When Angels Fall - 017

1.1K 15 6
                                    

017

-

"nahahawa na ako ng ketek mo."

"hihihihihi! salamat sa pakikipaglaro sa akin DJ."

Sa bahay kami'y nilalamig. sa silid panuoran kami ay nagpupunas ng ulo at katawan gamit ang bagong tuwalya. pagkat ang tuwalyang kaninang hawak ni DJ ay basa na rin. hihihihi

"hindi ka marunong tumawa no kath?"

ano daw? .. ano ang itinawag sa akin ni DJ?

"ha? DJ.. tinawag mo akong kath. :D " sobra ang aking galak. sa wakas ay tinawag niya ako sa aking ngalan. sa aking tunay na ngalan. Ano ang ibig sabihin nito? kami'y magkaibigan na? ansaya saya naman!

"bakit? kath naman talaga pangalan mo. Puwera nalang kung mas gusto mong tawagin kitang ket----" 

"hindi hindi DJ! gustong gusto ko ang tawagin mo akong kath. gustong gusto! ahihihihi!"

"kita mo tong ketek na to. sabihin mo nga HA - HA- HA"

"uhm.. ha ... huh ... ha?..."

"HA - - HA - - HA - - ulit ulitin mo ketek. ganyan ang tamang pagtawa."

"Ha. ha. ha. ha. ha. ha. ha. ganyan ba?"

"hahahahahaha  - - ganyan!" sabi sa akin ni DJ habang naghuhubad ng saplot pangitaas.

"haHA haha - - - Ha Ha Ha.."

"parang tanga lang eh. Mali yan! bwahahaha wahahaha wahahahahahahaha ganyan! pati ba naman pagtawa muka kayong engot sa langit? Ayoko na palang maging anghel!"

Pilit ko pading ineensayo ang tamang pagtawa na tinuturo sa akin ni DJ. Mahina talaga ako sa mga gawaing pantao. Lahat nalang ng itinuturo sa akin ni DJ ay hindi ko nakukuha. Nakakainis kung minsan.

"Waha ...." sabi ko. Natutuwa ako sa aming pinaggagagawa hihihihihi :3

"Hahahaha! para kang engot pero okay na yan kath. magpalit kana ng damit sa kwarto mo! praktisin mong tumawa ha, hindi yung hihi tawa mo para kang mangkukulam nun e. hehe!"

"opo DJ! :D" dala dala ko ang tuwalyang pinampunas ni DJ upang ipunas rin sa aking basang ulo at katawan matapos ay umakyat na ako sa hagdan.

Huminto ako sandali upang silayang muli si DJ. kumaway sya sa akin at itinuro ang nakabukang bibig nya bilang simbolo ng ensayuhin ko ang pagtawang kanyang tinuro.

ngumiti ako sa kanya matapos ay dumiretso na sa aking silid. Lahat ng aking damit ay lumang damit ni Mommy. Kung hindi naman, may ilan na si mommy ang personal na bumili. Kinuha ko ang isang pangitaas na may manggas na kulay asul. Nagpangibaba ako ng hanggang tuhod. Habang nagpapalit ay ineensayo ko padin ang pagtawa.

"waha.. hahuhhahuhahawahaha" tama na kaya ang aking ginagawa?

matapos ay bumaba akong muli. Nasa silid panuoran na si mommy. nakapangopisina parin sya ng damit. ako'y humalik sa kanyang pisngi at masayang bumati sa kanya ng magandang hapon. 

"pati ba naman ikaw basang basa kath?" hinimas ni mommy ang aking basang buhok. umupo ako sa kanyang tabi at nakipagkwentuhan sa kanya.

"opo mommy naglaro po kasi kami ni DJ sa ulan! :D"

"ganoon ba? masaya ba? ^^"

"opo mommy! hihi! at alam nyo po ba tinuruan ako ni DJ ng tamang pagtawa gusto nyo po bang marinig?"

