When Angels Fall - 011

1.2K 21 10
                                    

011

Nagbihis ako sa kwarto ko. nung makapagsuot na ako ng tshirt, nakarinig ako ng malakas na irit ni ericka. napakunot noo ako nun. pinakiramdaman ko kung anong nangyari. Hanggang sa mawala din naman yung irit at tumahimik nadin ang paligid. Wala lang. Di ko nalang pinansin.

Naghanap ako ng short na pambaba sa drawer. naghalungkat ako kaya medyo natagalan akong makapagpalit.

Buamaba ako sa sala at pagkita ko sa sofa, si ketek na ang nakaupo.

"HUY!" sigaw ko sa kanya. nagmadali akong pumunta ng sofa. Nakita ko si ericka, nakahiga, pinapaypayan ni ketek.

"anong nangyari?" tanong ko. "alis ka nga dyan ketek ako na magpapaypay."

pinaypayan ko si ericka habang nagpapaliwanag ng utal utal si ketek. "d..dj, kasi.. nagulat ko yata sya.. ka..kaya ayun... d.di ko alam kung bakit sya nakatulog."

"huh? di kita maintindihan ketek."

"kath ang pangalan ko DJ..."

"wala akong pakialam. dyan ka lang umupo ka dyan, hintayin natin magising si ericka."

matagal tagal din akong nagpaypay. hanggang sa naisipan kong kumuha ng amonia. tinapat ko yung bulak na may amonia sa ilong ni ericka. at yun, nahimasmasan sya. 

"Babe! babe! may maligno .. yung... yu..yung.. " lumingon lingon sya sa paligid. hindi ko maintindihan ang sinasabi nyang maligno daw.

"SYA! may kasama syang maligno! babe! she's evil!"

Tinuro nya si ketek. nagulat si ketek. Nagulat din ako. Maligno? di naman mukhang maligno si ketek. mukang engot lang pero maligno... malayo.

"huh? walang maligno dito ericka."

"DJ! believe me! she's... she's with a spirit or something!! nakita ko! I saw someone is with her!! kaluluwa! multo!! maligno!!! please babe, believe me!"

"hahahaha ewan ko sayo ericka, pupunta lang ako ng kusina ikukuha kita ng tubig ha."

tinignan ko si ketek bago ako pumunta ng kusina. poker face sya. tss.. maligno? si ketek? ... bakit kaya nasabi ni ericka yun.

___

pagkabalik ko sa sala, galing kusina, nakita ko si ericka hawak hawak si ketek sa braso. nakita ko sa mukha ni ketek na nasasaktan na sya.

"ERICKA!"

pilit kong tinatanggal ang braso ni ketek sa pagkakahawak ni ericka. ano bang nangyayari sa kanya?!

"bitawan mo ako! DJ! believe me! this girl is an evil! palayasin mo sya dito!"

"Ericka!? pwede ba!" 

hindi ko sinasadyang maitulak si ericka sa sofa. hawak hawak ko padin yung braso ni ketek. and guess what... my heart is accelerating its beat.. parang nagslowmo ang paligid nang mapatingin ako kay ketek.

Weird.

Binitawan ko na si ketek. nagsabi nalang ako ng sorry.

"ketek, pagpasensyahan mo na."

"Babe?! pagpasensyahan?!! bakit hindi kaba nanniniwala sa akin?!! i'm telling the truth!"

napabuntong hininga nalang ako. napakamot ulo. "ericka please. stop it. hindi maligno si ketek okay?!"

"pero... pero nakita ko..."

"sige na ketek iwan mo na kami dito ni ericka."

tinabihan ko si ericka sa sofa. mukhang may pinanghuhugutan mga sinasabi nya pero hindi ko padin magawang paniwalaan. Nanibago lang siguro si ericka na may ibang tao dito sa bahay namin.

Niyakap ko nalang si ericka.

"shh.. sssh... babe.. tama na... walang maligno dito." sabi ko nalang sa kanya. umiiyak na kasi sya. hindi ko alam kung bakit. ngayon ko lang sya nakitang ganito.

"you want to go to the mall?" niyaya ko nalang sya magmall. mukhang mall tong babaeng to e. mahilig magshopping. tumango lang sya. 

pinunasan ko mga luha nya. "wag ka na uli iiyak babe ha?" sabi ko nalang. and i kissed her forehead.

"let's go."

sumakay uli kami ng kotse ko. ayun, layas ulit ng bahay. haaay. sa halip na nasa bahay nalang kami eh, mapapagastos pa tuloy uli sa mall. ano ba kasing kalokohan ginawa ni ketek. nako.

___

sa kotse, hindi padin makamove on si ericka sa nakita 'daw' nya.

"there's a white lady inside your house babe. I saw it! she's with that maid."

napatawa nalang ako. white lady? uso paba yun?

"babe naman.. akala ko tapos na yan? hindi namin maid si kath. she's... she's a family."

"but i saw it! w..waai,,wait. she's your sister? you have a sister?!"

"no? a basta mahirap ipaliwanag."

"bastaaa!!! kailangan nyong ipabless ulit bahay nyo babe. it's creepy there."

hanggang sa mapagod nalang kakadada si ericka. nakatulog na sya at napasandal sa bintana. nakarating na kami ng mall kaya hinalikan ko sya sa pisngi

"babe nandito na tayo sa mall. gising kana dyan." 

nagising sya. nakangiti na. mukhang nakalimutan na nya yung maligno maligno kanina. hehe!

When Angels Fall - FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon