When Angels Fall - 005

1.4K 31 12
                                    

005

“Dj… Dj….”

may kumakatok sa pintuan ng banyo ko habang nagshashampoo ako ng buhok.

Bwisit. Istorbo! Binuksan ko yung pintuan ng banyo.

“Ano Yun?!” sabi ko habang nagkukusot ng mata.

.

.

.

.

Nakalimutan kong naghubo na nga pala ako… nagtanggal na nga pala ako ng pambaba.

LINTEK!  :-___-:

Madali akong kumuha ng towel para itakip sa babang parte ng katawan ko. Shet!

.

.

.

“ah eh … kain daw tayo miryenda sabi  ni mommy… :D”

Sabi ni ketek girl at umalis din agad. Nakakaloko yung ngiti nya. Manyakis na baliw! Haist.

Bumaba agad ako sa may dining room pagkatapos magbihis.

“Anong miryenda?”

Walang sumagot sa tanong ko. Umupo nalang ako sa lamesa at hinintay yung ihahain. Naamoy ko yung pizza. Waaaa! Paborito ko! Kumuha agad ako ng 2 slices pagkadala ni ketek sa mesa ng pizza. Yum Yum!

“Tinuruan ako ni mommy magluto nyan.. hehe! Sana magustuhan mo.” – ketek girl

O.O

“Yuck! Ikaw nagluto nito?”

Masarap naman… pero bakit ganon parang nawalan ako ng gana nung nalaman kong siya ang nagluto. Badtrip… kumakalam na sikmura ko. Bahala na nga kahit nawalan ako ng gana kainin, kakainin ko nalang.

“Bakit Dj anong problema? Sabi ni Mommy yan daw paborito mo eh.”

“Oo na ketek girl.”

“Ketek girl?”

 Tss… nevermind… baliw nga pala sya. Di nya alam ang salitang pantao.

“Wala… “

Tapos nun tumahimik na lahat.

Sa hindi ko maintindihang pangyayari, tuwing mapapatingin ako kay ketek girl, parang gumagaan loob ko. Parang may something akong nararamdaman. Parang awa ba? … Saya? … di ko magets eh.

“Bakit Dj?...”

ngumiti si ketek girl saken.

Di ko namalayang napapatitig na pala ako sa kanya.

“Ah.. wala. Wala..” sabi ko nalang.

Kumuha pa ako ng isang slice. Nakaka apat na slice na ako. Buti nalang madami tong niluto.

“alam mo sa langit walang pagkain. Ngayon nga lang ako nakakain ng ganito eh! Masarap pala no, kaya mo pala paborito.”

Tss… yan nanaman ang drama nya..

--

“Bakit mo ba pinagpipilitang galling ka sa langit?”

Isang upuan lang ang pagitan ko kay ketek. Nagulat ako nung tumayo sya at lumipat sa upuang mas malapit sakin.

Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko.

Sobra nyang lamig! Ano ba to?! Bangkay ba sya?!

“Ang init mo Dj.”

Dugdug. Dugdugdugdug.

my Heart is accelerating its beat.

my Heart is accelerating its beat.

“Anghel kaba talaga?...”

ano ba tong pakiramdam ko? Anong kalokohan tong naiisip ko? Naniniwala na akong may anghel? … nauuto na ba ako nitong ketek nato?!

Di to pwede! Ano ako? Baliw?

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now