When Angels Fall - 033

711 7 0
                                    

Chapter 033

Napahinto sa pagtutupi si Kath. Yung nararamdaman ko naman, hindi ko maintindihan. Yung labi ko di ko alam kung gustong ngumiti o gustong sumigaw ng 'ANO NAMAN? MANHID KABA? DIKO KAILANGAN NG SINASABI MONG YAN GUSTO KO SABIHIN MONG MAHAL MO AKO HINDI YUNG SABIHIN MONG MAGIGING TAO KANA' pero sa huli, pinili kong tumahimik nalang. Tanging naririnig ko lang ay yung mabilis na tibok ng puso ko na di ko na talaga mapigilan umpisa palang.

Lumakad ako at umupo sa tabi ni Kath. Nakayuko. Pinatong ko ang mga braso ko sa tuhod ko. Nagiisip. Magsosorry ba ako? Ano nga bang dapat kong sabihin?

Maya maya, narinig ko nalang na humihikbi hikbi si Kath. Napalingon ako sa kanya. Umiiyak ba sya dahil sinabi kong mahal ko sya? O umiiyak sya dahil sa saya na magiging tao na sya? Napalunok laway ako, at niyakap nalang siya. Wala na akong maisip gawin kundi ang yakapin siya.

Ang yakapin ang taong mahal ko na umiiyak dahil sakin.

Kath's POV

Lumipas ang isang araw namin doon sa may dagat. Ang saya saya! Di ko mapigilang palaging magpasalamat kay Papa dahil pinagbigyan niya akong maranasan ito. Palagi akong nakatingala sa langit upang ngitian si Papa at pasalamatan.

Sobra sobra na ang pinagkakaloob niya sa akin. Ngayon, magiging tunay na tao pa ako. Hindi na ako makapaghintay! Ngunit pansin ko rin na napapadalas ang pagsama ng aking pakiramdam. Nanghihina ako palagi at nahihilo.

Hindi ko na lamang pinapansin ang mga nararamdaman kong iyon. Natatakpan ito ng kasiyahang nadadama ko sa aking puso dahil sa balita sa akin ni Jerry na ako'y magiging tunay nang tao.

Ano nga kayang pwede kong gawin upang makabawi sa kabaitan sa akin ni Papa?

Nang makaalis si DJ sa aming silid dahil sa pagdating ng ibang kababaihan, Kumain kami ng hapunan at dumiretsong tulog. Hindi pa nga ako halos makatulog dahil sa pagiisip ng magiging tao na pala ako. At naalala ko rin na hindi ko pa nga pala ito naibabalita kay DJ. 

Nag-isip pa ako ng nag-isip hanggang sa naisipan ko nalang na bumangon sa kama at tunguhin si DJ sa kanilang silid. Pero pagdating ko roon, akay akay ni Tofer at Alfred si DJ na tila ba pagod na pagod at hinang hina. "Anong nangyari?" tanong ko kay Tofer. "He's drunk." sagot lang niya. Patuloy kasi sila sa paglalakad habang hawak si DJ.

Nakita ko ang paglapag nila kay Dj sa kama. Ako'y nagaalala sa kanya. Ano kayang nangyari kay DJ? Nakatayo pa rin ako sa bungad ng kanilang silid. Pagkalapag ni Alfred at Tofer kay Dj, tumungo sa akin si Alfred. "Lasing lang si DJ. wagkana magalala." hinawakan niya ako sa aking baba. Tinapik ang aking ulo, nakayuko sya ng bahagya at ngumiti sa akin. Napangiti na din ako. Mukhang si Alfred ay wala na rin sa wisyo.

"Babalik na lang ako bukas ng umaga." sabi ko sa kanya. "Sige kath.. hatid kita sa kwarto nyo." sabi niya. Tumanggi ako. Sabi ko, wag na, malapit lang naman ang aming silid kaya kayang kaya ko na mag-isa.

Pagkalabas ko ng silid nila ay nagtatakbo ako patungo sa silid namin. Nakakatakot rin pala pagkat madilim ang paligid. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at tumungo na sa aking higaan. Pumikit ako, at nakatulog na rin naman ako agad.

Mabilis lang akong nakatulog. Pagmulat ko ng aking mga mata, ang magpuntang muli sa silid nila DJ ang aking unang naisip.

Pagbangon ko'y nagising ko rin ata si Sharlene nagtanong siya kung saan ako pupunta at bakit ayaw ko muna magsuklay. "Kina DJ lang Sharlene. Saglit lamang ako roon. Akin na lamang itatali ang aking buhok." sagot ko sa kanya.

