When Angels Fall - 023

953 13 2
                                    

023

"uy namumula ka nanaman kath ha." sabi sakin ni Alfred sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Loko talaga ni Alfred. Ewan ko kung bakit ganito ang nangyayari sa akin kapag.. kapag pinapagaan ni Alfred ang loob ko. namumula ako.

"blush ang tawag diba?" sabi ko. humagikhik nanaman si Alfred at binitawan na ang kamay ko.

"oo nagbublush ka nanaman. pasensya kana ha. naiilang kaba sa pagkakahawak ko ng kamay mo?" sagot niya sa akin. Napakamot ulo siya. hihi! ang cute niya. 

"naku, e.. ewan ko lang. okay lang naman yun Alfred." sabi ko. nahihiya nadin tuloy ako. hehehe!

"Tagal na kita hindi nakita ah. magmula nung.. kailan nga ba yun?" mukhang palasalita talaga si Alfred. Mahilig talaga siya magopen ng ibang topic o paguusapan. hinding hindi siya naubusan ng sasabihin hehehe! nakakatuwa naman.

"oonga eh. tagal nadin. di ko na din halos maalala." sabi ko nalang.

"kamusta naman kuya si DJ, ayos ba?" tanong niya.

"ha? uhmm... okay lang. di naman kami masyadong naguusap."

"ganun?! ano kaya yun. swerte nga niya araw araw ka niyang kasama."

namula nanaman ako sa sinabing iyon ni Alfred. "H-ha?" sabi ko. "sabi ko, ang swerte ni DJ kasi araw araw ka niya kasama. masaya ka kaya kasama." tumingin sakin si Alfred at ngumiti nanaman. Pansin kong bukod sa pagsasalita ng walang humpay, ang pagngiti ang pinaka hlig niyang gawin. hihi!

"o, nandito na tayo." napahinto kami sa paglalakad. hinanap na namin ang kotse ni Dj dahil di ko matandaan ang lugar na pinagiwanan niya ng kotse niya.

"Hoy!" may narinig kaming sumigaw sa likod namin. Ayun si DJ pala.

"uy pare." sabi ni Alfred. naglakad kami papunta kay DJ. ako, nakangiti ako sa kanya. pero si Dj.. simangot na simangot ang mukha. Birthday niya kaya di ko dapat patulan ang pagiging masungit niya. kalma lang kath. kalma lang.

"Eh natagalan kami kasi naghugas pa kami ng kamay." paliwanag ni Alfred kay DJ. di naman pinansin ni DJ si Alfred at binuksan lang ang pintuan ng kabilang upuan ng kotse. "sakay kana ketek." sabi niya sa akin.

"Bye Alfred!" sabi ko. nagbbye din naman si Alfred sa akin. "bye kath. ngiti palagi ha." sabi niya. 

"Salamat fred ha." narinig kong sabi ni DJ. naghawakan sila ng kamay na ewan koba kung anong klaseng handshake yung ginawa nila na may kasamang pagtapik sa likod.

"happy brithday ulit pre. ingatan mo si kath." sabi naman ni Alfred bago makaupo sa tapat ng manibela si DJ. tapos, kumaway uli si alfred sa akin. 

at nagumpisa nang umandar ang kotse ni DJ.

"Birthday mo pala ha." sabi ko pagkaandar na pagkaandar ng kotse ni DJ. Ewan ko ba sa lalaking ito. bakit ang sungit padin. "Happy Birthday!!!!" sabi ko uli. Ayun wala pading imik. Ang hirap naman pangitiin ng lalaking ito.

"Huy DJ.." kinakalabit ko ng kinakalabit ang kanang balikat ni DJ.  Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagsalita.

"Diba anghel ka?" tanong niya sa akin. napakunot noo ako nagtaka kung bakit niya iyon naitanong.

"DJ?" sabi ko. 

"Anghel ka diba? may anghel bang dikit ng dikit sa lalaki? landi mo din ketek no?!" sabi niya sa akin. Ano naman kayang problema ni DJ?

"Ano bang sinasabi mo dyan? Ha? Dikit ng dikit sa lalaki? Ano bang gusto mong palabasin?" sabi ko. sobrang naguguluhan na ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Kay Alfred." sabi ni DJ. anong kay Alfred? di ko siya maintindihan,.

"ANO?!"

"Kay Alfred kanina kapa dikit ng dikit, may gusto kaba sa kanya ha?!" tanong niya. ANO BANG SINASABI NIYA? WALA AKONG IBANG KAKILALA DOON KAYA SI ALFRED LANG ANG PALAGI KONG KASAMA. ANO BANG MASAMA DOON?

"Ano bang mali don DJ? si Alfred lang kilala ko don bukod sayo e. kaya siya kasama ko. galit kaba dahil don?!"

"HINDI AKO GALIT." huminto ang kotse. nagtraffic. medyo malapit panaman dumilim ang langit.

"hindi ako galit. ayoko lang na gumaan loob mo dun sa mokong na yun. kilala ko yun. di gagawa ng mabuti yun sa mga babaeng katulad mo. okay?" pagpapatuloy niya.

"Mabait naman si Alfred sa akin. At napakabuti nga niya eh." sabi ko. hindi ko talaga maintindihan ang point niya sa pagsasabi ng mga ganung salita.

"Basta. Ayokong.. saktan ka niya. Kapatid kita diba?!"

napangiti ako sa sinabing iyon ni DJ. Kapatid?! ako?! tinuturing na niya akong kapatid?! Waaaa! bakit ganito ang pakiramdam. Di ko napigilang yakapin siya mula sa pagkakaupo ko.

"Kapatid mo nga ako DJ. ahihihihi! naiintindihan ko na ngayon. Mabait naman si Alfred eh. wala siyang gagawing masama sa akin."

mga ilang segundo bago magpumiglas sa yakap ko si DJ. "ano bang ginagawa mo ketek?" sabi niya sa akin. "huwag mo na nga uli ako yayakapin kapag nagmamaneho ako. buti nalang traffic ngayon eh pano kung niyakap mo ako habang hindi traffic ehdi nabangga na tayo?!"

nakahanap nanaman siya ng dahilan para sungitan ako...

"Anyway," nagumpisa na ulit umandar ang kotse. buti nalang, sana bago tuluyang dumilim ang langit ay makauwi na kami.

"gaya nga ng sabi ko sayo ketek. wag na wag kang magpapabola kay Alfred naiintindihan mo? Playboy yun. papaiyakin ka lang nun."

grabe naman si DJ. pero ewan ko ba, natutuwa na ako ngayon sa mga pinagsasasabi niya kaysa kanina. Nalaman ko kasing.. tunay na kapatid na ang turing niya sa akin kaya siya nagkakaganyan. Gusto niya lang ako protektahan. Hayyyyyyy... ansaya saya naman!

"Thankyou kuya! happy birthday!!" sabi ko. yayakapin ko ulit sana siya kaya lang, napatigil ako sa pagkilos kasi naalala kong ayaw niyag yakapin ko siya habang nagmamaneho, mamaya nalang siguro paguwi. hihihihi!

"Kuya?! wag mo nga akong tawaging kuya. okay na yung DJ. wagkang epal." Ayun.. masungit padin ang kuya ko.ahihihi. bahala nga siya. Basta masaya ako na sa mismongbirthday ng kuya ko, ay kasama ko siya. waaa! thankyou Papa! masayang araw nanaman ang ipinagkaloob nyo sa akin! Salamat po! 

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now