When Angels Fall - 030

786 8 2
                                    

Chapter 030

"Bakit tuwang tuwa ka DJ?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Alfred sa harapan ko. "Heto tshirt mo, kung saan saan ko lang nadampot." inabot sa akin ni Alfred ang T-shirt ko. Pinagpag ko iyon at isinuot. Habang nagttshirt, naupo sa tabi ko si Alfred.

"Nakita ko kayo ni Kath kanina na naguusap. Pare matanong ko lang, kapatid lang naman turing mo kay Kath diba? Diba?"

sumagot agad ako pagkatapos ko magdamit. "Oo naman, bakit Alfred? Ikaw ba? Gusto mo ba ligawan kapatid ko?" matigas ang pagkakasabi ko non. Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay siyang sumagot. Napangiti siya at napatingin sa buhangin. Nakahawak ang mga kamay nya sa inuupuan namin. Napailing sya sandali at tumingin na sa akin.

"Pwede ba akong manligaw? papayag kaba na ligawan ko siya?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya ngayon. Mula nung tumuntong ako ng elementary, naging best friend ko na itong mokong na ito. At sa haba ng panahon na kakilala ko siya, ngayon lang uminit ang dugo ko sa kanya ng ganito.

Lumihis ako ng tingin. 'di na ako sumagot.

tumahimik sandali ang paligid naming dalawa. Kung ako lang nandito sa lugar na ito, baka kanina ko pa siya nasapak sa mukha.

"Hi Kath." maya maya, dumating na si Kath. Binati siya ni Alfred. Napatingin naman din ako sa kanya. "Bakit antagal tagal mo?! sabi mo 'di mo ako iiwanan mag-isa rito?!" pasigaw kong sabi. Tumayo ako at hinawakan siya sa braso at naglakad palayo sa Alfred na yun.

"Bakit ba DJ? uy, saan tayo pupunta? DJ?.." dumire-diretso lang ako ng lakad habang si kath naman, panay tanong padin. Huminto nalang ako nung huminto nadin siya sa kakadakdak.

Binitawan ko ang braso niya. Nasa likod ko siya mga isang hakbang palayo. Nakatalikod ako sa kanya. Kinakabahan. Namamawis ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Nakakainis na talaga.

"DJ ano bang problema? nagalit kaba kasi antagal ko dumating? Sinamahan ka naman ni Alfred ah. Sorry na. Gusto mo nguso uli tayo?" Parang tanga talaga ang ketek na ito eh. Alam niya ba mga sinasabi niya? Nakakabwisit!

Humarap ako sa kanya. Nakasalubong ang dalawang kilay ko. Nakakunot noo ako na parang gusto ko nang sumabog.

"Ugh!" sabi ko. Naiinis ako!

"uy DJ?" hinawakan ni Kath ang dalawang pisngi ko ng mga kamay niyang malamig padin hanggang ngayon. Tinignan niya ako sa dalawa kong mata. Nakatitig kami sa mga mata ng bawat isa. 

"Nguso?" sabi niya. Ngumuso siya na parang ewan. p*tcha. GUSTONG GUSTO KO SIYANG HALIKAN! nakakabwisit lang bakit di ko kayang gawin?!

Kath's POV

Nagiging weirdo ngayon si DJ.. Una, tinatawag na niya akong kath. Pagkatapos ngayon namang makakapagbakasyon kaming magkasama, parang may tinatago siya sa akin na ewan. Nagtatanong siya ngayon tungkol sa langit... mga bagay na dati di nya naman tinatanong. Pagkatapos, pagkagaling ko mula sa dagat, bigla nalang niya akong sisigawan sa harap ng kaibigan niya. Ang gulo gulo niya.

May tawag silang mga tao dun e... Ah alam ko na, moody. Napakamoody niyang talaga.

Hinila ako palayo ni DJ kaya di ko na nagawang kausapin si Alfred. Tanong ako ng tanong ng mga bagay na hindi naman niya magawang sagutin habang naglalakad hanggang sa napagod ako kakatanong kaya hinayaan ko nalang siya dalhin ako kung saan niya ako gustong dalhin. 

