa kanan ko. may katabi akong maligno.. ah hindi.. multo yata.. aaah!!

--

Kath's POV

Matapos namin maglinis ng hardin ni michael at sarah.. tinulungan naman ako ni sarah na magpasok ng mga gamit sa bahay. sa kasamaang palad.. nakita kami ng kasintahan ni DJ.

Nakita nya si Sarah. kumaway si sarah sa kanya ngunit nawalan ng malay ang babae.

alam kong kasintahan iyon ni DJ. kaya't tiyak na malalagot ako kung hindi sya agad magising.

"paypayan natin sya kath!" sabi ni sarah sa akin. 

nagmadali akong humanap ng pamaypay. hanggang sa makita ako ni DJ. siya na ang nagpaypay sa babae halatang nagaalala sya sa kasintahan. nagpaliwanag ako.. ngunit hindi ko sinabi ang buong katotohanan. alam ko naman kasing... hindi maniniwala si DJ sa akin..

kinagabihan noong ako'y nanonood ng mara clara.. dumating si DJ. ako'y biglang kinabahan. baka sya'y galit padin. niyaya ko syang manood sa kahon sinabi nya namang sasamahan nya ako pagkagaling nya sa itaas.

at iyon nga. sinamahan nya ako! :) hindi sya galit sa akin! napakasaya!

ngunit isang tanong ang bumagabag sa akin.. muli nya akong tinanong tungkol sa nangyari sa kanyang kasintahan. sinabi ko ang katotohanan ngunit gaya ng aking inaasahan, hindi sya sa akin naniwala. nalungkot ako kaya't ako'y nagpunta na sa aking silid.

nang sumibol na ang araw, sinabihan ako ni mommy na initin ang tubig sa silid paliguan ni DJ sa kanyang kwarto kaya't iyon ang aking ginawa. medyo matagal din iyon uminit. hanggang sa.. uminit na at naabutan ako ni DJ doon.

bumaba na ako at nauna nang kumain ng masarap na almusal! sobrang saya ko dahil sa langit walang almusal. hihi! hangin lang ang aming kinakain. walang lasa ngunit nakabubuhay sa aming mga anghel :)

tinawag muli ni mommy si DJ upang kumain bago tuluyang umalis si mommy at tumungong muli sa kanyang trabaho. ako'y naghuhugas ng aking pinagkainan noong bumaba si DJ. pansin kong wala syang gana ngayon pagkat mabilis lamang sya kumain.

matapos kong maghugas ay nagtungo ako sa silid panooran sapagkat papanoorin kong muli ang nakakaiyak na palabas pangumaga. hihi!

naglalaro lamang si Dj sa silid panooran ng isang bagay na hindi ko alam ang katawagan. maya maya pa ay napansin na ni DJ ang aking pagluha at sabi nya sa akin ay sya'y naiirita. ikinuha nya ako ng tubig. lumabas si sarah mula sa aking puso.

"ang sweet ni DJ!!" hindi ko alam ang ibigsabihin ng sinabi ni sarah. Si sarah.. pinapakialaman yung laruan ni DJ. hanggang sa dumating na si DJ..

nagulat na lamang ako noong si sarah, tumabi kay DJ.. pinanood nya ang nilalarong bagay ni DJ. tuwang tuwa si sarah doon. sinesenyasan ko si sarah na umalis at bumalik sa aking puso ngunit ayaw nya padin sumunod. hanggang sa... makita sya ni DJ..

"sarah!!!"

sigaw ko sa kanya. nakatulog din si DJ gaya ng kanyang kasintahan. bakit ganoon? tuwing nakakakita ng anghel ang mga tao sila ay nakakatulog?... bakit?...

"nagulat marahil si DJ sa akin kath. hindi kasi sya sa akin naniniwala.. hindi sya naniniwala na anghel tayo.."

"ano kaba sarah... halika paypayan mo si DJ at ako'y kukuha ng bagay na pinaamoy nya sa kanyang kasintahan."

Medyo matagal bago nagising si DJ.

pagkagising nya'y unti unti nyang minulat ang kanyang mga mata. "DJ.." sabi ko sa kanya.

"nananaginip lang pala ako." sabi nya naman. hanggang sa sumulpot ulit si sarah. muli nanamang napasigaw si DJ. at isinigaw nya din ang salitang maligno.

lumabas nadin si michael at nagpaliwanag. Gulat na gulat si DJ. Ngunit wala na akong magagawa. ito lang marahil ang paraan para..

para sya'y maniwala.

para maniwala sya.. na ako'y isang anghel na ibinaba sa lupa dahil sa aking kagustuhang maging tao. 

sana nga talaga... maniwala na si DJ sa akin. 

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now