When Angels Fall - 021

1K 16 5
                                    

021

Konting lakad galing canteen nakarating nadin kami ng lounge. Napakunot noo ako nung makita kong wala naman kahit isang tao ang nasa lounge. Ano ba? akala ko ba sa lounge?

"DJ, bakit parang wala namang tao dito." badtrip naman si ketek. Nagsalita pa.

"Tss! tumahimik ka nga dyan ketek." napakamot ulo ako at agad na dinial ang number ni Alfred. Pero walanjutay. Out of coverage area. Putakte talaga!

Napaupo nalang ako sa isa sa mga upuang kahoy na nandon. Napabuntong hininga. Badtrip na araw. May balat ata sa kung saan si Ketek at ganito kamalas ang nangyari sa'kin.

"Uy DJ?"

Happy Birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday Happy birthday...

"DJ oh," 

di ako tinigilan ni ketek sa kakakalabit niya sa braso ko hanggang sa mapatingin ako sa likod ko na kumakanta ng happy birthday na wala naman sa tono. Si Alfred may dalang cake. Lahat sila ng mga kaklase ko. Kaya pala. Mga adik talaga tong mga to.

"Pare naman akala ko talaga ginoogoodtime mo lang ako. Loko ka talaga!" natatawang sabi ko kay Alfred. Tumayo ako at humarap sa kanilang lahat. Nakisali yung adviser namin sa pagkanta ng happy birthday. LOL

"Wish na pare! wooo!" loko talaga ni Alfred. Nagwish ako. Wish ko sana long life. Happy life naming pamilya.

Nagsigawan na ang lahat pagkatapos ng pag-ihip ko ng kandila. "teka akala ko ba photoshoot ngayon?" sabi ko pero parang wala namang nakarinig sa akin.

Napatingin ako kay ketek. Nakaupo lang sa isang tabi. Natabunan ng mga kaklase kong nakapaligid sakin. Paglingon ko uli sa harap nagulat ako nung lagyan ako ng icing ni Alfred sa mukha. hanggang sa nagsunod sunod na ang paglalagay ng icing nila. hanggang sa naghabulan na ang lahat. at di na nakain ang cake dahil pinampahid lang.

Nung mga oras na yun, di ko na nakita si ketek. Nako lagot saan kaya nagpunta yun.

Tumakbo ako para makatakas sa naghaharutang mga kaklase ko. "Wuy DJ! san ka pupunta?!" binato ako ni Alfred ng isang slice ng cake sa likod pero di ko naman naramdaman na tumama yun sakin.

Lumingon lang ako at tumawa kay Alfred tapos agad akong nagpunta ng banyo. Loko talaga ang mga yun. 

Akala ko talaga photoshoot ngayon. Lintek naisahan ako. 

Nagsalamin ako at nagpunas at naghugas ng mukha, braso at buhok. Badtrip talaga. Pero natawa nadin ako nung naalala ko yung punasan ng icing na naganap. Hahaha. Ayos ah. Buti sila tanda pa nila birthday ko. 

Pero si teka, si ketek, nasan na kaya.

Agad akong lumabas ng banyo pero pagkalabas ko sumalubong sakin ang isang slice ng cake na puro icing. Sapul ako sa mukha. "Hahahahahahaha!" babae yung tumatawa. 

Tinanggal ko muna yung cake sa pagmumukha ko. Nakita ko si..

SI KETEK! PUTAKTE KA KATEK HUMANDA KA SAKEN!!!

Hinabol ko si ketek para gantihan. "wohooo! DJ! habol pa habol pa! hahahahaha!" baliw talaga ng babaeng yun. Ibang iba na sya sa nakilala kong ketek. Iba. Hindi na boring.

Lahat kami patuloy parin sa paghahabulan hanggang sa makita kami ni Mr. Kutkot. Este nung principal namin. Nako lagot.

"BAKIT KAYO NAGKAKALAT SA LOUNGE?!" patay. nakapamewang yung bakla este yung principal namin sa sobrang galit.