Ano nanaman kayang problema ni DJ ngayon? Ngumuso ako para patawanin siya pero hindi epektibo ito. Nakakunot padin ang noo niya. Hay. Hinawakan ko ang mga pisngi niya habang nakanguso parin. Hinihintay ko siyang tumawa, pero lalo ko pa yata siyang napainis. 

Binitawan ko na siya. Napabuntong hininga na lamang ako at niyakap siya.

"Sorry na po." sabi ko. Madilim na ang paligid at ang tanging naroroon na lamang ay mga puno at buhangin. Hindi ko na nasisilayan ang dagat mula sa aming kinatatayuan. Wala ring taong nagdadaan, kaming dalawa lamang at mga bituin sa kalangitan.

"Ang lakas ng tibok ng iyong puso DJ." naririnig ko mula sa kanyang dibdib ang pagtibok ng kanyang dibdib. Kakaiba. Kagaya ng naramdaman ko dati sa kanya.

Nang ako'y umalis sa pagkakayakap sa kanya, bigla na lamang akong nahilo at nabagsak sa buhanginan. Nanlalabo ang aking mga mata at ang ulo ko'y sobrang sumakit. Napasigaw ako sa sakit at di ko na alam ang mga sumunod pang nangyari.

Nang ako'y makamulat muli, nakita ko nalamang ang aking sarili na nasa isang silid. Nagbabantay sa akin si Sharlene. Nakatalikod siya at nagtutupi ng mga damit na kanyang inilabas mula sa kanyang bag.

Sa dakong kaliwa ko naman, naroon si Jerry. Nakamasid lang. "Jerry?" aking sambit. Tumayo ako ngunit hindi ko pa kaya ang aking katawan. Nanghihina akong talaga.

"Uy kath gising ka na pala. Kamusta pakiramdam mo?" napalingon sa akin si Sharlene. Si Jerry, naroroon parin pero ako lang ang nakakakita sa kanya.

"Uhm, nanghihina parin ako. Ano bang nangyari? Tsaka, ano itong nasa aking noo?" kinapa ko ang aking noo na may nakalagay na malamig na bagay.

"Cool fever yan." ngumiti si Sharlene at tinanggal na ang nasa noo ko. "Nahimatay ka kanina. Nilagyan ka nito kasi sumobrang init mo daw." Kinapa ni Sharlene ang aking leeg at pati na noo.

"Naku, bakit ngayon ang lamig mo naman?!" natawa ako ng bahagya sa kanyang reaksyon. "Ganun talaga ako Sharlene." Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga at sya'y binulungan.

"Anghel ako. Wagkang maingay ha." napatingin sa akin si Sharlene matapos kong umamin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tawa niya matapos ko siyang bulungan.

"Haynako kath, nakakatawa ka talaga. No wonder gustong gusto ka ni Alfred." tawa padin siya ng tawa. Tinuloy niya ang mga ginagawa niya kanina. Pagkatapos, binulungan naman ako ni Jerry nang nakatalikod nang muli si Sharlene.

"Malapit kana maging totoong tao Kath." sabi niya. Ngumiti ng malaki ang aking labi. Anong sabi niya? Malapit na daw akong maging totoong tao? Makakasama ko nang tuluyan si DJ?!

nang aking ibubuka ang aking bibig para sumagot, bigla namang naglaho si Jerry. Tapos nun ay nagpaalam naman si Sharlene na aalis sandali. Ako na lamang mag-isa sa silid na yun. 

Napabuntong hininga ako at nasabi ko nalang..

"Thankyou Papa! gagawin mo na akong tunay na tao! Yiie!"

At akin muling ipinikit ang aking mga mata. Sabik na sabik ako na tuluyan nang manirahan sa mundong ito. Walang Jerry na nagpapakita, walang mga alaalang panlangit. Hay saya!

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now