When Angels Fall - 003

1.6K 34 11
                                    

003

Sindikato? Ako? Disente ang aking pananamit. Sya ang mukhang sindikato. Napaka init ng itim na itim nyang kasuotan. Hindi ko maintindihan kung sino ba ang ginagaya nya, si kamatayan o ang pinunong demonyo.

“Hindi ako sindikato no!? Anghel ako. Anghel!”

Mukhang hindi padin naniniwala si DJ sa akin.

“Tss… Magsama kayo ni Mommy! Pareho kayong may ketek. Dyan na nga kayo.”

Umalis na si DJ at muli, kami nalang ulit ni Mommy sa isang silid.

“Hayaan mo na yang si DJ, hindi sya naniniwalang anghel tayong dalawa. Wahahwahaha :D”

Natawa na rin ako sa tawa ni mommy. Ahihihihi. Oonga. Bahala na nga si DJ na yun. Hihihihi. Ang gaan naman sa pakiramdam. May isang taong kagaya ni Mommy ang kumupkop sa akin. Ang saya! Thankyou Papa! Dito mo ako inihulog! Ahihihihihi!

--

DJ’s POV

Badtrip ang araw ngayon dahil bukod sa badtrip na nga ako kay Ericka, sumalubong pa sa akin ang isang baliw sa bahay. Ewan ko nga ba sa nanay kong may ketek din.. Pinatuloy yung babaeng baliw dito. BWISIT!

Lumayo ako sa kanila. Umakyat sa kwarto at nagpraktis ng kakantahin ko sa prom. Kinuha ko gitara ko at isinaksak sa amplifier.

♪ ♫ Nasa 'yo na ang lahat

Minamahal kita 'pagkat

Nasa 'yo na ang lahat

Pati ang puso ko... ♪ ♫

 Sarap talaga tumugtog kahit kalian…

♪ Oh Oh Oh Ohh Ohhh

Na-nasa 'yo na ang lahat ♫

Maya maya pa may narinig akong pumapalakpak sa likod ko.

“napaka galling mo palang umawit DJ!”

Nagulat ako. Halos maihagis ko na yung  gitara ko sa sobrang pagkagulat sa kabuteng sumulpot sa harap ko. Badtrip talaga@!!@

“Bakit ganyan kaba magsalita? Galing kaba sa langit o sa panahon nina Jose Rizal? Tsss.. BADTRIP!”

Tinanggal ko na yung gitara sa pagkakasaksak sa amplifier. Hindi ko alam, pero naiinis talaga ako sa babaeng ito. Bakit ba kasi…. NAKOOO!

“Ito naman! Napaka sungit! Gusto ko lamang makipagkaibigan sayo. Atsaka, isa pa hindi naman ganoon kalalim ang aking pananalita, marunong din naman ako ng kaunting ingles gaya ng yes… okay.. clo…-“

“Tsss. Wala akong pakialam miss! Umalis ka nga dito!”

Hinawakan ko sya sa braso nya at pinaalis sa kwarto ko. Bakit nga ba hindi ko sinarado ang kwarto kanina pa? kung sinusinong “may ketek” tuloy ang nakakapasok.

**ding ding ding**

1 message received

Ericka Babes: Babe, I’m So sorry.. nainis lang kasi ako kanina, di mo kasi ako pinagbuksan ng pinto nung baba2 na ako ng car m. Sorry talaga. Peace? :)

Tss… ambabaw talaga ng mga babae. Palagi nalang kami ganito ni Ericka. Nakakasawa na.

Hindi ko sya nireplayan, imbis, iniwan ko yung cellphone ko sa bahay at pinuntahan sina Alfred para yayaing gumimik sa bar. Nang mawala wala naman pagkabadtrip ko.

--

“Alfred, tara gumimik!”

Nagpaalam lang saglit si Alfred kina tita violy at ayun, gumimik na kami, niyaya din namin ang ibang tropa.

--

♫I’m… too sexy for my love.. too sexy for my love. ♪ ♫

Wooo!!! Sarap uminom!! At magsayaw at manuod ng mga bebot!

“Pare, DJ, may problema ba?” tanong sakin ni Alfred.

Umiling lang ako , “Wala pare! Wooo!!”

Pagkatapos nun… di ko na alam ang mga sunod na nangyari…

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now