When Angels Fall - 037

584 10 2
                                    

Chapter 037

Malayo layo ang Room R121 sa Parking lot kaya matagal tagal kaming naglakad ng babaeng mukhang bagong salta lang dito sa Manila. "Probinsyana ka?" bigla kong tanong sa kanya. Napahagikhik sya. Hihihi. Hagikhik ng bruha. Hihihi? Yuck.

"Bakit ka natawa?" tanong ko uli sa kanya. Huminto siya sa paglalakad. Inabot nya kanang kamay nya sa akin na para bang makikipagshakehands. "Katherine." sabi niya habang nakangiti sa akin. Hinihintay akong makipagkamay sa kanya. Nakasimangot lang ang mukha ko. Siya, tatawa tawa padin. nakakaloko. Parang may ketek lang e.

"Ako si Katherine. I studied gradeschool dito sa Pinas then sa states naman mula junior highschool ako. I don't know if that's what you mean by 'probinsyana', if so, then probably probinsyana nga ako." Malaki padin ang ngiti nya sa mukha. Binaba niya na ang kamay nya dahil di naman ako nakipag kamay sa kanya. Papalakad na siya uli nang biglang humangin ng malakas. Nilipad ang buhok nyang almond brown ang kulay. "Siguro may angel na dumaan." humahagikhik siya habang sinasabi yun. Ang weird. Pakiramdam ko, nangyari na ito noon. Deja vu?

"Uy kuya bakit ayaw mo pa maglakad?" lumingon siya sa akin. Nagiisip padin kasi ako kung kailan ba ito nangyari. Bakit ganun?

Naglakad na ako at bigla akong nagtanong sa kanya ng isang bagay na sobrang weird itanong sa isang taong bagong kilala mo palang. "Sa tingin mo ba, itong buhay natin ngayon, I mean, yung araw ngayon, tingin mo ba, ito talaga yung araw na dapat nating isinasabuhay?"

Naglalakad padin kami. Napatingin siya sa akin. "Ha?" at tumawa siya ng nakakaloko nanamang tawa.

"Hindi kita maintindihan." sabi niya. "Ibig kong sabihin, tingin mo ba, uhm, paano ba ito..." nagiisip padin ako habang naglalakad padin. Napakalayo talaga ng building hinihingal na ako.

"Let me rephrase it for you, hmm, are you asking me out?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang yun. Grabeng kakapalan ng mukha naman ito. Asking her out? Tssss! dapat pala di nalang ako nagtanong ng ganung tanong. 

"Hindi no! Kapal mo naman!" sabi ko. tumawa ng malakas yung babae. "matagal paba tayo maglalakad?" tanong niya. Hindi na ako kumibo. Lumiko ako sa kaliwa. Medyo natatanaw ko na ang building. Hay salamat.

"Joke lang kuya. Ikaw ano bang pangalan mo?" Kinukulit niya ako ng kinukulit sa pangalan ko pero di parin ako kumikibo. Parang may ketek talaga ang babaeng ito. Nakakainis!

"Aha!" sabi niya. Nakuha niya ang ID ko sa bag. Tsk!

"Hoy! Akin na yan!" 

"Daniel John?" sabi niya habang nakakunot noo. nagtaka ako sa reasksyon niya sa pangalan ko. Bakit kaya ganun siya makareak? "Bakit? may problema ka sa pangalan ko??" sabi ko sa kanya. Nakuha ko na ang ID ko at isinuot na yun.

"Wala naman. Pangalan lang kasi ng isa sa mga koleksyon ko Daniel John e." sabi niya at tumawa ng malakas. Tsss. Ketek.

"Nandito na ba tayo?" tanong niya nung pumasok kami sa building. Nasa second floor ang room namin. Sana, hindi pa kami late.

Hindi ko siya iniimik hanggang sa makarating kami sa room. "Dito na." sabi ko lang at nauna na akong pumasok. Agad akong umupo sa inupuan ko kahapon. At siya, ayun, parang may kiriring sa ulo. Umupo sa tabi ko. Nakakainis. 

"bakit ba parang iritang irita ka sa akin? You know what, I like boys who hate me." sabi niya habang nakasmirk. Haynako. Ganyan ba mga babae sa states? Masyadong bulgar. Urgh

naglabas na siya ng notebook at ballpen galing sa bag niya. Puro may print ng angel ang mga gamit niya. Mahilig ba siya sa angels? Bukod dun, napansin ko din ang malaking peklat niya sa kaliwang kamay. Napansin niya ako, na nakatingin.

"Laki no?" sabi niya bigla.

"Nakuha ko to nung nabangga kotse ko sa states. Ayun, half alive nga ako nun e. Meaning, halos mamatay na. Buti nalang magaling guardian angel ko, nailigtas ako kay kamatayan. Oha?!" 

para siyang baliw sa mga pinagsasasabi niyang yun. Hindi na ako umimik kasi may prof na na dumating. Ang weird nya talaga. Kahit sa pagpapakilala sa harap ng klase, ang weird ng mga pinagsasasabi niya. Ganun ba kapag nakakaexperience ng near to death experience? Nababaliw? LOL!

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now