When Angels Fall - 009

1.3K 20 3
                                    

009

“Psst!!!!!! Psssst!!!”

.

.

Nakaramdam ako ng takot. May biglang sumitsit sa akin! Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Di nga kaya tunay ang nasambit ni DJ? Maari kayang nagalit ang kanyang ama sa pagkasira ng duyan?!

Aaaah!! Papa! Tulungan mo ang nawawalang kaluluwa ng ama ni DJ! Tulungan mo po sya!!!

Napadasal na lamang ako habang nakapikit. Ako’y natatakot na talaga.

“Hoy Kath! Si Sarah to!”

Napadilat ang aking kaliwang mata samantalang nakapikit padin ang aking kanang mata.

“Sarah?!” nakita ko si Sarah. Akin nang binuksan ng napakalaking bukas ang aking dalawang mata. Kinusot ko ito. Baka ako’y nananaginip lamang.

Bakit naririto si sarah? Gusto rin nyang maging tao!?

“Sarah ikaw ba talaga yan?!”

“ay hindi.. hindi ako to!”

“Sarah naman eh! Hihihihihihi!”

Si sarah nga! Paano sya nakapunta ng lupa? May misyon sya? Paanong .. paano sya nagkamisyon?! Mga anghel na pangmisyon lamang ang pinagkakatiwalaan ng misyong panlupa. Ang mga anghel na tulad namin ni Sarah at Michael ay pawang mga taga ayos lamang ng langit. Tagapagpanatili ng kagandahan nito.

Ngunit paanong nagkamisyon sya?

“Paano ka naparito sarah?!” ako’y napayakap sa kanya ngunit tumagos lamang sya sa aking katawan. Paano? Hindi ko sya mahahawakan?

“tunay ngang tao kana kath!” kanyang sambit.

“naparito ako pagkat utos ni San Pedro’y bantayan kita. Naririto rin si Michael.”

Sumulpot bigla si Michael sa aming harapan. Sya’y kumaway sa akin.

“Hi Kath! :)” sabi nya.

Magababantay sila sa akin? Ngunit bakit? Bakit ako kailangang bantayan?

“Kath… tawag ka daw ni Mam. Cecil.”

Biglang naglaho si Michael at Sarah. Si yaya.. tinatawag na nya ako. Dumidilim narin kaya ako’y pumasok na lamang sa loob. Nasaan na kaya sina sarah ngayon?

“nandito lang kami sa puso mo kath.. ahihihi” narinig kong muli ang tinig ni sarah. Nasa puso ko sila?! ANO?

“anong puso?” pabulong kong sabi. Napalingon sa akin si yaya. Naglalakad na kasi kami patungo sa silid panooran. “sinong kausap mo dyan kath?” nakasimangot na sambit ni yaya. Ngumiti ako sa kanya at sinabing..

“ahhh… wala po wala po yaya ahihi! :D”

Mataray si yaya palagi sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Sa kanya marahil nagmana si DJ. Ahihihi.

“ang sikip sa puso mo kath!”

“sssh! Wagkang maingay dyan Michael!”

“wagnga kayong maingay dalawa..”

Nasa harapan ko na pala si Mommy. “may sinasabi kaba kath? .. bakit ang dumi ng damit mo?” tanong nya sa akin.

Muli.. gaya ng sinabi ko kay yaya kanina.. “wala po mommy, wala po akong kausap! Ahihihihi! yung damit ko po.. papalitan ko na lamang po bago matulog. Uhm, bakit nyo nga po pala ako pinatawag? ^^”

“halika dito kath. Upo tayo may ipapakita ako sayo.”

May hawak na parang aklat si mommy. Nang makita ko ang loob nito, nakita ko ang iba’t ibang larawan nila ni DJ. May isang larawan doon na namumukod tangi. Si mommy at isang lalaki. Matangkad ito. Hawig na hawig ni DJ. Marahil ito ang kanyang ama.

“Pogi ng daddy ni DJ no?!”

Napatingin ako kay mommy. Napangiti ako. “oonga po hihihi!” sabi ko. Oonga. Ang ganda ng hulma ng mukha ng kanyang ama. Swerte ni DJ. Maganda ang kanyang ina, gwapo ang kanyang ama. Wala na syang mahihiling pa! ngunit nasaan na ang daddy ni dj?

“nasan na nga po pala sya?”

“ha? .. yung daddy nya.. bumalik na sa dapat nyang balikan hehe!” tapos non ay napaluha si mommy. “namimiss ko na nga yan eh.. :(“

Aking niyakap si Mommy. Maya maya ay dumating si DJ. “ma? Bakit ka umiiyak? ..” sabi nya kay mommy.

“magpapaalam sana ako sayo ngayon, may date kasi kami ni Ericka eh. Paano ba kita iiwanan kung umiiyak ka dyan?” napapakamot noo si DJ habang sinasabi iyon.

“okay lang anak. Okay lang, nagdadrama lang ang maganda mong nanay, sige na magdate na kayo ni Ericka, ikamusta mo ako sa kanya ha..”

“bbye DJ.” Sabi ko sa kanya.

“Bye.” Sabi naman sa akin ni DJ. Patuloy na syang lumakad palabas. Napangiti ako. Muli ko nanamang naaalala ang hubad na larawan ni DJ sa aking isipan.

“hoy masama yan Kath!!” narinig kong muli ang tinig ni Sarah.

“masama ang alin?” pabulong kong tanong sa kanya. Nakayakap padin ako kay mommy kaya’t narinig nya iyon. “anong sabi mo kath?..” tanong nya sa akin.

Bumitaw na kami sa pagkakayakap. “wala po mommy! Gusto nyo po ng inumin?” sabi ko sa kanya. “osya sige paki nalang ha anghel ko. ^^” sabi ni mommy sa akin.

“sige po sandali po ha. ^^”

Pumunta ako ng kusina at doo’y kinausap ko ng pribado si Sarah. “anong masama ang sinasabi mo sarah?” tanong ko sa kanya.

Lumitaw sa aking harapan si Sarah. Ganoon din si Michael. Sila ay nanggaling sa aking dibdib. Ang puso ay nasa dibdib? O.o

“masama yung iniisip mo kanina! Nakita ko! Iniisip mong hubad si DJ!”

hindi ko maintindihan si Sarah. Paanong naging masama iyon? Kwento ni San Pedro sa amin dati’y si Adan at Eba ay walang saplot na ginawa ni Papa Lord.

“paano mo naman nasabing masama sarah?” tanong din ni Michael sa kanya.

“ah basta.. dito sa lupa masama iyon. Nakwento yon sa akin ng isang anghel pangmisyon dati. Nakwento din nya na kapag umibig tayong mga anghel sa tao.. tayo’y maglalaho.”

“talaga?” sabay naming sambit ni Michael. Marami na palang alam si Sarah tungkol sa lupa. Ikinuha ko na ng tubig si Mommy at ibinigay ko iyon sa kanya.

“Salamat kath! :)”

“:) walang anuman po mommy!”

Ibinalik ko sa kusina ang baso at napapaisip padin .. maglalaho kaming mga anghel kapag umibig sa tao? .. ngunit paano ako? Tao na nga ba ako? Maaari na ba akong umibig sa taong kagaya ko? .. ngunit diba.. anghel ako dati…

Ang gulo naman ng buhay. -____-

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now