Kumuha ako ng goma at pinuyod ito sa aking buhok na walang suklay. Nagsuot ako ng tsinelas at agad na nagtungo sa silid ng kalalakihan. Kumatok ako, ngunit hindi agad ako napagbuksan. Tinawag ko ang ngalan ni alfred at muling kumatok, mas malakas na katok. Iyon na, narinig na ako ni Alfred at nagbukas na ang pintuan.

"Goodmorning pretty" bungad ni Alfred sa akin habang nagkukusot siya ng mata pagkabukas niya ng pinto.

"Good Morning rin naman Alfred!" ngumiti si Alfred. Tumigil na sya sa pagkukusot ng mata niya, saglit siyang humikab kaya ako'y napahagikhik. Nakakatuwa siyang humikab.

"Tatawa tawa ka dyan. Bakit nga pala ang aga mo magpunta dito? ala sais pa lang. Pasok ka."

Ngumiti ako sa kanya. Pumasok ako at umupo sa isang malambot na sofa na nandoon sa gilid. Pansin kong bukod kay DJ ay ang ibang kalalakihan ay tulog pa rin. Sabagay, kami pa lang din ni Sharlene ang gising doon sa silid namin.

"Wala lang Alfred. Kakausapin ko sana si DJ. Nakalimutan mo na yung kagabi no?"

"Kagabi?"

tumawa ako at sinabing wagna niyang alalahanin. Sunod sunod na rin namang nagising ang iba pa nilang kasama. Nagsiliguan agad sila pagkabangon nila sa kama. Kaya't minabuti ko na lamang na sa labas maghintay.

Medyo matagal tagal rin bago makalabas si DJ. Habang naghihintay sa kanya, iniisip ko kung paano ko sa kanya sasabihin ang gusto kong sabihin. Hay!

Ngunit, pagkaharap niya sa akin... Siya pala ang may mas malaking balitang sinambit.

Mahal niya ako sabi niya. Tiyak akong higit pa sa magkapatid ang pagmamahal na kanyang nasabi ngunit, nagpatay malisya na lamang ako sapagkat hindi ko rin naman maaaring tanggapin ang ganoong klaseng pag-ibig.

Naalala kong, sinabi ni Sharlene sa akin habang kumakain kagabi na nagrenta sila ng kubo sa dalampasigan kaya nabanggit ko na lamang kay DJ yon. Kahit sa katunayan ay wala pa naman talagang pagkain roon sa kubo at kahit ako, hindi ko alam kung saan iyon,

Lumakad na ako at magtutungo na sana muli sa aming silid nang bigla akong pigilan ng isang halik mula sa labi ni DJ.

Kung anuano ang naiisip ko habang magkadikit ang labi namin. Hindi na ito walang malisya kumpara sa pagkakahalik ko sa kanya noon.

Ngayon, alam kong mahal na niya ako.

At ako...

Mahal ko siya. Mahal ko siya una pa lang.

Pero mali eh. Ngayon pang magiging tunay na tao na ako? Hindi to pwedeng mapigilan ng isang maling pag-ibig. Dahil sa pagkalito, nasampal ko na lamang si DJ. Gusto kong umiyak ng malakas dahil sa komplikadong pangyayaring nangyayari sa akin ngayon.

Nagmadali akong tumungo sa aming silid. Pagbukas ko ng pintuan ay naghahanda na si Ericka at Aica ng mga dadalhin sa kubo. Nagpunas ako ng luha at tumulong nadin sa kanila.

 "Bakit ka umiiyak kath?" tanong ni Aica sa akin. Umiling lamang ako at kumuha ng maraming kagamitan upang ilagay sa kuba. Sinundan ko si Ericka at binaba ang lahat ng gamit na dala namin sa kubo. Nauna na pala ron si Sharlene.

Habang naghahakot ng kagamitan.. di ko mapigilang magisip.

Hindi kami maaring mag-ibigan. Kung mag-iibigan kami... mauudlot lamang ito. Mas mabuti pang manatili akong tao na walang pagibig sa kanya..

Sa paraang yon, matagal ko siyang makakasama. Matagal ko silang makakasama ng mommy niya. Ito rin ang naiisip kong paraan para mabawi ko kay Papa ang kabaitang pinagkakaloob niya sa akin. Nakakahiyang suwayin ang isang utos na pinapaaalala sa akin palagi ni Jerry.

Bawal umibig kaming mga anghel sa tao. Bawal...

Bawal..

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now