When Angels Fall - 020

1K 17 5
                                    

020

"Long time no see huh?" lumapit sa akin si Ericka. Ako naman, wala lang, ngiti lang sa kanya. Naaalala nya pa pala ako. Nakatingin lang si DJ sa kanya. Tapos, tinawag ako.

"Kath, halika na."

Anong tawag sa akin ni DJ? Kath ba? Tinawag niya akong kath! Pangalawang beses nya na akong tinawag na kath! Ansaya saya naman!

"Bye kath!" narinig kong sabi naman ni Ericka pagkatalikod ko sa kanya. Napakunot noo ako at napatingin kay DJ. Hindi ko alam kung nag away ba silang magkasintahan o ano. Bakit parang ilag sila sa isa't isa.

"Nag away ba kayo?" tanong ko kay DJ. Bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. 

Ito nanaman ang pakiramdam. Ang pakiramdam na matagal ko nading naramdaman na halos makalimutan ko na. Ang pagkabog ng aking dibdib. Kabog kabog..

"uhh... DJ?"

"Humawak ka lang sakin. Mabato dito eh. baka matisod ka."

Napalunok laway ako. Nakatingin lang ako sa kanya. Naialis ko lang ang tingin ko Nung mapansin kong ang mata niya ay tumitingin din sa akin. Pero hindi siya lumilingon. "Hihi!" napangiti ako nang dahil doon.

Napakunot noo si DJ at sa wakas ay tumingin na sa akin. "Para kang engot." sabi niya.  Ilang sandali pa, binitawan niya na ang kamay ko at nakipag-appear sa mga lalaking di ko naman kilala. "Sige pare, mamaya ko na lang ibibigay sayo. una na ako!" mga huling sinabi niya bago niya ko muling niyaya na maglakad. At sa pagkakataong iyon.. 'di na niya uli hinawakan ang kamay ko.

DJ's POV

Nagsuot ng simpleng bistida si Ketek nung yayain ko syang samahan ako sa photoshoot. Yung bigay ni mommy sa kanya nung unang tumuntong siya dito sa bahay. Matagal tagal nadin yun, at ngayon sanay na ako na nandito siya sa bahay. Minsan masarap din siyang asarin. Hahahaha.

Nitong mga nakaraan pagkatapos ng prom, diko na masyado napagkikita si kath este ketek sa bahay. Maaga kasi ang pasok ko, at pansin kong nagiging tanghali na palagi ang paggising niya. Napansin ko din ang bagong pagtawa niya. Napansin ko din ang kakaibang pananalita niya. Tinanong ko si mommy kung napansin din ba niya, sabi niya oo daw. Sabi daw ni Kath, sa TV niya lang daw natutunan.

Iba talaga epekto ng TV kahit sa mga may ketek sa utak. Hahaha

"bagal mo." sabi ko sa kanya nung makaupo siya sa tabi ko. Wala naman siyang imik. Binuksan ko lang yung radio at pinatay din agad dahil wala din namang magandang pakinggan.

Sinama ko si ketek ngayong araw ng photoshoot kasi.. Ewan ko din. Matagal ko nadin kasi siyang hindi masyadong napapansin sa bahay kasi nga medyo busy na rin. Malapit na graduation eh. At inaasikaso na namin ni mommy ang school na papasukan ko. Isa pa.. Para naman maarawan si Ketek. Lagi nalang siya nasa bahay. Kulang nalang magkapalit palit sila ng mukha ng mga katulong namin eh. hahaha

Pagkapark ko ng kotse at pagkababa ko, nakita ko si Ericka. Si Ericka agad. Nambubwisit nanaman. Mula nung magbreak kami parang ang epal epal niya nalang palagi. Nakakaasar na. 

Tinawag ko agad si ketek para makita na niya ang school. Hinawakan ko kamay niya para di siya matisod. Di na malamig ang kamay niya di pares ng dati. Nagiging ganap na tao na ang ketek na to? Marami rami na rin ang nagbago sa kanya mula ng huli naming engkwentro sa isat isa.

"uy.. DJ." sabi niya nung mapahinto ako sa paglalakad. Nakakalito kasi, di ko alam kung saan yung photoshoot. Kung sa auditorium ba o conference room. nakakainis. "teka lang ketek. itetext ko si Alfred."

Tinext ko si Alfred. Buti nalang mabilis magreply yung mokong. Sa Lounge daw gaganapin. Takte talaga. iikot pa pala kami ni ketek. Ang gulo naman kasi ng location.

Hinablot ko braso ni Ketek at naglakad ulit. Siya, walang imik. Lakad lang din. Sunod sakin. Napabuntong hininga ako para medyo mabawasan pagkabadtrip ko. "Pasensya kana ketek ha. iikot pa pala tayo."

binitawan ko na braso niya at nagtext ulit kay Alfred. Tinanong ko kung ano na ginagawa nila dun. 

"Uy DJ.."

Napahinto ako sa paglalakad. kanina pa sya uy ng uy sakin. "Bakit ba?" tanong ko sa kanya. "malayo pa tayo sa lounge oh."

"Eh kasi.. "

"Ano?!"

"DJ kasi.. nagugutom na ako. Pwede bang kumain tayo? hehehe!"

"Nako naman ketek. Hindi kaba nagalmusal sa bahay?!"

Umiling siya at napahawak sa tyan. Narinig ko nadin kalam ng sikmura niya. Haist. Mga babae talaga.

"sige, daan muna tayo ng canteen." sabi ko nalang. tinext ko si Alfred na medyo malelate ako at sabihan nalang si mr kutkot pate adviser namin.

Naglakad kami papuntang canteen. Pagkadating dun, may pila pa kaya pinaupo ko muna siya sa isang table at ako nalang ang pumila. Ibinili ko siya ng gotto. Mabilis lang naman siya kumain. 

"Okay kana?" sabi ko nung makita kong wala nang laman bowl niya. Nagtext na si Alfred sa akin. Hinahanap na daw ako. Bakit kaya ako hinahanap, hindi ba sila mapipiktyuran ng wala ako ron? hahaha. badtrip eh.

"Eh, nauuhaw ako." sabi ni ketek. nako naman oo.

"may fountain dun sa labas. dun ka nalang uminom. tara na. iwan mo nalang yung bowl dyan."

Sinamahan ko sya sa fountain. Nung una akala ko magiging tatanga tanga nanaman siya pero nagulat ako nung alam niya kung pano gamitin yun. Astig ah.

"Naks naman ketek!" sabi ko pagkatapos niyang uminom. "Marunong ka palang uminom dun ha?!"

Napakunot noo lang siya. "anong akala mo naman sakin DJ?! tara na. malelate kana!" hinawakan niya ang kanang kamay ko. Heartbeat is accelerating its beat...

"ano na DJ?! tara na!" ngiting ngiti si ketek habang hinihila ako. Akala mo naman alam niya ang daan papuntang lounge. "Ketek ka talaga." pabulong kong sabi pero narinig niya paren yun. "Aysus, kunwari kapa. miss mo lang yata ako kaya moko sinama dito no?!"

Bigla akong kawala sa kamay niya nung sinabi niya yun. takte talagang ketek na yun eh. Nagaaccelerate lang lalo ang pagtibok ng puso ko e. Badtrip!

"ULOL! bilisan mo maglakad. malapit na tayo." tumawa lang si ketek nung sinabi ko yun. Lakas ng tawa niya. Kakaiba di pares ng 'hihihi' niya dati. hahahaha! Nakakatawa siya.

When Angels Fall - FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon