When Angels Fall - 012

1.1K 23 14
                                    

012

Cafe ang una naming pinuntahan ni Ericka. Niyaya ko sya sa starbucks para mahimasmasan sya. Baka kapag nakainom sya ng mahal na kape e matigilan sya sa sinasabi nyang kung anuano.

"You know DJ.. siguro guni guni ko lang yung kanina." sabi ni ecka sakin habang sumisipsip sya sa straw.  Tinitigan ko sya. Ang ganda nya palang talaga. Pero bakit ganon... Hindi ko maramdaman ang kabog. My heart is not accelerating its beat. Bakit? o.O

"sabi ko naman sayo babe eh. hehe!"

"But DJ, sino yung babaeng yun?"

"sino? si kath? naaalala mo ba yung last time na may pinalayas akong baliw sa tapat ng bahay namin?"

"Huh? 'di ko maalala.."

"sya.. yung baliw... yung nakahiga sa tapat ng gate namin... yung baliw??"

"Oh... 'di ko talaga maalala eh. Sya yun? Bakit nasa bahay nyo? Nako DJ ha.. baka masamang tao yan. Budol budol or something."

natawa nalang ako. 'di na ako kumibo.

Noong una, oo, akala ko nga budol budol o kung anu paman si kath. este ketek. Pero.. ewan ko.. matagal tagal nadin kaming walang kasama ni mommy sa bahay.

Puro katulong, ako at si mommy lang ang laman ng malaking bahay namin. Malungkot... pero nung dumating si ketek, parang 'medyo' nagkabuhay yun. Meron na kasi akong ibang nakikitang tao bukod kay yaya at sa iba pang katulong don. Meron na akong naaasar at kung minsan, nakakausap na ibang tao.

"diba DJ?" ..

..

"ha?"

nawala pala ako sa sarili.

"Sabi ko, pwede nyo naman syang palayasin diba?"

"Si.. sino? .."

"The crazy slash impakta girl?"

"NO?"

"Why not?"

"basta lang.. magagalit si mommy."

Napabuntong hininga lang si Ecka. "ok" sabi nya. ako, nilalaro ko lang yung kapeng inorder ko. Tinatamad na ako. mas gusto ko pang matulog.

"anyway babe, may isusuot ka naba sa prom?"

"ha?.. oo."

"ako din!!! i'm sure magiging prom queen and king tayo! How about your intermission number, napractice mo naba?"

"Kahit di naman tayo mapili ok lang sakin. Yung kanta ko, oo okay na."

"Very good babe! ano kaba dapat tayong dalawa ang maging queen and king okay?!"

"Tss.."

--

Nilibot lang namin ang mall pagkatapos magkape. Pagkatapos nun umuwi nadin kami. Si ericka hinatid ko sa bahay nila. Mukhang nakalimutan na nya kahit papano yung nangyari kanina. Ako.. di ko padin makalimutan. Sabi ni ketek... anghel sya.. anghel na bumaba sa lupa. pwede ba yun?

Baka naman nag-anyong anghel si ketek nung nakita sya ni ericka di kaya? Maniniwala naba akong anghel si ketek? Pero pano? 

ano mangyayari kung anghel nga sya? Bakit sya nandito? ..

*beeep* *beeep*

ipinark ko na ang kotse ko sa garahe. Bago ako makapasok ng bahay, rinig ko na agad ang ngalngal ng isang ketek. Ano nanaman kayang problema nya.

Pumasok ako sa sala. Nakita ko sya umiiyak. Nanonood ng Mara Clara. Ayos ha. Ngalngal ng ngalngal. Binatukan ko sya.

"HUY!"

tumingin sya sa akin. ngumangalngal padin.. Hahahahahaha.

"haha! mukha kang engot ketek"

"nakakaiyak kasi DJ eh..."

my heart is accelerating its beat...

Napalunok laway ako.  Hindi ko maintindihan. Nakakainis na to. Sobra. Nakakainis na ang pagaccelerate ng tibok ng puso ko. 

Pinunasan ko luha nya na natitira sa mga mata nya. at napangiti sa sobrang pagkaaaliw ko sa kanya. tapos nun, naglakad na ako papuntang hagdan.

"sige iyak ka lang dyan. akyat nako sa kwarto ko."

"samahan mo ako manood dito pagkatapos mo umakyat ha.."

tumango lang ako at umakyat na ng hagdan. napatigil ako saglit para sulyapan siya ng huling sulyap. Nakakatawa hahahaha. Iyak padin sya ng iyak.

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now