When Angels Fall - 002

1.7K 43 13
                                    

002

Hindi ako makapaniwalang may mga anghel din na kagaya kong ginusto ding maging tao.

“Anghel po ba talaga kayo?” akin muling tinanong.

“Oo! Kahit nga ngayon anghel padin ako eh. Di ba ako mukhang anghel? Maganda ako di ba? Anghel sa kagandahan.. :)" Sambit nya. Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko alam kung talaga ngang anghel sya o nagbibiro lang kaya ako ay natahimik.

“Hahahaha. Ikaw naman ija di ka na mabiro ^^”

Wew -__- nagbibiro lamang pala ang babaeng ito. Ngunit napaka bait naman nya upang patuluyin ako sa maganda nyang tahanan ^^

“wala ka na bang pamilya ija?”

Pamilya? .. Ang langit ang aking pamilya.. ngayong wala na ako sa langit.. wala na akong pamilya.

Umiling lamang ako at sinabing “Wala na po.”

Niyakap ako ng mahigpit ng taong iyon. Sabi nya’y matagal na nyang gusto ng anak na babae.

Napaka bait naman pala ng mga tao. Kahit ngayon pa lang nya ako nakilala.. ramdam ko na agad ang kanyang malasakit. Ganito pala ang mga tao.

*beep* *beep*

Nakarinig ako ng tunog mula sa labas.

 “yaya.. yaya nandyan na yata si DJ” tinawag ni Cecil Perez si yaya dahil nandito na raw si DJ. Si DJ marahil ay yung lalaking nakita ko kanina. Mabait din kaya sya kagaya ni Cecil Perez?

“anak ko yun. Sure akong magkakasundo kayo. Halos magkaedad lang kayo nun eh.” Muli nya akong kinausap. Napangiti lamang ako. “Mommy nalang itawag mo sa akin Kath.”

Mommy? .. Katawagan yun para sa isang ina dito sa lupa. Akin syang magiging ina? Napaka saya naman!

Maya maya pa ay may lalaking lumapit sa amin. Sya’y humalik kay mommy at ako ay kanyang nakita rin.

“Ma?! Bakit nagpapasok ka ng kung sino dito sa bahay!?” mukhang gulat na gulat ang lalaki nang Makita nya ako rito. Kinawayan ko sya at ako’y lumapit.

“Babe ang tawag sa iyo ng babae kanina, parehas kayong babe, tawagan nyo lang ba iyon?”

“wala ka nang pakialam dun. OK?! Atsaka, lumayo ka nga sa akin. BALIW.”

Napakasungit naman ng lalaking ito. Akala mo naman may kapangyarihan syang maipagmamayabang sa akin eh tao lang naman sya. Akala mo kung sino.

“DJ ano ka ba. Kawawa nga itong si Kath oh… wala na syang pamilya. Buti nga dito sya sa atin nagpunta para may kasama na ang mala-anghel mong mommy dito sa bahay. Hindi ba kath? :)”

Tinignan ko lamang si Mommy at ngumiti. Si Dj… Mukhang ayaw nya padin sa akin.

“Ah! Basta! Baliw yan kaya ayaw ko sya dito sa bahay. Mamaya sindikato pala yan ma e!”

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now