When Angels Fall - 035

691 9 0
                                    

Chapter 035

"Anak hindi kanaba maghahapunan? nandito na daddy mo." naalimpungatan ako ng bigla akong gisingin ni mommy. "Aga naman yata ni dad ngayon." bumangon ako at humawak sa braso ni mommy. Sabay kaming bumaba sa kusina at doon, nakita ko na si daddy nagtatanggal ng sapatos nakaupo sa pinakaunang  step ng hagdan.

"Ang aga mo daw sabi ng anak mo." humalik si mommy kay dad. lumingon naman sa akin si daddy. Isang sapatos palang ang natatanggal niya, kaya nakasapatos pa siya ng isa pa sa kaliwang paa niya. Tumayo siya at ngumiti sa akin. Nagbless ako sa kanya, ngumiti din. "Ayaw mo bang maaga ako Daniel?" tanong ni dad. Bumaba nadin ako ng hagdan, umupo na sa harap ng dining table. lumingon ako kay dad, nakapamewang sya, mukhang masakit ang balakang.

"No dad. Gusto ko nga palagi ko kayong kasama. Lalo ngayon..." Hindi ko alam ang feeling na nararamdaman ko pero para bang pakiramdam ko eh napakatagal ko nang hindi nakasama si daddy. Eh halos dalawang araw lang naman kami sa Batanggas? Ang weird talaga ng feeling. 

"Osya.. magbihis kana sa taas Jerry, hihintayin ka namin ni DJ, I cooked something special kaya dapat sabay sabay tayong tatlo okay?" lumapit si dad kay mommy, nagyakap silang dalawa. Lambingan. Natatawa lang ako, napapikit ako dahil sa natitirang antok. Napahikab ako at napansin kong tinanggal na ni dad yung sapatos nya sa left foot.

Tapos nun, tumaas na sya at saglit lang ay bumaba din. Kumain kami ng hapunan. Kwentuhan, typical dinner naming tatlo.

"Someday you'll hold the company son." biglang banggit ni dad nung patayo na ako dahil tapos na akong kumain. "Yes I know. kaya nga about sa business ang course na itetake ko diba. Excuse me po. maglalaro lang ako sa computer sa kwarto ko. If you need me just shout, alam mo na ma."

Nagtawanan kami ni mommy, si dad nakakunot noo. Pumanik na ako sa taas, naglaro ng computer habang nagpapababa ng kinain, tapos nahiga ako after mabored sa game na nilalaro ko.

"Weird." I said out loud. Pakiramdam ko kasi talaga, may ibang nangyari these past few days, or months? I think. Pero bakit ganun?!

I closed my eyes, then ayun, nakatulog din naman agad ako.

***

"HI! ako si sarah patingin nyan!" 

"sarah?" medyo malabo ang paligid. hawak hawak ko ang psp ko nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Sarah daw ang pangalan niya. Babaeng mukhang intsik dahil singkit ang mata, puting puti ang suot nyang bistida. Hindi ko sya kilala.

"Oo. yung Anghel na kasama ni kath dati, remember?!" napakunot noo ako dahil sa mga pinagsasasabi ng babaeng ito. Kath? sino namang kath ang sinasabi nya?

"Anghel? Kath? Alam mo miss hindi kita kilala sorry." tumayo ako at naglakad palayo pero nagulat ako nang biglang nasa harapan ko nang bigla yung babae. Nagulat ako at nanlaki ang mata ko. Kinurot nya ang dalawang pisngi ko. Nakakainis na siya.

"Naging star na ako sa langit." humagikhik yung babae. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero patuloy nya akong sinusundan hanggang sa mapunta ako sa parang park na lugar.

Nakita ko si Alfred may kausap na babae. Nagtatawanan silang dalawa. "Ayun si Kath oh." napalingon ako sa babae. Tapos tumingin uli ako sa dako kung nasaan si Alfred at yung kausap niya. 

"Alfred!" tinawag ko si Alfred pero ang lumingon ay yung babaeng kausap niya. Napasigaw ako dahil walang mukha yung kausap ni Alfred. Sigaw ako ng sigaw at takbo ako ng takbo dahil yung babaeng walang mukha, hinabol ako. 

"DJ.. DJ anak.." hanggang sa marinig ko ang boses ni mommy.

***

"Ma?!" hinihingal akong bumangon sa kama. Nakakatakot ang panaginip ko. Nakalimutan kong magdasal bago matulog, binangungot tuloy ako. Bangungot lang pala. Buti at panaginip lang!

"Umuungol ka anak, what happened?" sabi sakin ni mommy. Humihingal padin ako. Ano naman kayang ibig sabihin ng panaginip kong iyon? Sino yung sarah? yung kausap ni Alfred na walang mukha? Anong ibigsabihin nun?

"Nothing ma. Just, uh, nothing." nahiga ulit ako at pumikit ulit. Nagbuntong hininga at sinubukang matulog uli. "Okay anak. Puntahan mo lang ako sa room namin ng daddy mo whenever you need me." narinig kong pinatay ni mommy ang ilaw at lumabas na ng kwarto ko.

Kath's POV

"Dad?!" I really don't know what happened but when I opened my eyes, I found myself lying on a hospital bed. I saw my whole family staring at me. Si dad, mama, ate shey, kuya joseph..

I can't hardly breathe at sobrang labo ng paningin ko. Medyo masakit ang ulo ko at dibdib. "Katherine! gising kana!" maluha luha ang mata ni mama. Medyo teary-eyed nadin ako. Mula kasi noong 6years old ako, ngayon ko lang uli nakitang buo ang pamilya ko. Ngayon ko lang uli nakitang nagsama si dad at mama. Aside sa family ko, mayroong napakaraming nurses doon at doctors sa paligid.

I tried to speak kaso, mas lalo akong nahihirapan huminga kahit may oxygen mask pang nakakabit sa ilong ko.

"maybe you can talk to her later. She needs to rest for a while. No talking for the next few hours. Just be there on her side, make sure she's still awake. we are going to give her more medicine bla bla bla.." the doctor said a lot of things to both of my parents. I looked at ate and kuya who are both smiling at me. I tried to reach ate's hand.

"W...what.. h-appe..pend?" Hindi na napigilang maluha ni ate habang nakahawak kamay kami sa isa't isa. "I'll tell you later. Just rest katherine. okay? Be strong." she said, tapping my hand with her soft fingers.

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now