When Angels Fall - 008

1.3K 23 12
                                    

008

Saglit lamang ang pagkkwentuhan namin ni Alfred. Nasambit nya na kaya sya naparoon sa bahay ay kkmustahin daw nya ang kaibigang si DJ.

Alam daw nyang nalasing ito pagkat sya ang kasama nito kagabi. Matapos ay nagpunta kami ng hardin kung nasaan si DJ.

Bago pa kami makarating sa hardin ay tinanong muli ako ni Alfred,

“Kath, hindi ba galit sa’kin si DJ?”

Napakunot noo ako. Nagtataka, kung bakit iyon natanong ni Alfred.

“Wala namang nasasambit si DJ sa akin.” Aking sagot sa kanya.

“Ah hehe!” sabi lamang ni Alfred.

“ang cute mo naman magsalita kath. Deep na deep! Hehe!” dagdag pa nya. Hindi ko masyadong nainitindihan ang kanyang sinambit. Malapit nadin kasi kami sa hardin, at nadidinig na namin ang tinig ni DJ. Umaawit syang muli.

Nagpaalam lamang si Alfred sa kanya. Matapos ay nagpaturo ako kay DJ gumamit ng kanyang instrumento sa pagawit. Masakit ito sa mga daliri. Kapag tinutulungan ng mga daliri ni DJ ang aking mga daliri ay naaayos kong mabuti ang paghawak sa matigas na lubid na nasa intrumento.

Ngunit kapag tinatanggal ni DJ ang kanyang mga daliri sa pagkakahawak sa aking kamay… wala.. ako’y pumapalya. :(

Bigla na lamang ako napaluha nang medyo pagtaasan ako ng boses ni DJ. Ngayon lamang ako nakadama ng ganoong panghihina ng loob. Ganito pala maging tao. Sensitibo.

Dumating si mommy at pinilit si DJ na ako’y muling turuan. Tinuruan naman ako ni DJ, marahil ay dahil nanonood ang kanyang ina. Maya maya pa’y umalis si mommy, dahil ditto napangiti si DJ, hindi ko malaman ang dahilan.

“hay sa wakas wala na rin si ma.” Sambit ni DJ.

Patuloy padin ako sa pagtugtog ng intrumentong gitara.

“oh ano masaya kana ketek?”

Nagulat ako sa kanyang tanong. Hindi pa ako masyadong masaya dahil hindi padin ako masyadong marunong.

“ang hirap naman pala ng iyong ginagawa dj. Ang hirap tugtugin nito ngunit ang galing mo!”

“Mahirap talaga!” kanyang sambit. nakakatuwang pagmasdan ang kanyang masiglang mukha. napatigil ako sa pagtugtog nang mapatitig sa kanya.

Maya maya ay nahulog kami sa pagkakaupo sa duyan. Napigtal ang lubid na syang kumakabit sa puno upang mabuo ang duyan.

Ako’y napahiga. Napahiga naman sa aking itaas si DJ. Napahawak ako sa kanyang dibdib at.. hindi ko sinasadyang maramdaman ang pagkabog nito. Hindi ko malaman.. Nakakaramdam din ako ng pagkabog.

Kabog kabog … kabog kabog … sabi ng kanyang dibdib. Sumasabay din ang sa akin. Kabog kabog ..

“tumayo ka nga dyan!” sabi ni DJ. Sya’y namumula. Hindi ko malaman kung bakit.

“ayusin natin tong duyan. Tulungan mo ako!” paguutos nya.

Nadumihan ang aking kakasuot pa lamang na damit. Ngunit hayaan na, tutulungan ko muna si DJ magkabit ng duyan sa puno.

“bakit kaya naputol ang lubid nito, no DJ?”

“ewan ko nga eh. Ang bigat mo kasi ayan tuloy! Mamaya multuhin tayo ni daddy dahil dito” sabi ni DJ.

Daddy? Sinong … ah… ang kanyang ama?

“Ang iyong ama ba DJ? .. sya ba ang gumawa nito?”

Hindi na muling sumagot si DJ. Abala padin sya sa paghihigpit ng lubid. Maya maya… nakita ko syang lumuluha. Ano ba ang dahilan? Nasaktan ba sya sa pagkakahulog namin sa duyan kanina?

“anong problema DJ? Bakit ka lumuluha?”

Madali nyang pinunasan ang kanyang mga luha. “wala ha! Di ako umiiyak!” sambit nya. Para syang musmos. Ahihihihihi!

“ayan tapos ko na gawin. Sa susunod nga ketek wagkang uupo sa duyan nato. Ngayon lang to nasira nung naupo ka. Akin na nga yang gitara ko.”

“patawad DJ.”

At sya’y umalis na sa hardin. Napatitig lamang ako sa duyan. Bakit nga kaya lumuha si DJ nang dahil sa duyan?

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now