When Angels Fall - 010

1.3K 23 12
                                    

010

Apat na araw na ang nakalipas matapos magpakita sa akin si Sarah at Michael. Si DJ.. Umaalis sya araw araw. Eksaktong alas siete ng umaga kung sya’y umalis ng bahay. Pumapasok siya sa tinatawag nilang Highschool.

Ako.. nakaupo lang ako sa silid panooran.. nanonood sa isang kahon. Nasubaybayan ko na ang dramang pangumaga na napanood ko simula nang makatungtong ako rito sa lupa.

“bakit malungkot ka kath?”

Nakaupo sa aking tabihan si Sarah at Michael. Nanonood rin.

“hindi ko alam sarah. Nalulungkot ako sa palabas."

“bakit ako walang maramdaman?” tanong ni Michael.

syempre. Tao kaba??!” sagot sa kanya ni Sarah. Mataray talaga si Sarah kahit kalian. Ahihi!

“wag na nga kayong magulo dalawa.. huhuhu T___T simula nung maging tao ako kung anu ano nang mga nararamdaman ko sa aking katawan.. pandidiri… kabog ng dibdib .. at ang pagkalungkot ng dahil sa palabas..”

Patuloy ang pagpunas ko sa aking luha nang biglang maglaho si sarah at Michael sa aking tabihan..

“sarah? .. Michael?..”

“Hoy kath! Maglinis ka sa garden.” Ahh.. kaya pala. Dumating pala si yaya. Kahapon ay naglinis ako ng kusina pagkat sabi ni yaya.

Ngayo’y garden naman ang aking lilinisan. Ayos lang. Sanay naman akong maglinis. Sa langit taga linis din kami ng hangin ^^

Bago ako magpunta ng hardin ay nagtanong muna ako kay yaya.

“nasaan na po si mommy?”

“pumunta na si mam cecil sa office nya baket?!”

“ah wala lang po yaya sige po punta na po ako ng hardin :)”

“ang sungit sungit naman ng yaya na yun kath!”

“oonga tama si sarah. Dapat dyan pinapatamaan sa kidlat!”

“hihihihihi. Hayaan nyo na. :) Mabuti din yang si yaya, ayaw nya lamang sa akin ipakita. Tulungan nyo naman ako maglinis ng hardin oh.” Mabuti na lamang at hindi ako nagiisa. Makakatulong ko si sarah at michael sa paglilinis ^^

___

DJ’s POV

Martes na nang makapasok ako sa school. Next week, sa kaparehong araw, JS promenade na. Sa totoo lang, ayoko talagang umattend. Pinilit lang ako ni Ericka. Nagkaroon pa tuloy ako ng intermission number. Nakakainis.

Si Ericka, Girlfriend ko.

Girlfriend nga ba? O amo? Kung utus utusan kasi ako akala mo kung sino. Pero bakit ako sumusunod? Tss.. ewan ko din eh. Gusto ko sya kasi. Pero mahal? ..

Ewan.. Siguro.. Baka.

Friday. Last day ng pasukan. As usual, hatid sundo ko si Ericka. Sabi ng iba, swerte daw ako sa kanya. Maganda.. Maputi, matalino.. mayaman. Wala na daw mahihiling pa. Pero ako.. gusto ko magkaron ng mabait na girlfriend. Kahit hindi maganda okay lang. Kahit hindi mayaman.. kahit bobo. Basta hindi yung salbahe.

“babe saan tayo ngayon?”

Nakasakay na kami sa kotse ko. Nagising ako sa katotohanan. Kasama ko nga pala si Ericka ngayon. Paano nga kaya kung ibreak ko sya? Wag.

Wag muna.

Saka na lang. Kapag sigurado na akong may ipapalit. Hahahaha. Eh! Ewan ko. Bahala na lang. Matututunan ko rin naman sigurong mas magustuhan si Ericka. She’s not that bad. Idk..

“di ka pa ba uuwi?” sabi ko sa kanya.

“nope! What about… punta tayo ng bahay nyo, miss ko nadin si tita cecil. It’s been a while nung nakapunta ako sa inyo diba?”

“ganon? O sige.. sabi mo eh. You’re the boss.”

Dumiretso kami ng bahay. Just a 10minute drive galing school. “dito ka muna sa sala.” Sabi ko sa kanya nung makapasok na kami.

“aakyat na muna ako. Magbibihis lang. ok? Dyan ka lang!”

“okay babe :)” sabi ni Ericka.

When Angels Fall - FinishedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin