When Angels Fall - 038

656 8 2
                                    

Chapter 038

Kath's POV

"Lunch tayo?" Meron akong guy na nakilala first day of school ko pa lang sa Manila. Medyo mainit ang Manila kaya nagsleeveless top ako atsaka loose tokong. Dinala ko ang pinaka pretty kong bag na syempre may print na angels. I am also wearing the necklace na sabi ni mom binigay nya sakin habang nakacoma ako, isang necklace na may pendant na dalawang angel magkayakap.

After isang linggo nung makalabas ako ng hospital, nakauwi nadin kami agad ng Philippines. Nakita ko yung bahay namin dito sa Manila na parang walang nagbago mula nung umalis ako dito. Yung room ko, halos hindi nagalaw. Yung stuffed toys ko, yung angel collections ko. Si Sarah and Michael the twin angels.. At ang pinakapaborito kong figurine, si Daniel John. Paborito ko yun kasi pakiramam ko may powers si Daniel John e. Kapag tinitignan ko sya, nawawala init ng ulo ko. 

"Ano na?" tanong sakin nung lalaki. Nung lalaking kapangalan ni Daniel John. "bakit ang laki ng ngiti mo dyan?" sabi niya uli. Ngiting ngiti ako kasi natatawa talaga ako, nawala pala ako sa sarili kakaisip kay Daniel John and the fact na kapangalan nya yun. LOL!

"Tabi tayo ha. Wala ka pading friends dito no? Asus kaya naman pala pumayag ka makipaglunch with me. Kawawa ka naman hayaan mo pwede mo naman akong maging bestfriend e. Lucky you to have me. As. Your. BESTFRIEND. SUPERB!"

Naglalakad kami papuntang cafeteria habang kinakausap siya. Pero sa dami ng sinabi ko, ni ha ni ho wala akong narinig mula sa kanya. Mukhang iritang irita talaga siya sa akin. Nakakatawa naman. Back when I was in states, boys pa ang kusang lumalapit sa akin, pero siya, ako na nga itong lumalapit, nagpapakita pa ng kasupladuhan niya. Weirdo.

"Naniniwala kaba sa deja vu?" bigla niyang tanong nung maupo kami sa isang table. Kanina pa siya tanong ng tanong ng mga weird things sa akin. Ngumiti lang ako at umiling. Binuksan ko ang lunchbox ko at sumubo ng isa. Weird nga siya pero at least harmful naman. I like him

"Alam mo, pakiramdam ko talaga may ibang dimension dito sa buhay ng tao. Yun bang, akala natin ito lang talaga yung mga nangyayari pero yun pala, may iba pang nangyari na nabura lang sa isip natin tapos bumabalik lang tuwing nagkakadeja vu. Tingin mo?" salita parin siya ng salita habang kumakain. Fried chicken ang ulam niya. Ako, ham and bacon. Humingi ako ng balat ng chicken niya, binigyan nya naman ako.

"Tingin ko... hmm, ano ba? Siguro nga.. or sa dreams. Baka ibang dimension ang dream natin. Kagaya ko nung nacoma ako, baka napunta ako sa ibang dimension, ewan ko lang din." ito naman ako, si sagot ng kaweirduhan din. Sabagay, weird din naman ako. Ang hilig ko nga sa angels e, at naniniwala ako na they exist samantalang yung iba, pinagtatawanan lang ako sa belief kong yun. 

"Oonga ano." sabi lang ni Daniel John. Tapos na siyang kumain, samantalang ako, kakapiranggot palang ang nababawas sa pagkain ko. Sabagay.. parang nakakapagtaka rin ang deja vu. Siguro nga other life ng mga tao yun. ewan.

"Siguro sa ibang dimension di ako naaksidente." sabi ko. Napapaisip nadin ako tuloy sa mga dimension dimension na yan e!

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko kay Daniel John. "Wala lang. Astig lang kasi diba?" sabi naman niya. oonga, ang astig nga.

"Malay mo, magkakilala pala tayo sa ibang dimension, no?" sabi ko naman. Tumango lang siya tapos biglang nagisip ng malalim. Hindi na ako umimik at kinain ko nalang ang  baon ko. Mom's ham is really the best. Gumagawa kasi siya ng homemade ham kaya homemade din ang sarap. Meaning, full of love!

"I'm done. Sorry kung mabagal ako kumain." sabi ko after kong matapos kumain. Sabay uli kaming pumasok ng susunod na klase. Dun parin sa room namin, parang highschool lang. Iisa ang room.

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now