Nagprisinta si Alfred na unang magsalita, yung ibang kaklase ko naman, nagsitakbuhan. mga duwag. Natira lang dun, ako, si tofer, ketek, alfred, mr kutkot, jennifer at Lucy. Nakakainis. KJ talaga tong baklang to. Buti pa yung adviser namin, wala lang, hinayaan lang kami dito. kaya lang, wala sya ngayon para magpaliwanag. umalis agad pagkatapos ko magihip ng kandila kanina eh.

"eh kasi sir, ako po may kasalanan. ako ho nagpla....-"

"di ho sir, ako po talaga birthday ko po kasi. kaya eto, pasensya na sir lilinisin ko na lang." ginawa ito ng mga kaklase ko para isurpresa ako. Kaya di ko naman dapat hayaan na maparusahan sila ng dahil sa akin.

"Ganun ba." sabi ni mister prinsipal. Haynako.

"Wala akong ibang makikitang maglilinis dyan hanggang sa maguwian kundi ikaw lang Mr. Perez. Understood?" Sabi sakin nung bakla.

"Oho." sabi ko nalang.

"pero teka sir tutulungan na namin siya. tska ho sir, birthday ni DJ o!" sabi ni Alfred. Naki oonga naman yung ibang kaklase kong natitira. "kami nalang maglilinis sir. tutulungan namin si birthday boy." sabi ni tofer conyo. trying hard magtagalog grabe

"Bahala kayo basta in the afternoon linis na lahat ng yan." sabay walk out ng bakla. Inambahan ni Alfred si principal pagkatalikod. Hahahaha. Loko talaga.

"tara na magumpisa maglinis!" Ngiting wagas si ketek. SI Alfred yung sumagot sa sinabi niya. "Sige kath tara!" sabi ni Alfred. Ako, nagumpisa munang bumalik ng banyo at nagpunas nanaman at naghugas ng mga nalagyan ng icing. lagkit na tuloy ng pakiramdam ko eh.

Pagkabalik ko sa lounge, nakita kong halakhak ng halakhak si kath kausap si Alfred. Ay mali. Ketek. Ketek pangalan niya. ketek!

"may sinasabi ka DJ?" sabi sakin ni Lucy. Si lucy, halos kababata ko na rin. Classmate ko simula kinder. iba section nya nung elementary pero parehas kami ng school. At ngayong 4thyear, ngayon lang uli kami naging magkaklase.

May salamin sa mata si Lucy. Maputi at makinis ang balat. Medyo singkit, manipis lang ang kilay. Pink ang lips, siguro dahil sa lipstick, at, hanggang tenga ko lang ang height nya.

"wala wala." nginitian ko lang si Lucy. Panay tingin ko padin dun sa dalawang maingay kung magtawanan. Bwisit.

"Happy birthday uli DJ." nagsalita uli si Lucy. Pero di na ako nakasagot naiirita kasi ako sa bagong tawa ni ketek. Mas nakakabwisit pala yung malakas na pagtawa niya kesa dun sa 'hihihi' niya dati. Badtrip lang.

"uhm, DJ?" lumingon ako kay lucy.

"Uh.. ah, lucy. salamat ha!" sabi ko nalang. panay padin ako sa pagpupulot ng kalat. 

"Sino ba yung kausap ni Alfred?" tanong ni Lucy sa akin. "Uhm, ha? siya ba? wala yun." sabi ko. nabubwisit na kasi talaga ako. isa pa, nanlalagkit na ako sa katawan ko.

"Sabi ni Alfred kanina, kapatid mo daw yun. May kapatid ka pala?" 

"Ha? Ah uh, oo. Ampon lang ni mommy."

"Ah talaga.."

"saan ba makakakuha nung pangkuskos sa semento?" iniba ko nalang ang usapan. ayoko pagusapan yung ketek na yun. "doon, kay kuya Roy yung janitor natin, dun sa quarters nila."

"salamat ha."

madali akong nagpunta sa quarters nung mga janitor. hayyy. Happy Birthday to me

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now