"osige nga anghel ko! tawa ka nga! ^^"

"wahaha.... haha wuhaha"

pumalakpak si mommy at tawang tawa sa aking inensayong tawa. hihihihihi! tinuruan nya din ako ng iba pang klase ng pagtawa. ang "hehehehehehewehe" at buwahahaha"

habang nageensayo kaming dalawa ni mommy ay bigla nalang napatingin si mommy sa may parte ng hagdanan. napalingon din ako upang tignan kung ano ang kanyang tinitignan. Napangiti ako ng malaki noong makita ko si DJ na maayos ang pananamit at ibang iba sa DJ na aking araw araw na nakikita.

"okay lang ba ma?" sabi ni DJ kay mommy. Lumapit si Mommy kay DJ at inayos ang kanyang damit. "ma.. dun tayo sa sofa." sabi ni DJ sa kanya. sinundan ko si DJ ng tingin hanggang sa tumabi sya sa akin.

"ayos lang ba ketek?" muli nya uli akong tinawag na ketek. pero ayos lang. Mabuti ngayon ay hindi na sya ganoong kasungit sa akin. napakabango nya at napaka disente ng itsura.

"oo ayos lang DJ. bagay nga sayo eh.... hmm, ano yang nasa mata mo DJ?" tinuro ko ang bagay na nakasuot sa kanyang mata.

"salamin yan. pamporma lang. gusto mo?" umiling ako ngunit  hinubad nya padin iyon at isinuot sa akin.

"ay ang galing." sabi ko. nakakatuwa ang pagsuot noon. wala namang nangyari ngunit nang ipakita sa akin ni DJ ang aking sarili gamit ang salamin, ako'y natuwa sa aking itsura ahihi!

"bakit ka nga pala nakaganyang kasuotan DJ?"

"ha? .. Prom na kasi."

"ah ganun ba." saglit na tumahimik ang paligid. Hanggang sa tumayo si mommy at kaming dalawa nalang ang naiwan sa silid panuoran.

"hindi ba't para doon ang ineensayo mong kanta matagal na?" aking tanong sa kanya.

"oo." mabilis na sagot sa akin ni DJ

binuksan niya ang kahon panooran. tinungo niya ang kahon sa isang palabas na hindi ko alam ang patutunguhan ng kwento.

"ano yan?" sabi ko sa kanya.

"ha? ang alin?"

"yang pinapanood mo sa kahon."

"ah yan ba. Basketball. Mananalo na Miami eh."

"basketball?"

"Sports yan ketek. minsan laro tayo nyan kung gusto mo."

"osige DJ!"

hanggang sa dumating na si mommy. "DJ, Let's go."

tumayo nadin si DJ. saglit pa lamang siya nakakanood ngunit umalis na agad siya. "ikaw na bahala sa bahay kath ha." sabi ni mommy sa akin. Si DJ, hindi na lumingon at dumiretso na palabas ng bahay. ako, nakatulala sa kahon.

Tinitignan ko ang mga taong nasa loob nito. Hindi sila masaya sa kanilang ginagawa. Puro pawis na ang kanilang mukha. Minsan pa'y nakasimangot sila. Nagkakabanggaan kapag tumatakbo na at pinagaagawan nila ang bola.

Hindi nga ba sila masaya sa paglalaro? O.. talaga lang may mga bagay na masaya ngunit hindi mo kailangang ngumiti o tumawa kapag ginagawa ito?

Akin nang pinindot ang kahon upang mawala ang palabas sa loob nito. Tahimik muli ang tahanan. nahiga na lamang ako sa malambot na upuan sa silid panooran. niyakap ang unan at pumikit.

Akin pading naaalala ang nangyari kanina. Kay sarap maglaro sa ilalim ng ulan. Kay sarap nga talagang maging tao. 

Nagpatuloy ako sa pagalala ng mga naganap kanina. SI DJ, tinawag akong kath. SI DJ tinuruan akong tumawa. "hahahaha" sabi ko. hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Isang magandang araw ang araw ngayon. Sana.. paggising ko, hindi panaginip ang naganap ngayon.

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now