When Angels Fall - 024

948 11 0
                                    

024

"Grabe Kuya. Madilim na. Wala parin tayo sa bahay." 

Nagaalala na ako. Baka mapagalitan kami ni mommy. Baka kasi mauna pa siya sa bahay kaysa sa amin. "Uy DJ?... umaandar na oh, " nakita kong umusad na ang kotse sa harap namin pero si DJ ayaw padin iabante bakit kaya?

"PWEDE BA KETEK? Nakikialam ka sakin e. Pwede ka na nga maglakad from here papunta sa bahay eh. Kung gusto mo bumaba ka na at maglakad. Kulit mo din e no?" Nagumpisa na siyang iusad ang kotse.

Napanguso ako at napahalukipkip. Hmp! Bakit ba kasi sinama sama niya ako ngayong araw. Alam ko na, siguro gusto niyang kumain kami sa labas matapos sana ng photoshoot niya kaya lang naudlot kasi nga di naman talaga totoo yung photoshoot plano lang nila Alfred yun para ipagdiwang yung kaarawan niya. Sigurooooo ililibre sana ako ni Kuya DJ ng pizza. o di kaya naman ay ng pritong manok. hihihihi!

Natatawa ako mag-isa dahil sa mga pinagiiisip ko. hihihihi. Tapos bigla namang napatingin si Kuya DJ sakin.

"Huy! mukha kang tanga alam mo yun?" sabi nanaman niya haaay. Lagi nalang akong mukhang tanga sa kanya. Hmp!!!

DJ's POV

Nakakabadtrip na nga yung pakikipaglandian ni ketek kay alfred, nakakabadtrip pa itong traffic. Pagabi na nasa kalye pa kami. Ang lapit lapit lang naman ng bahay. Nakakainis! Itong si ketek paepal pa palagi. Anu bayan. Teka, bakit nga ba ako naiinis kung nakikipaglandian si ketek sa bestfriend ko? Hay ewan!

"Uy Kuya DJ!!!! sobrang lapit na natin sa bahay. Yiiie! buti nalang no?"

Isa pa sa nakakainis ay yung pagtawag niya sa akin ng Kuya. Tsss. Kung alam ko lang, baka mas matanda pa nga siya sakin eh. Baka 100 years na siyang nabubuhay. Mukha lang siyang 17. 

"Sinabi nang wag mo na akong tatawaging Kuya diba?"

Pinatay ko na ang makina ng kotse. Kinuha ang susi at nilagay sa bulsa ko. Nang biglang.... 

Yakapin nanaman ako ni ketek.

my heart is accelerating its........

Tsk! Bakit niya ba ako niyayakap?!

"Ano ba ketek?" pumiglas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Ano bang meron sa kanya ngayong araw? Tss. Heartbeat is accelerating.....

"Hmp. sige na nga hindi na kita tatawaging kuya. hihi! masaya lang kasi ako kasi gusto mo akong ilibre ng pizza o di kaya ng pritong manok."

ANO DAW?! ano bang sinasabi niya? Binuksan ko na ang pinto at bumaba na ng kotse. Binuksan nadin niya ang pinto ng kotse. Wala akong sinabing kahit ano hanggang sa makababa siya ng kotse.

"ano bang sinasabi mo? nakakatawa ka talaga. ketek!" Kahit parang natuto na siya ng mga salitang pantao at nakalimutan niya na ang mga salitang pampanahon pa ni Jose Rizal, eh ganun padin ang utak niya parang musmos. nakakaewan.

"Bakit hindi ba?.." yumuko siya at nagsalita pa. "Akala ko lang kasi kaya mo ako sinama ngayon para icelebrate natin yung kaarawan mo pagkatapos sana ng akala mong photoshoot niyo. Akala ko ililibre mo ako ng pizza o ng pritong manok.... Mali ba ako, DJ?"

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko na naiwasang magpamewang.  

Sa totoo nyan, kaya ko siya sinama ay para maging alalay ko sa photoshoot na akala ko naman ay ngayon talaga gaganapin. Siya sana paghahawakin ko ng bag ko kapag ako na kinukuhanan ng picture. Wala din kasi akong tiwala sa mga kaklase ko since uso ang nakawan sa eskwela namin. At heto, si ketek, akala ililibre ko siya ng fried chicken. LOL

"sige na sige na, halika nga rito." teka ano ba tong... ano ba tong ginagawa ko? ako? yayakap sa kanya? teka...  heart.. teka mali to... beat..

yung heartbeat ko .... bumi..bi

lis

ulit.

"hehe! ikaw ha kuya yayakapin mo din pala ako. Okay lang kung hindi mo naman talaga ako ililibre. Birthday mo naman eh. Happy birthday ha! DJ."

Bumitiw na ako sa pagkakayakap. Ngumiti sa kanya. at... "salamat kath. sige tara pasok na tayo." ngumiti din si ketek sa akin. Pumasok na kami sa bahay. Mukhang wala pa si mommy. Umakyat kaming dalawa, diretso kami sa mga kwarto namin.

Napaupo ako sa kama ko. Ilang saglit lang, nagshower na ako dahil ramdam ko padin ang lagkit ng icing sa balat ko. Nagbihis ako ng sandong puti at checkered na shorts na pambahay. tapos nagpatuyo ako ng buhok gamit ang towel ko, kinuha ang psp from the drower, bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa tabi ni ketek sa sofa. Nanonood nanaman siya ng teleseryeng di ko naman iniintindi.

Naglalaro lang uli ako ng tekken. 2nd Dan na ako. wew. 

"huy ketek baka maiyak ka uli dyan ha." naalala kong iyakin nga pala to sa mga palabas na nakakaiyak. pagtingin ko sa kanya, Boom! umiiyak na nga. Pinause ko muna yung game ko. 

"Tumahan ka nga!" ipinunas ko yung sando ko sa mga mata niya. Nang bigla namang dumating na pala si mommy. 

"DJ?! what are you doing?!!" sigaw ni ma. nalagot na. baka akala ni mommy kung anong ginagawa ko kay kath kung nirerape ko ba o ano. nakaakbay kasi ako kay ketek at nakatapat ang damit ko sa mga mata niya. syempre! pinupunasan ko kasi eh. arg si mommy wrong timing!

Umayos na ako ng upo at lumapit kay ma.

"uhm ma! i was just.." napapakamot ulo ako kapag tinitignan ko ang nakasalubong na kilay ni mommy. wew

"you were just what?!" sigaw ni ma

"Pinupunasan ko lang naman kasi mga luha niya, gamit damit ko. Ikaw naman ma! malisyosa eh! akin na nga itong mga dala mo. wow cake!" I kissed my mother's chicks. sana naman tumalab ang paglambing ko. wew

"Yes. para sayo yan. Happy Birthday son! akala ko naman kung anong ginagawa niyo ni kath. ambabata niyo pa isa pa..."

nagmano si ketek kay mommy kaya hindi na niya naituloy ang mga sinasabi niya.

"anyway, come on, let's eat dinner. I bought some pasta. to celebrate your 18th birthday DJ."

Lumakad na papunta ng kusina si Mommy. Sinundan ko siya para ilagay din dun yung mga pagkain na dala dala niya.

Wew. Ngayon at least masaya na.. ng konti.

Happy na talaga. Birthday pa! (smiling)

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now